Chapter 22 Cupid

49.5K 1.3K 410
                                    

3rd week on set, Monday.


A week after, laman pa rin ng trendlist sina Kathryn at Daniel. They are also all over the showbiz news. Naging usap usapan ang tungkol sa anak nila at kung nagkabalikan na ba ang dalawa. Maraming mga hula at tsismis but both Kathryn and Daniel refused to give an official statement regarding the issue.

#BabyJoaquinAngelo
#KathNielisREAL
Anak ni Daniel
JA
Kathryn Bernardo
Daniel Padilla
Bakit 4 yearsold
#Duterte2022
#Kathniel

Former loveteam and rumored couple revealed to have a lovechild after split up click here to find out more...

Daniel Padilla refuses to talk about Kathryn and their allegedly child, the reason is in this story click to find out more...

Kathryn Bernardo's comeback is making explosions. More of Kathryn's explosive revelations here...

Ngunit hindi naman nila itinago si JA sa publiko, iyon lamang ang bagay na inamin nila. Nagkaroon sila ng anak at si Joaquin Angelo ang batang iyon.


Daniel and Kathryn chose to settle things privately that way it will be resolved properly. They are both professional when it comes to work. Naging maayos ang working relationship nila even after that day na nagkasumbatan at nagkalabasan sila ng sama ng loob. Perhaps understanding helped a lot para maging maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa. Bilang artista at direktor at bilang nanay at tatay ni JA.


Sabado noon at free day nila, pahinga muna sa buong linggong pag sabak sa taping.

"Pat asan ka na ba?" Daniel says on the phone impatiently. Kausap niya ngayon ang kaibigan na isang oras na siyang sinasabihan ng on the way na raw siya.

"Pat, hugutin mo na muna yan tae ka naman o. Samahan mo muna ako rito!" pagmamaktol niya sa telepono.

"Hoy Dj, ang aga pa ahh. Kakabukas pa nga lang ng Rockwell eh." his friend complained over the phone.

"Kaya nga para konti pa lang tao. Asan ka na ba kasi?"

"Basta malapit na. Pero pwede ba kumain muna tayo? Hindi na ako nakapag almusal kasi ang aga mong mang gising."

"Oo na. Oo na. basta bilisan mo na."

"Yes, supremo!" nag salute pa ang kaibigan kahit hindi naman siya nakikita ni Daniel.

Nasa Toys R Us sa Rockwell si Daniel at naglilibot sa mga laruan na nandoon. Maaga pa kaya kaunti pa lang ang namimili. Halos mapuno na ang trolley niya ng kung ano ano. Mga toy cars, toy airplanes, mga Lego bricks, puzzles at wooden blocks. He can't decide which one to choose kaya lahat kinuha niya. Anyone who will see him and not know that he has a child baka mapagkamalan siyang magbubukas din ng toy store.

"Hi...good morning po Sir." bati sa kanya ng isang magiliw na saleslady.


"Hello." bati naman niya.


"May hinahanap po ba kayo? Is there anything you'd like to add po?" matamis ang ngiti sa kanya ng makilala siya.


"Ahh ano Miss, ano bang pwedeng laruan para sa 4 year old?" tanong ni Daniel


"Ahhh dito po Sir Daniel. Marami pong pagpipilian dito, girl po ba o boy?"

"Boy." ngiting sagot din ni Daniel.

Kahit KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon