Chapter 17 Unplanned

42.3K 1.1K 378
                                    

La Vie Institute, 11:30 am

"Mommy!" agad siyang sinalubong ni JA ng mahigpit na yakap.

"Hi Honey...how are you? I missed you." inulan niya ng halik ang mukha nito. "Good boy ka ba? Di ka ba makulit kay Glama'?"

"Glama' took me to the park, may slide, may swing. I played with Ate Lhexine." masayang kwento nito.

"Wow. Did you have fun?" her son nodded repeatedly with a big smile.

"Manang, paki kuha naman nito tapos pakiayos na po sa mesa para makakain na tayo."

"Is that Spaghetti Mommy?" the child asked clapping his hands.

"Yes baby, someone bought you spaghetti. Alam mo kung sino?" nanatili lang nakatingin ang anak niya sa kanya.

"Daddy bought it for you." she whispered and she saw JA's face brightened up in glee. He was jumping out of joy after Kathryn told him Daniel was the one who bought his favorite spaghetti.

Tahimik naman nakikinig si Min sa usapan ng mag ina. Alam niyang magkasama si Kathryn at Daniel dahil sinabi sa kanya ni Lory ng umuwi ito na hindi siya kasama.

Nagpakarga sa kanya si JA ata agad agad naman niyang binuhat ito.

JA is a smart kid, lahat ng nakikita niya at napapansin ay tinatanong niya kay Kathryn. He was watching Kathryn closely and noticed patches over her neck.

"You have mosquito bite Mommy!" her son exclaimed and Kathryn remembered exactly what JA was referring to.

"Y-yes honey, mosquitos." she awkwardly covered it with her hair.

"Ang laking mosquito naman niyang kumagat sa Mommy mo JA." Min gave Kathryn a knowing look. Alam niyang magigisa siya maya maya lang.

Habang masaganang kumakain si JA ng uwi niyang spaghetti kinausap siya ng ina.

"Bakit hindi mo pinapasok si Dj dito? Alam na ba niya?"

Umiling si Kathryn.

Umismid si Min at halos napasigaw na ito "Kath! Kailan mo balak sabihin sa kanya? Magkasama na kayo kanina. Ano ba pinagusapan niyo at hindi mo pa nabanggit ang tungkol sa anak niyo?" tumaas ng kaunti ang boses ng ina.

Napatingin si JA sa kanila at saglit na napatigil habang sinusubuan siya ni Kathryn.

"JA, halika muna dito kay Tita Kaye. Ako subo sayo ng sphag. Gusto mo ba ng juice?" nilayo muna nila ang bata sa mesa.

Tumingin muna ito kay Kathryn.
"Sige na anak, go with Tita Kaye muna..." she smiled wiping the excess sauce stained around his mouth. Sumunod naman ito kaagad sa sinabi niya.

Bumaling uli ang tingin ni Kath kay Min na ngayon ay hinihintay ang sasabihin niya.

"Ma, I was trying to tell him but he just won't listen." she started.

"Then try harder. Kath hindi naman pwedeng ganyan. Maawa ka sa anak niyo." pangaral niya kay Kathryn. "Matatanda na kayo ni Daniel, kung ano man ang ginagawa niyo bahala na kayo doon pero dapat mo rin isipin ang anak niyo Kath. Lumalaki na si JA na hindi pa nakakagisnan ang ama niya." para siyang batang pinapagalitan ng nanay niya.

"I know Ma." sagot niya ng mahinahon. "Hindi ko naman nakakalimutan yun Ma. that is the very reason kung bakit ako bumalik, para kay JA. Pero napakastubborn ni Dj, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, parang pinipigilan niya ako magsalita. Kaya nga naisip ko na dadalhin ko si JA sa kanya mismo, the day after tomorrow pagkatapos ng taping aayain ko siyang lumabas at saka ko ipapakilala ko sa kanya ang anak namin."

Kahit KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon