Part 12
Claude's P.O.V.
"Dali na. Buddy tayo diba?"
Kinaladkad na ako ng babaeng alien na ito! Nagmana ata ito sa yaya niya kasi kainis naman, pinaghahampas ako ng ano yun? Basta gulay. At ayoko ng gulay. ><
"O-oy! ayokong sumama! Tsaka, pakelam kong buddy tayo!!" Pinipilit kong kumalas sa pagkahawak niya.
"HOY! SASAMA KA BA O BATUHIN KITA NG KAMATIS DYAN?" eh? Bakit ang amazona ng yayang 'to? ><
"Ah-eh.. sasama na."
"Mama naman, wag mong takutin. Eh sinusundan nga ako nito to make sure na makakauwi ako ng safe. :)"
"Pagmumukha mo! Hindi kita sinundan! ASA!"
"Asuuuuu. Denial ka pa ehh! Eh ano ginagawa mo dun sa kahoy kanina? :p"
LECHE ANG KULIT AAAH! Tsk. Teka, ba't alam niyang sinusund--- ay hindi ko nga siya sinusundan! ><
"ANO?! Wa-la kaya."
"Wala? Nagtatago ka dun kasi ayaw mong mabisto! Hahaha!."
Di na ako nagsalita. Ang kuleet naman kasi. Hindi ako makalusot. Tsk.
Ayun, kinaladkad na naman ako ng babae sa loob ng bahay nila. Anubeyen. Di talaga ako makapalag sa kanya. Ba't naman kasi, she's just too hard to resist? ><
"DALIIII!"
"Ooo! Sasama na! Wag mo akong kaladkarin! Matatangal tong braso ko oh! ><"
**
"Upo ka muna dyan." tinuro niya yung couch sa sala nila. Malaki yung bahay nila. Halatang mayaman. Pero mas malaki yung amin.
Pumunta siya sa second floor. At yung Yaya niya nandun sa kusina. Eh? Bakit nila ako iniwan dito? Pagkatapos nila akong kaladkarin! Fck. ><
Kinuha ko na lang yung headphones ko at nakinig ng music sa iPod ko.
Now Playing: Miracle Worker by Superheavy
Nainip ako, kaya tumayo ako at nagtungo sa kusina kung saan nandun yung yaya ni babae.
"Oh, nandyan ka pala. Gusto mong tumulong?" sabi nung yaya niya na naghihiwa ng kung anu-ano.
"Wag na. Di ako marunong nyan." sumandal lang ako sa wall malapit sa ref at kumuha ng apple sa taas ng ref.
"Eh di magsanay ka. Alam mo bang gusto ni Ren-ren ang lalaking marunong magluto."
Ren-ren nickname niya? ANBADUUUUUY! NATATAWA NA AKO. PFff.
"Pake ko."
"Asuus. Ikaw naman. Alam kong gusto mo siya eh! Mag-effort ka naman!"
"Asa. Wala akong gusto dun." ano bang pinagsasabi niya? Yung babae na yun? Magugustuhan ko!? NO WAY!
"Naku, mga kabataan talaga! Ang hilig magtago ng mga secrets. SUUS!"
Kumagat lang ako ng apple at patuloy pa rin siya sa paghihiwa ng mga anu-ano.
"Ano ba pangalan mo, iho?" nagulat naman ako dun.
"Culaude." pasensya kumakain ako.
"Apelyido?"
Ano ba 'to? INTERVIEW? Ah, oo nga! Interview naman talaga 'to. Loko ka Claude.
"Tuazon."
"Tuazon? Napaka-pamilyar ng apelyido mo."
Ha? Ako? Familliar sa kanya? Di naman ako artista eh.
Di ko lang siya sinagot. Kumagat ulit ako sa apple.
"Kasi, may boyfriend akong nagtatrabaho sa ibang bansa. Tuazon nga yung apelyido nang pinagpapasukan niya. Kaya nga niya ako iniwan kasi dahil hindi niya maiwan-iwan yung alaga niya."
Oh, ano ba 'to? DRAMASERYE? Ang oa naman nito.
"Ah. Ganun."
Pagkatapos nun, di na siya nagsalita. Ano ba drama niya? Ang oa talaga.
Teka, san na ba yun si pfff! HAHAHA! REN-REN! Natatawa ako sa nickname niya. ><
Tatanungin ko na lang tong yaya niya.
"Oi."
"Wag mo akong i-oi oi dyan! Gumalang ka! Mas matanda ako sa'yo!" ang HB! ><
"Sorry. I don't know your name."
"Joyce. Joyce Miranda. Yaya ako ni Ren-ren."
"Ah okay. Miss Joyce. Saan pala siya?"
"Si Ren-ren ba kamo? Nasa kwarto niya. Puntahan mo. Yung pinto niya ay may mga flowers."
"K."
Hahaha! REN-REN. XD puntahan ko nga yun. Nabo-bored ako. Flower door? ANG BATA. XD
Umakyat ako sa hagdan at hinanap yung flower door. At ayun, nakita ko na.
Nakabukas ng konti yung door niya. Kaya pumasok ako.
Eh? Wala naman siya. Saan kaya yun? ><
Ayyy, makahiga na nga sa kama niya. Inaantok ako.
ZZZZZZZZZZZZZ.
Di joke lang! Humihiga lang ako dito sa kama niya. Ang girly naman dito, nababakla ako. Light pink at florals yung theme nang kwarto niya. Pero ambango! ><
Tumingin ako dun sa side table, may nakita akong ballpen na katulad nung binato niya sa ulo ko. Ang dami ah. Teka, makakuha nga ng isa.
Kinuha ko yung hello kitty ang top sa ballpen. Ang cute eh.
Pinasok ko ito sa bulsa ko at nilagay ko ulit ang headphones ko. Nakinig ulit ako ng music.
"AAAAAAAAAAAAAAH!!"
BINABASA MO ANG
True Love
Teen FictionHi mga readers! Hihi. This is my first story, and also I'm a rookie pa sa gantong bagay keya naman ang storya na ito eh bunga lang din ng walang magawa sa buhay. HAHAHAHA! Hope you like it. Please vote and leave your comment nalang din po. Add me up...