I woke up late. Mali, sinadya ko palang magpalate ng pagbangon. Eh malay nyo magkatotoo yung panaginip ko diba?
Kaso 6:30 na wala pa din. Bumangon na nga ako at nagready for school. Handa na din ako sa hindi ko pag attend ng 1st subject in case na malate ako ng 15 mins.
***
At exactly 7:30 am, nakadating na ko ng school. So alam nyo na meaning nyan. Di ako umattend ng 1st subject. Gaya kayo sakin mga neng at toy, masaya to.
Walang magawa. Walang kasama pagtambay. *pout*
Makapag gm na nga lang at baka sakaling may magreply.
At boom! May nagreply nga.
"Bat ka absent?" -from Lyra
"Nagtatae ako." hoy di totoo yan. Mamaya ko na lang ikwento sa kanya kasama yung panaginip kong inasahan kong baka magkatotoo.
Ibinulsa ko na lang yung cp ko kahit naramdaman kong may nagtext ulit. Hayaan na sya. Alam kong hindi si Jiro yun dahil hindi nagpaparamdam ang mokong na yun sa araw. Gabi lang.
Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa mesa sa harap ko para sana matulog. Pero di ko mapigilan ang kamay ko sa pagdukot ng cellphone ko sa bulsa ko. Rereplyan ko na lang ulit si Lyra. Bored na bored talaga ako eh.
Pagkasend ko ay inilapag ko na lang yun sa harap ko.
*1 new message received*
Ang bilis magreply ha. Bored din siguro sa klase ang luka.
"Ikaw na ang maganda ang umaga. Hahaha." Napakusot ako ng mata ko ng mabasa kung sino ang nagtext.
*kusot* *kusot*
Eh? Si Jiro nagtext? Baka nanaginip na naman ako ha. Napatingin ako sa likod ko at sa taas ko kung may uuntugan na naman ako. Wala. Maingat akong umupo nang maayos at saka nagsimulang tumipa sa aking magandang cellphone.
"Ganun talaga. Maganda din kasi ako. Eh ikaw di maganda ang gising? Hang over no? Hahaha." -ako yan.
At dahil dun, hindi ko na nireplyan si Lyra. Magkikita naman kami mamaya eh. Eh si Jiro my labs di ko makikita ngayon.
"Hindi hang over no. Puyat pwede pa. hahaha" Oo nga naman. Sanay nga pala sa inuman yan. Hindi malalasing yan.
Nagtuloy tuloy na ang pagkakatext namin ni Jiro. Syempre ako palagi ang taga isip ng topic kapag nirereplyan nya ko ng 'Hahaha'.
***
"Akala ko ba nagtatae ang bruhang to." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Ang lakas ng boses, nakakahiya pa yung sinabi eh. Dami daming tao.
"Tanga mo naman Gaile. Uto uto ka rin eh no? Boses mo naman ha, pakihinaan."
"Shhh. Bibig mo Jared. Bawal yang word na yan." -si Lyra, ang dakilang good girl sa amin. Tagabawal namin sa pagmumura.
"Aah. Bat nga pala aga nyo? 8 pa lang ah? May 30 mins pa." -ako
"Wala si mam. Tumambay lang kami sa room ng 1 hr. Di naman namin alam na andito ka pala." -Hansel. Lalaki yan, bunso sa aming magkakaklase.
Tropa tropa kami eh. Kayo ba naman. 9 lang sa klase, irregular pa yung tatlo. Tingnan lang natin kung hindi pa kayo maging close. Okay naman ang tropa, asar lang ako sa isang lalaki, kay Brent. Bukod sa napaka KJ na, palagi pang dun sa iba nakasama. Ay whatever.
10am pa ang sunod naming klase kaya matagal tagal din kaming tumambay dun sa room na palagi namin tinatambayan kapag walang nagkaklase. Aircon kasi dun eh. zero-one kung tawagin namin.
"Nga pala, sa nurses' ball sama kayo ha." -Hansel. active yan sa club ng department namin eh.
"Well. Basta yayain ako ni Jiro" roll eyes pero nakangiti at nag iilusyon kong sabi tapos running my fingers through my hair.
"Hay nako Jared. Asa ka naman." naiiling na sabi ni Kate.
"Well. Hayaan mo na. Ganyan talaga pag in love" - I love you Lyra talaga. Pero wait nga!
"I'm not in love! I'm just in like *^_^* At magkaiba yun." mabilis kong pagtutol.
"Whatever." -kate
"Ingay!! Tara na nga lang kumain dun kina tita Arren. Gutom na ko eh." - Gaile. Mabilis mabugnot yan eh.
***
Habang nasa klase, napaisip ako kung sasama ba ako sa ball na yun. Oo gusto ko yun pero tinatamad ako eh. Syempre kasi ang layo ng bahay ko sa school tapos commute lang at panong itsura ang gagawin ko habang nasa jeep? Aigooooo. Bahala na nga. Sa mga susunod na araw ko na iisipin yan.
Natapos ang chemistry class at wala na naman akong natutunan. Busy ang isip ko sa paglipad kung saan eh. Madalas andun kasama ni Jiro my labs.
"Yow mga prends. Sama na tayo sa ball." -kate
"Kaw na lang. Di ka naman mao-op dun kasi medyo close ka naman sa mga ate. May pupuntahan kasi ako tapos tinatamad naman yang sina ganda." -Lyra.
"Oo nga naman Kate. May point si Lyra, tinatamad AKO." ipinagdiinan ko po sadya ang word na AKO. hihi.
"F na F ang ganda? tss. Di ako sasama jan. mag-ga-gown tayo? ASA." -ang bugnuting si Gaile.
"Doodie hindi. Pwede ka naman mag bikini kung gusto mo." -luka talagang Kate ito. Alam namang pikon si Gaile, dalihan ba naman ng ganyan. Menopausal stage na kasi ata yang si Doodie Gaile. Peace yoww.
At ang aming matinong usapan ay nauwi sa matinong desisyon na hindi aattend xD Oh well, pasimuno akes. Yan tayo eh, mga B.I. kayo readers.
BINABASA MO ANG
Falling in LIKE
Teen FictionGo for it? Don't give up? oh noooo. Para lang akong nanliligaw nito ah. Eh pano kung di nga ako sumuko pero nagsawa naman? Gulo ba? Well bahala na nga. But I don't like relationships so hanggang in like lang dapat.