Game 9: "Physical Strength?..."

49 1 0
                                    

<Vixus's POV>

"Mukhang matindi ang labanan ng dalawang team! And we are surprised on team Grand Fighters of they're skills were they are a newbies here!! Matatalo kaya nila ang Grand Defenders? Wala pang nakakagalaw sa bawat Tower Base nila. Nakakabilib mga players!!"-Emcee

Umilag ako sa paparating na atake ng kulay black ang buhok at dilaw ang mga mata. Mukhang ang hirap nilang kalaban.

"Swords of justice!"

Nag cast ng magic circle si Blake sa paanan ng kalaban namin at may magic circle din sa unahan ng paanan ni Blake saka itinusok ang kanyang Runed Sword niya, kasabay nun ang pag litaw ng mga Runed swords sa Magic circle kung saan nakatayo ang mga kalaban namin.

"AAARRGGGHH!!"

"Ultra Beam!"

nag ipon ako ng sapat na energy at pinakawalan ko sa dalawang kalaban namin.

Sumabog ito pagkatama sa kanila at nabalot ng usok ang paligid. Nang humupa ang usok ay nagulat kami, may Void na nakabalot sa kanila.

"maganda ang mga atake niyo, pero hindi iyon sapat para manalo kayo sa amin!"

Sumugod sa amin ang dalawa at nag close combat kami sa isat-isa. Mas sanay ako sa close combat kaya sumugod ako sa kanila.

Kinalaban ko ang Captain leader nila samantalang si BLake ay sa kulay black ang buhok.

"Poison Stab!"

Hindi ko namalayan ang atake ng Captain nila dahil bigla itong nag dash ng mabilis kaya natamaan ako. Nakita ko naman ang HP ko na nababawasan unti-unti. Shete, para akong....

"ARGH!!!"

napahawak ako sa braso ko, ang sakit, naglabas ng Alert message sa harapan ko at nakita ko ang HP ko na may nakalagay sa taas na poisoned, kainis, wala akong dalang Clear poison potion!

"VIXUS!!"-Blake

Nakita kong sumigaw si Blake tapos ay umiwas sa atake ng kalaban niya.

"Vixus..."

Napatingin naman ako sa Captain leader ng kalaban namin. Napaka-misteryoso talaga niya. Hindi mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

"Your team is gone..."

Bigla akong nakarinig ng sigawan sa Audience, teka anong nangyayare? May nakita akong mga hindi ko kilalang mga armadong tao. Nagkagulo ang mga tao sa labas ng dome at ang Emcee naman ay natataranta din. May ilan na sinaktan pa nila ang mga ibang players.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko at nakita kong lahat sila ay nakahandusay na. Nanlaki ang mata ko at humarap sa Captain nila pero bigla nalang nagdilim ang paningin ko....

*****

'Vixus'

A-aw... Ang sakit ng ulo ko...

'Vixus'

Teka, sino yung tumatawag sa akin?

'Vixus gumising ka.'

Unti-unti akong dumilat at bumangon, nanlaki ang mata ko ng makita kong puro bakal at puro computers ang nasa paligid ko. Madilim ang langit, pero nagliliwanag ang paligid dahil sa dami ng mga hologram computers at mga bakal na parang hindi pa ata natapos gawin, parang nasa ibang mundo ako. Mundo na ang makikita mo lang ay puro hologram Computers, machines and such.

"Mabuti at gising ka na"

Napatingin agad ako sa kaliwa ko at nakita kong may lalaking puti ang buhok at kulay black ang leather jacket na nakaupo at nakatalikod sa akin at parang may ginagawang data. Sa itsura pa lang ay kilala ko na kung sino itong lalaking ito.

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon