Kabanata 8

388 7 3
                                    

Kabanata 8

Napabalikwas ng bangon si Seraphina umupo siya sa kanyang pagkakahiga, hinahabol niya ang kanyang paghinga habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa kanyang noo. Muli siyang pumikit at hinawakan ang kanyang mga labi, hindi maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kanyang panaginip pakiwari niya iyon ay totoong-totoo. Hanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang malambot at mainit-init na labi ni Hudas, dahan-dahan siyang dumilat na may sumisilay na ngiti sa kanyang labi.

Muling bumalik ang mga ala-ala niya noong unang pag pasok niya sa kolehiyo, ang una niyang masilayan si Hudas, lalo na ang mga mata nitong nakakapanghina. Sa halos mag iisang buwan na pag pupumilit sa kanya ni Hudas at halos isang buwan silang mag kasama hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na lubos siyang nakakadama ng kaligayahan.

Sa mga nakaraang araw, iba't-ibang emosyon ang kanyang nararamdaman. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang nangyayari sa buong sistema ng kanyang sarili. Tulad ng pag patak ng kanyang luha, simbolo na siya'y nasasaktan, ang pag ngiti ng kanyang mga labi, simbolo na siya'y na liligayahan, at ang pag huhurumentado ng kanyang puso.

Sumisimbolo na siya ay nag-mamahal.

Nagulat siya sa pagkalabog ng pinto sa kanyang kwarto. Agad siyang tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Bumungad sa kanya sila Mother Theresa at Mother Lourdes.

"Mother Theresa? Mother Lourdes? Ano pong nangyayari?" Natataranta niyang tanong sa dalawang madreng nasa kanyang harapan. Lumakad ang dalawang madre papunta sa kanyang harapan na may hawak-hawak na rosaryo't-bibliya sa kanilang mga kamay. Mahigpit ang kanilang hawak sa krus ng rosaryo tila'y doon sila kumukuha ng lakas na loob.

"Tama na.. Itigil mo na ang kahibangan na ito Seraphina Peri." Matigas na usal ni Mother Theresa at mas lalo itong napapahawak sa kanyang rosaryo.

Tumingin si Seraphina kay Mother Lourdes na tila'y naguguluhan sa mga nangyayari. "Mother Lourdes? Ano pong ibig sabihin doon ni Mother Theresa? Hindi ko po kayo maintindihan." Mahinahon niyang tanong. Pabalik-balik ang kanyang tingin sa dalawang madre.

Umiling si Mother Lourdes habang ito'y nakangisi. "Seraphina Peri." Bigkas niya sa pangalan ng dalaga. Bahagya siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Seraphina, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at nag lakad muli paikot sa dalaga. Nakatayo lamang doon si Seraphina tila hinihintay ang mga susunod na mangyayari o ang mga susunod na sasabihin sa kanya ni Mother Lourdes.

Huminto ito sa likod niya at bumulong sa kanyang tainga. "Mother Theresa? Mother Lourdes?" Pilit ginagaya ni Mother Lourdes ang kanyang tinig at bahagya itong tumawa.

"Ibang klase ka talaga Seraphina Peri.. Ibang klase ka." Naiiling nitong sambit habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Mother Theresa.

"Seraphina Peri.. Tapos na ang limang-daang taon na pag babantay namin sa iyo. Tapos na ang pag kukunwari namin at mas lalo na ikaw. Ilabas mo na ang tunay mong ugali Seraphina Peri.." Pang-hahamon ni Mother Theresa.

Sa isip-isip niya. 'Ito na ba ang panahon na pinakahihintay ko? Masyado naman yatang mabilis. Pero lubos akong natutuwa sa mga nangyayari.'

Mabilis siyang umiling, bakas sa kanyang mukha na siyang naguguluhan sa mga nangyayari. "Hindi ko po alam ang inyong sinasabi..." Malungkot niyang pag tanggi.

Sumiklab ang galit ni Mother Lourdes, hindi na siya nakapagpigil sa kanyang sarili bigla na lamang may lumitaw na bilog sa tuktok ng kanyang ulo at isang puting-puting pakpak na malaki sa kanyang likod. "Sinungaling! Tama na Seraphina Peri! Tama na ang iyong pagsisinungaling! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang aking asawa! Ikaw ang dahilan Seraphina Peri! Isa kang demonya!" Galit na galit si Mother Lourdes, napapakuyom na ito sa kanyang kamao, hindi na niya napigilan ang kanyang nararamdaman sa loob ng mahigit limang-daang taon ngayon na lamang niya inilabas ang kanyang sama ng loob at galit para kay Seraphina.

Halik Ni Hudas (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon