Chapter 3

24 1 0
                                    

Chapter 3

One day isang araw, it's Tuesday morning and im on my why to school, late na ko. Excited aketch kasi makikita ko si Prince charming my labs pero 6:30 na at 7am ang pasok ko, 30 mins ang byahe ko dude.

Kaasar, punuan pa ang jeep. Tapos magtatraffic pa sa tapat ng simbahan. Aigooooo.

Pagsakay ko ng jeep, syempre naupo ako. Sa porma ng pag upo ko, halata naman na hirap ako dahil wala pang kalahati ng pwet ko ang nakakaupo. Kung hindi ako late at hindi strict si mam Melario, eh hindi naman ako sasakay dito eh.

"Oh. Ikaw na maupo nang maayos." Sabay isod ng katabi ko.

"Thank y-- DANIEL! Ikang pala yan. Akala ko naman kung sino." Sabi ko at may kasama pang hampas na mahina. At kasunod naman ang pag-hushhh nya.

Ay napalakas pala ang pagsigaw ko.

"Sorry." Napatingin na lang ako sa mga katabi namin.  "Uy kamusta na? Hindi kita nakikita sa school ah?"

"Aah. Hectic ang schedule ko. Punong puno kaya siguro hindi mo ko nakikita." -sya

"Ay ganyon? Eh ngayon? Ano pala oras klase mo? Late na ko eh. Naabutan pa ng traffic."

"Puno rin. Eh ako din late na. 7 klase mo?" pagkatango ko'y nasundan na agad ang sasabihin nya. Hanggang sa nakapagkwento na sya tungkol sa maagang duty nya. HRM kasi ang course nya.

Hindi nyo naitatanong eh madaldal tong si Daniel.  Malakas din ang sense of humor nya kaya nakakatuwa kasama. Friends kami since high school, classmate din simula 1st year hanggang third year. Pero nalipat sya ng section nung 4th year. Sinabi ko ding crush ko sya diba? Natutuwa ako kapag kasama ko sya eh. Well, ganun kasi talaga ako. Ayoko ng isa lang ang crush ko. Iwas heartbreak din kasi yun diba?

Nakababa na kami ng jeep, nakapaglakad na papuntang school hanggang sa makarating ay sya pa din ang nagkkwento.

"Oh pano Jared, akyat na ko sa taas. Balitaan mo ko sa panliligaw ni Erik ha." At tumawa ng hagalpak na

"Sira ka talaga. Sige sige. Kitakits na lang"

Si Erik? Wag nyo pansinin yun. Sadyang maloko lang tong si Daniel kaya pati yung barker ng tricycle sa likod ng school eh nirereto sakin.

*tok* *tok* *tok*

Kabado akong kumatok sa pinto. Late na ko 7 mins eh.

"Wag nyong bubuksan yan. Umpisa pa lang ng pasukan sinabi ko nang ang late ay wag na aatttend. Hayaan nyo sya."

Narinig kong sabi ni mam Melario kaya hindi na rin ako nag abalang mangulit pa.

*beep*

1 message received

From: Kate

"Girl. Ikaw ba yung kumatok? Whahahahh. Late!"

"Oo. Bruha ka. Tawanan ba naman ako? Di bale, hahanapin ko na lang si Jiro."

Babaeng to, tinawanan pa ko. Tunay na kaibigan daw eh.

"Asa ka naman. Alam mo naman pasok nun eh."

Mamaya pa kasing 10am ang pasok nun. Yees alam ko ang schedule nya. Ako pa?

***

Sa canteen na lang ako tumambay tutal hindi pa naman ako nagb-breakfast.

Busy ang leeg ko sa panghahaba at ang mata ko sa paghahagilap ng mauupuan, dala dala ang tray na naglalaman ng order ko nang matanaw ko ang isang nilalang na nag iisa sa gilid.

Falling in LIKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon