Chapter 010 Nothing

40.1K 1K 596
                                    

Parking lot, outside Vleming Building

They stood there with a little distance from each other after that heart stopping, breath taking sensual dance as Direk Raven continued to praise on how well they did it.

Naririnig nila ang mga salita ng premyadong direktor ngunit nanatiling nakapako ang kanilang mga tingin sa isa't isa.

Daniel was caught in a trance remembering how he felt earlier after his dance with Kathryn. Dama pa din niya yung lakas na parang tambol sa dibdib niya sa tuwing naalala niya ang mga mata ni Kath na nakatitig sa kanya, natutuyo ang lalamunan niya sa pagiisip kung paano umawang ang bibig ni Kathryn ng ilapit niya ang labi niya dito. Ang init ng balat niya, ang halimuyak na dala ng pawis ng dalaga. It was like a dream and a memory to him, he wants both for keeps.

"Direk..." bigla siya tumingin sa paparating. Si Emil.

Nasa may parking lot siya ngayon sa labas ng Vleming at kasalukuyan inaantay si Pat.

Mula sa pagiging maaliwalas ang mukha ni Daniel napalitan ito ng pagka aburido makita pa lang ang lalake. Hindi niya iyon pinahalata at bahagyang tumango lang siya ng tawagin siya nito. Lumapit ito sa may bandang kotse niya at tinabihan pa siya.

May hawak na isang stick si Emil at nilagay sa bibig niya. "May lighter ka?" tanong nito.

Tahimik na inabot ni Daniel ang lighter na nasa bulsa niya sa lalake. Ibinalik naman nito agad sa kanya pagkatapos niyang sumindi.

"Paalis na kayo Direk?" sumandal si Emil sa gilid ng sasakyan ni Daniel. Nakapamulsa at sabay buga sa sigarilyo niya.

"Oo." matipid na sagot ni Daniel ng hindi siya tinitignan.

"Ahhh..." tumango ito sa sagot niya.

"Lahat ba ng show niyo personal niyong pinupuntahan ang mga workshop o ngayon lang?" tanong uli nito na may bahid ng kahulugan. Panay pa rin ang pag hithit at pagbuga niya sa sinindihang sigarilyo.

Daniel knew he was trying to enunciate something out of the bushes he was running and he did nit want to give him the satisfaction to think that he is guilty or affected by any means. "Depende brad." matipid niyang sagot uli. He pauses before he takes another puff.

"Depende sa kung sinong artista?" he pushes him.

Napatingin na si Daniel sa kanya, in a scornful manner he said "Depende kung kailan ko gusto."

Emil let's out a soft laugh that did not last a few seconds befoe his face grew serious again.

"Direk...sana huwag niyong mamasamain yung tanong ko. Pero, di ba matagal na kayong hiwalay ni Kath?"

"Bakit mo tinatanong?" this time Daniel showed the frown he has been hiding all along. Tinapon niya sa sahig ang upos ng sigarilyo niya saka tinapakan para patayin ang siga nito. He was stepping on it feeling every squeeze he makes on his foot while glaring at Emil.

"Dahil gusto ko siya Daniel." he says to him, addressing him by his first name unrelentingly. "And I find discomfort with you being around her." he continued.

Umawang ang bibig ni Daniel, he was caught speechless and off guard for a bit. Parang nagpantig ang magkabila niyang tenga sa isinasalita ni Emil. He felt heat over his face and he was dying to tell him this "Hindi ko na siguro yan problema Suarez. You can either find another show, or another girl to like because I am staying and there is nothing..." nagpipigil ang boses niyang tumaas, lumapit pa siya kay Emil at tinuloy ang sasaabihin "...nothing you can do about that." tinignan niya ngayon ito sa mata.

Kahit KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon