Kabanata 3

425 9 2
                                    

KABANATA 3

Lumipas ang mga ilang araw hindi na pumapasok pang muli si Hudas, ang mga gabing nag daan... Mga gabing naging bangungot para kay Seraphina. Hindi niya maintindihan ang kanyang bawat gabing panaginip ang mga iba't-ibang tao na naghihinagpis, kanya-kanyang sumbat at mga iyak ng bawat kababaihan, hindi niya mawari ang nais nilang iparating.. Ngunit sa kanyang bawat panaginip hindi roon nawawala si Hudas.

"Seraphina, tara na tayo ay mananalangin." Sabado ngayon ng hapon, sa tuwing alas-tres nakagawian na nila na mag dasal ng sabay-sabay, ngunit para bang biglang na galit ang kalooban ni Seraphina, hindi niya alam kung bakit.. Sa mga nakaraan na araw ay tanging gusto niya lamang ay ang mapag-isa.

"Dito na lang po ako." Aniya habang inaayos ang kanyang higaan.

Bahagyang nagtaka si Mother Lourdes sa inasal niya ngunit binaliwala na lamang niya ito. "Ganoon ba, sige bumaba ka na lang kung ikaw ay nagugutom." Huling tugon ni Mother Lourdes sa kanya at saka ito lumabas ng kanyang silid.

Huminga siya ng malalim at umupo sa kanyang kama. Bahagya siyang napatingin sa kanyang braso, hindi pa rin gumagaling ang kanyang pasa na dulot ng pagkakahawak ng mahigpit sa kanya ni Hudas.

Sa tuwing nakikita niya ang pasa sa kanyang braso bigla na lamang siya nakakaramdam ng galit sa kanyang puso. Sa ilang araw na pag liban ni Hudas sa kanilang klase hindi ito napapansin ng kanilang mga guro kung minsan itinanong niya sa kanyang kaibigan na si Celeste kung bakit hindi pumapasok si Hudas ngunit ang tanging naisagot na lamang ng kanyang kaibigan ay wala silang kaklaseng Hudas ang pangalan. Isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan, isang demonyo si Hudas marami siyang kakayahan na maaaring gawin sa mga tao.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang bigla siyang makaramdam ng init sa loob ng kanyang silid, agad siyang napatingin sa kanyang bintana ngunit ito'y nakabukas at tila'y nag sasayawan pa ang mga kurtina dahil sa hangin na pumapasok. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at nilapitan ang kanyang bintilador na malapit sa kanyang kinahihigaan, pinindot niya ang pinaka mataas na numero ng kanyang bintilador ngunit hindi pa rin nag babago ang mainit na temperatura na nararamdaman niya sa kanyang silid. Mabilis niyang pinunasan ang nag babadyang pawis na tutulo sa kanyang noo. Init na init ang kanyang pakiramdam na tila'y napapaso na ang kanyang balat.

"Seraphina Peri." Halos mapatalon siya sa kanyang kinatatayuan. Naramdaman niya ang mainit na hanging dumaplis sa kanyang tainga, narinig niyang muli ang mainit ngunit malamig na boses na ilang araw na niyang hindi naririnig.

Hindi siya makagalaw, nag-alab ang takot sa kanyang puso ngunit mas nangingibabaw ang pananabik na kanyang nararamdaman. "Hudas." Usal niya saka ito lumingon sa kanyang kaliwa.

Isang binatilyong naka pulang pang-itaas na tumeterno sa kanyang pulang buhok at naka itim itong pantalon na bumungad sa kanya. Nakangisi ito na nagiging dahilan kung bakit mas naging nakakatakot ang aura at ang dalawa nitong kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

Umiling si Seraphina at naglakad patungo sa kanyang kama. "Seraphina Peri." Tila'y naging isang maganda at maamong tinig ang pagbigkas ni Hudas na naging dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso ni Seraphina.

"Seraphina Peri, ilang araw na rin pala ako dumadalaw sa iyong panaginip. Isang karangalan iyon na ibinigay sa akin ng aking Ama na si Judas. Ngunit..." Huminto ito sa kanyang pagsasalita at sa isang iglap nasa harap na ito ni Seraphina, lumuhod ito sa harapan ng dalaga at idinampi nito ang kanyang mainit-init na palad sa kaliwang pisngi ni Seraphina.

Muli'y, naramdaman niya ang mainit-init na palad ni Hudas. "Ikinagagalak ko iyon dahil kahit sa panaginip. Nakakasama ko ang taong mahal ko." Mas lumawak ang ngisi ni Hudas.

Halik Ni Hudas (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon