Game 3:" Testing my AVATAR "

243 14 3
                                    

<Vixus's POV>

nagising ako dahil na alimpungatan ako, mejo masakit pa rin ang ulo ko,pagdilat ko ay mejo naguluhan ako kasi wala ako sa kwarto ko,teka ano bang nangyari?

umupo ako at pinagmasdan ang nasa paligid ko,hindi nga ito sa akin kasi pangbabae ang theme ng room,pure pink.

-_-|| putik,para akong bakla

neto eh.

bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng naka salamin,teka siya yung babaeng binubully,napansin kong may naka sunod sa kaniyang nonabot na may dalang pagkain.

"gising ka na pala,heto pagkain, kumain ka muna." sabi ng babae at inilapag ang pagkain sa harap ko.

"teka sino ka?" sabi ko.

"ako si Catline Blacksky,best friend ni josephine." sabi niya at inilahad ang kamay sa akin.

"Vixus Grishford, teka pano ako napunta dito?" tanong ko sa kaniya.

"ahm you save my life,salamat pala." sabi ni Catline, niligtas? paano?

"paano?" sabi ko at nilantakan ang pagkain.

"nagtransform ka bilang avatar character, you know, i've never seen that character, tell me saan mo nakuha yun?" sabi niya.

mejo naguluhan na naman ako.

Napansin niya sigurong naguluhan ako kaya kinuha niya ang kaliwang kamay ko at parang may hinahanap sa techno ko,problema neto?

"ang galing ng techno mo,kakaiba,tsaka paano ba ito paganahin?" sabi niya.

ng may mapindot siya sa techno ay biglang nahati sa dalawa ang techno ko at lumabas ang hologram ng character.

"siya ang nagligtas sa akin." sabi niya habang nakatingin sa unknown character,teka sino ba kasi itong character na to?

"alam mo bang nakakatakot siya habang nakikipag laban,his so cold, i think hindi mo pa kayang kontrolin ang character mo." paliwanag niya at tumingin sa akin.

"ahm sino ba ito?" tanong ko sa kaniya.

"Laxus Grey"

napatingin kami sa nagsalita,si josephine pala, tsaka anong sabi niya Laxus Grey, katunog pa ng name ko ah.

"Laxus Grey? sino yun?" tanong ni Catline.

"legendary fighter na pinrogram for only one person,at ang taong may legendary fighter ay ang itinakda." paliwanag niya,ngayon ko lang nakita si josephine na seryoso.

"di nga?" sabi ni catline.

*PAK*

"aray, kailangan mambatok!?" sigaw ni Catline.

" leshe ka kasi,nakita mong seryoso ang tao sinisira mo ang moment." sabi ni josephine.

teka pinrogram for only person?itinakda? ibig sabihin....

"ibig sabihin ako ang itinakda?" sabi ko.

tumango si josephine bilang sagot.

"alam kong hindi mo pa kayang kontrolin si Laxus,kaya sumama ka sa akin." sabi niya at nagpatiunang lumabas.

sumunod naman kami tutal tapos na akong kumain,napansin kong pababa kami kaya hindi ko maiwasang magtanong kay Catline.

"psst Catline" tawag ko kasi nasaunahan ko siya eh ako ang huli.

humarap naman siya sa akin.

"pano mo nakilala si josephine?" tanong ko sa kaniya.

"grade school magkaklase na kami." sabi niya at naglakad na ulit.

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon