Pagkakain ay dumiretcho ako sa CR hindi para umihi o jumebs kundi para magpaganda. OO, MAGPAGANDA. yihieeeeeee.
"Jared maganda ka na. Tama na ha, baka magmukang clown". -ate Thea
"I know right. Matagal na kong maganda. Nag aayos lang naman ako eh. Para pag nakita ni Jiro presentable".
"Parang hindi nagkita kanina". Lagay ng blush on, sabay roll eyes ng bruhildang si Kate.
I gave her a pang asar smile with kibit balikat at saka dumukot sa bag ko. Im going to text Lyra at sasabihing hindi na babalik ng Filipino class. Yessssss. cutting class kami. hahaha
***
Hingal kaming dumating sa sakayan ng jeep. Alam kasi namin na kami na lang ang inaantay kahit kasama ko lang naman ang may ari ng bahay na pupuntahan.
Napabuntong hininga ako nang malalim at sa pag tayo ko galing sa OA na pagkakaupo ay bumungad sa akin ang isang gwapong nilalang. Bat ba sa twing nakikita ko to parang sumisikip bigla yung dibdib ko. Tila ba kasabay ng pagtigil ng pag ikot ng oras ay ang pagtigil din ng paghinga ko. Breath taking scene ba.
"Tubig?" Nakangising tanong sakin ni Jiro. Nakakahiya na naman. Kulang na lang yung pagtulo ng laway ko at pwede nang sabihing nanaginip na ko nang gising.
"Lakas magtanong wala namang dala". Sarcastic kong sabi. nakaka disappoint eh, kung meron nga syang tubig eh di sana may itatago ako na remembrance galing sa kanya.
"Anong wala? Ang dami dami eh. Yan oh". at itinuro ang kanal.
"Yuck lang. Di ko ugali yung gawain mo no." Hinampas ko sya sa braso pero mahina lang. Yiiieee, chansing. May muscle eh kahit payat sya. Abs kaya meron? Di pa ko nakakakita at nakakahawak ng abs sa personal eh. Puro sa tv at computer lang. Dream come true yun kapag nakakita ako ng abs sa personal. Ano kaya itsura pag live? Ohlalalala. Manyakis kayo ha. Tsk, mga readers bad yan.
While riding sa jeep. Ang ingay nila, parang walang ibang mga kasama eh. Sila lang ang maingay. Tahimik ako.
"Si Jared oh ang tahimik. Bakit kaya?" talagang kailangan idiin yung 'bakit kaya?' at may pagtingin sa katapat kong si Jiro.
Napatingin naman sakin ang gwapong katapat ko. Nikikilig ako. Para maitago yung ngiti ko, tumingin na lang ako sa labas ng jeep sa side ko.
***
"Adik ka talaga kay Jiro no? Paalala ko sayo ha, walang balak mag-girlfriend yan. Sayo na nga sinabi diba?" Kaming dalawa lang ni ate Thea ang nandito sa kusina at naghuhugas ng plato na pinagkainan namin.
"I know. Sadyang gusto ko lang naman talaga yung feeling ng kinikilig. Hindi ako yung seryosong umaasa na may pag asa kami no." Totoo yan. Bawal masaktan si hypothalamus ko eh.
"Pero malay mo din diba? Mafall sya sayo, yieeeee. Tapos ihahatid ka nya sa sakayan ng jeep. Tapos sabay kayo maglalunch. O kaya kapag gusto nyang gumala eh di sa bahay nyo na lang pupunta. Yieeeeee." May pagtingin pa sa taas na mahahalata mong kilig na kilig at mayron ding kasama na pagkurot pa sa tagiliran ko eh.
"Ate Thea, basa kamay mo. Saka wag ka nga, lawak ng imagination eh. Wag na tayo mag isip ng ganyan. Parehas kami na ayaw ng commitment."
"Pero malay mo magbago. Kahit MU man lang?"
Nagkibit na lang ako ng balikat ko.
Yan ang gusto ko kay ate Thea eh. Kahit may asawa na, napakajolly pa din pagdating sa mga kilig kilig na yan. Nakakatuwa sya.
***
Pauwi na kami nang may madaanang tindahan. Nagpahuli ako sa paglakad dahil ayoko pa sanang umuwi. Ang cute kasi ng anak ni ate Thea.
BINABASA MO ANG
Falling in LIKE
Teen FictionGo for it? Don't give up? oh noooo. Para lang akong nanliligaw nito ah. Eh pano kung di nga ako sumuko pero nagsawa naman? Gulo ba? Well bahala na nga. But I don't like relationships so hanggang in like lang dapat.