Game 11: "the 3rd Type and another LEGENDARIES?"

26 1 0
                                    

<Catline's POV>


dumilat ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko, paanong?

"Ayos lang ba kayo?"

"VIXUS!!!"-kami

ginamit niya pala ang barrier pulse na lumalabas lang pag nasa panganib si Vixus kapag nasa human form siya. Teka

"Nasan si Josephine?"

"Ako ba hanap mo?"

napatingin naman ako sa likod ko at agad ko siyang niyakap.

"waaaah!!! beshy kala ko nawala ka na huhuhu T_T"

"hahah hindi noh, namiss kita beshy!!!"

"WAAAAHH!!"-kami

"Hoy! nasa gitna tayo ng laban, mamaya na yang drama niyo!"

tss, basag moment naman tong si Blake -_-

"oo na..."-ako

"Yan ba ang queen bee?"

tanong ni Vixus at nagtransform na siya sa Avatar form niya.

"Mukhang malakas ah."

at nagpalit na din si Josephine sa Avatar form niya. Mukhang magiging maganda ang laban na ito..

<Vixus's POV>

Ayos, makakapag warm na ko neto. Tumingin ako sa mga stingerbots at sa queen bee, may mga kasama pa ang queen bee, tatlong silver armored stingerbots at based sa level ng mga to, 58 ang tatlo, ang mga stingerbots naman eh mga 30- 39 level, at ang queen bee naman eh nasa 65 level. haizt, hanggang ngayon nasa low class level pa ko. kailangan ko pang mag level up para maka advance level.

"Guys.. may naisip ako."

napalingon naman sila sakin ng nagtataka.

"Gusto ko na back up-an niyo ko habang nagpapa level ako, incase na maubos ang HP line ko, mag heal ka Catline, Josephine ikaw ang magiging long range attacker ko, Blake, ikaw ang magiging tank."

nagtaka naman si Josephine sa sinabi ko.

"Teka Vixus ako? ako magiging longrange attacker mo? Vixus hindi ako archer para maging longrange mo."

"basta gawan mo ng paraan.... ngayon nah!"

nagdash ako at kinombo ko ang mga stinger bots, katumbas ng stingerbots ang 10Exp sa kanila, kaya kung pagsasabayin ko silang ikombo, mabilis akong makakapag level up.

"Pyrmaid Accel!"

nagpalabas ako ng magic spell hologram pyramid at binato ko sa mga stingerbots, pumasok ang mga stingerbots sa pyramid at pinaliit ko to gamit ang mga palad ko. mahigit 58 stingerbots ang natalo ko sa isang spell na yun, kaya ipagpapatuloy ko pa.

"Rune Chaser!"

nag glow ang weapon ni Blake at naglabas ito ng maliit na magic circle sa weapon ni blake, habang tumataas ang magic circle ni blake papunta sa dulo ng rune sword niya eh nagbabago ang weapon niya at lalong humahaba ito at lumalaki.

"Aaaaahhh!!!!"

iwinasiwas ni Blake ang Rune Chaser niya at mahigit 74 Stingerbots ang natalo niya.

"Mega Drift!"

Nagpalabas naman ng mga Icicle swords si Josephine at kinompas niya ang kamay niya kasabay ang paglusob ng mga atake ni josephine sa mga stingerbots, pinuntirya niya ang mga ulo neto para siguradong patay. mahigit 32 stingerbots ang napatay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Techno Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon