Game 7:" the THIEF and the JOB "

47 1 1
                                    


<Vixus's POV>

"So ikaw pala si.....Hell Darkrey aka 'the THIEF'"

Napangiti sa akin si Hell, ang magnanakaw ng Avatar.

"At talagang nagsearch ka pa para lang malaman mo ang information ko, well oo ako nga si Hell, at mukhang mag-eenjoy ako dahil may mga bago na naman akong koleksyon."

Nagtransform na kami into Avatar. Pero ngayon may nabago na sa akin, meron na akong weapon. Hindi ko na kailangan i-summon pa ang MDS ko. Nang magbago na ako ng anyo ay nagtaka sila Catline at Blake sa akin dahil nakalabas na ang MDS ko samantalang hindi ko pa ito sina-summon.

"Bro, bakit nakalabas agad ang MDS mo eh hindi ka pa naman nag-summon?" Takang tanong ni Blake.

"I have a new weapon. Accelerator ang tawag ko sa weapon ko." At inangat ko ang kanang kamay ko at pinakita ko sa kanya ang isang orb at may hologram ito.

" woah!"

Yan lang ang nasabi nilang dalawa.

"Well, 3 versus 1? Parang ang lugi ko naman ata, pero subukan niyo naman ito at baka magustuhan niyo ang 2nd form ng avatar ko." Nakangisi siya sa amin.

May lumabas na hologram sa harap niya, maliit lang ito na kasing laki ng notebook. Nakita ko ang asing avatar dun at pinindot niya yun. Nagbago siya ng anyo.

White hair pa din pero mahaba na ang buhok niya, tapos ang armor set niya ay nagbago din, nakita kong tumaas ang HP % niya, ang 100% ay naging 450% HP kaya nagulat kami, may nakita kaming mga hologram sa gilid niya which is ang mga status ng mga armor set niya, at mejo natakot kami dahil sa 1590% strength nang kaniyang armor set. Hindi na ako magtataka kung bakit siya tinawag na 'Avatar Thief' dahil sa ang lakas niya.

"Done observing my avatar? Now its time to get rid your avatars." Sabi niya at bigla siyang naglaho.

Naging alerto kami sa paligid at hinanda ng ga weapons namin.

"Volt Dash!"

Napalingon kami sa kaliwa namin at nakita namin siya na nababalutan ng mga kidlat at sobrang bilis niya dahil nasa harapan namin siya kaya nung sasalagin namin ay bigla kaming nakuryente nang mag-dash siya sa amin nang sobrang bilis, dash lang siya ng dash habang pinupuntirya niya kami, kahit ako na alam kong electric type ang avatar ko na dapat inaabsorb lang ni Laxus ang mga Attacks niya eh hindi kinaya dahil sa sobrang lakas.

"Magnum Light!"

Nagpakawala ng liwanang si Catline, as in yung halos mabulag na kami sa sobrang lakas ng liwanag kaya nagcast kami ng spell para macover namin ang mga mata.

Nang maglaho ang liwanag na kinast ni Catline ay nakita kong nakatigil si Hell.

"This is our chance! Infinity Swords!"

Nag-cast si Blake ng malaking magic circle sa paanan ni Hell at nagkaroon din ng mga magic circle sa paligid ni Hell at lumabas ang mga Rune Swords na nakatutok sa kaniya, iwinasiwas ni Blake ang kamay niya at derektang patama kay Hell ang lahat ng mga Rune Swords ni Blake.

"Krypton Light!"

Nagcast ako ng mga magic circles sa tapat ng mga rune swords ni Blake, lumusot ang mga rune swords ni Blake at nabalutan ito ng mga electricity, new skill attack ko at ang nagagawa niyan ay kayang pahinain ang lakas mo.

"Stealth!"

Biglang naglaho si Hell, this can't be!! Masyadong magaling ang tactics niya, alam niya ang kahinaan ng mga attacks namin.

"Ground Break!"

Nag glow ang weapon ni Catline at hanampas niya ang lupa dahilan upang yumanig ang lupa.

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon