Game 4:" Anger "

80 5 2
                                    

<Vixus's POV>

after namin mag sparing nila Catline at Josephine ay umuwi na ko,tutal malapit lang naman ang bahay nila Josephine sa amin kaya walking distance lang.

Ng makarating ako sa tapat ng gate namin ay may napansin ako.

sira ang monitor sa harapan at sira din ang device lock sa gate.

dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay,ng makapasok ako ay laking gulat ko dahil puro sira ang nasa palagid ng bahay,pati mga nonabots at androids ay wasak at sira,nakaramdam ako ng kaba.

"MOM!!? DAD!!?" sigaw ko pero wala pa rin akong naririnig

hinanap ko sila sa kusina pero wala.

pumunta ako sa Sala sa second floor at tumambad sa akin ang hindi ko inaasahan.

nakahandusay ang akin mga magulang na magkayakap at duguan.

unti-unti akong lumapit sa kanila ng nanginginig ang mga kamay ko.

"hi-hindi...." biglang tumulo ang mga luha ko.

wala akong magawa,nakita ko ang karumal-dumal na ginawa sa aking mga magulang.

naikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang galit.Hindi ko mapapatawad ang gumawa sa kanila nito.

lumapit ako at lumuhod saka ko sila niyakap,niyakap ng mahigpit.

"Dad.... sinong may gawa sa inyo nito" sabi ko habang umiiyak.

nakarinig ako ng mga yabag na papunta dito sa taas.

"Vixus...." napatingin ako kay ate na nakatayo,hawak ang bibig at naluluha na sa sitwasyon ngayon.

"Ate......wala na sila....."

Biglang humagulgol si ate at niyakap ako.

===============

dinala na ang mga magulang namin sa morge upang ilibing,andito naman kami ni ate vein sa SPG (System Police Government) kung saan kakausapin kami tungkol sa pagkamatay ng aming mga magulang,hindi ako makapag bigay ng impormasyon dahil tulala ako at iniisip kung sino ang pumatay sa mga magulang namin at anong pakay nila sa amin.

After 3 hours na pag-uusap ay pumunta kami sa condo ni ate,dun daw muna kami hanggat hindi pa inaayos ang mga nasirang gamit sa bahay.

pagpasok namin ay para din itong bahay namin dahil may second floor at third floor.

"magpahinga ka muna Vixus,ipagluluto kita ng makakain." sabi ni Ate,tumango ako at umakyat sa kwarto.

i miss dad and mom,bakit sila namatay?ano bang nangyayari?

ilang minuto lang ay pumasok si Ate na may dalang pagkain.

"Vixus kumain ka muna oh." sabi ni Ate at nilapag ang pagkain sa table tabi ng kama.

"sige ate mamaya na lang" matamlay kong sabi,nakakakilabot ang nangyare talaga.

tumango si ate at lumabas,naiwan akong nagiisa at nakaupo.

Nilabas ko ang techphone ko, All glass at walang casing ito.

tiningnan ko ang picture namin nila dad at mom na masaya.

hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"dad, bakit mo kami iniwan? bakit pa kayo nawala? i miss you dad and mom.Bakit pa kasi kayo pa ang namatay eh."

sabi ko habang umiiyak.

wala akong idea kung sino ang gumawa sa kanila,nakakainis,wala akong nagawa sa kanila.

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon