Game 8: " the Arena Battle Dome "

84 2 0
                                    

<Vixus's POV>

"Blake ano ba ayusin mo nga!?"

"Bakit ako!? Ikaw ang umayos tingnan mo na-dead tuloy ako!?"

"Eh kung sumunod ka kasi sa sinabi ko!? Edi sana hindi ka na-dead!! Bopols!"

"Aba at--"

"Will you shut up? Kayo na nga lang ang naglalaro nag-aaway pa kayo -_-"

"Eh ito kasi eh" sigaw ng dalawa.

-_- ugh, ang ingay nila. Hindi ako makapag-consentrate sa pag-aayos ng armor set ni Laxus. Haizt, wala na talagang pag-asa ang dalawang yun, palaging nagbabangayan, si Catline lang ang nagpapatahimik sa kanila tulad neto...

"Ano ba Blake ibato mo kasi!!! Ang tanga mo naman!!"-Jenifer

"Kung maka-tanga ka naman, eh kung pinindot mo sana yung release edi sana natamaan mo siya, ikaw ang tanga!!"

"Aba at tala---"

*pok

"Hindi talaga kayo titigil? -__-"

"Eh siya kasi eh!" Nagturuan ang dalawa.

Haizt. Makaalis na nga dito, tsk hindi talaga ako makapag-trabaho ng maayos. Lumabas na ko sa playroom at dumiretso sa ELab, nandito pa din kami sa Tito Sid ko. Ewan, ang gaan lang sa pakiramdam kapag kasama ko siya, parang nahanap ko yung kalinga ng isang ama sa kaniya, nalungkot nga siya ng malamang namatay ang mga magulang ko. Ang sabi niya magbabaya ang may kagagawan sa pamilya ko, si Tito Sid pala ang engineer at gumawa ng Arena Battle Dome sa school namin. Wait? Speaking of school? Haizt siguradong expelled ang labas namin neto dahil sa hindi na kami nagsipasukan. Tsk, by the way, kamusta na kaya si ate Vein? Nako, pati sa kanya hindi ako nakapag-paalam, kung sabagay kahit magpaalam ako eh hindi ako papayagan nun.

***



"Vixus?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Tito Sid pala. Naglakad siya papunta sa akin.

"Bakit po?"

"May ibibigay ako sayo."

May inilahad sa akin na isang micro chip.

"Ano po ito?"

"Magagamit mo yang chip na yan kung kinakailangan, sa ngayon itago mo muna ito. Sa tamang panahon magagamit mo yan."

Tapos umalis na si Tito Sid, napatingin ako sa chip na binigay sa akin. Ano kaya ito? Bahala na nga. Tinago ko ang chip at pinagpatuloy ang pag-enhance ng weapon ni Laxus, haizt. Isa pa tong si Laxus, lahat na ng data research at info na kailangan ko sa kaniya eh wala. Nagtataka nga ako kung bakit nag equip sa kaniya ang accelarator. Eh nung ni-research ko kung saan pwede mag-compatible ang ganung weapon eh dun sa mga SS Class avatar lang pwede. Haizt, naku Laxus dumagdag kapa sa sakit ng ulo ko.

"YES WOOOOOHHHOOOOOO!!!!!! NAKUHA KO DIN HAAHAHAAAAHA!!!!!"

Napatingin ako sa sumigaw, akala ko nga si Josephine eh, hindi pala. Ano kayang nainom ni Catline at nagsusumigaw sa tuwa?

Kasamang pumasok ni Catline sila Josephine at Blake na--- bakit may chain yung mga kamay nila? At bakit may tape sa bibig nila? -_-

"Oh Catline, ang saya mo ata?" Tanong ko.

"Yes, haha dapat lang noh, dahil nakuha ko na ang armor set na binili ko dun sa equipment store, hahaha ang ganda kaya. Look."

Tapos nagtransform siya at nakita ko na ang avatar niya na naka armor set, isa atang Heaven Armor? Ayos ah, haha nakita ko kasi sa data dun sa armor set na galing pa ito sa mission type. Napatingin naman ako sa likod niya at nakita ko sila Blake at Josephine na ang sama ng tingin nila kay Catline.

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon