Kabanata 9

266 5 0
                                    

Kabanata 9

"Ma." Lumapit ang binatang si Grover sa babaeng nag-wawalis sa kanilang bakod. May malusog itong pangangatawan, hanggang ilalim ng balikat ang kanyang buhok, hindi ito gaanong kaputian ang kulay ng kanyang balat at nasa edad itong trenta pataas.

Huminto ito sa kanyang pag-wawalis at hinarap ang binata. "Bakit anak?" Nakangiting tanong ng Ina ni Grover habang isinasantabi ang walis tingting na kanyang hawak.

"Diba po dapat nasa ospital ako?" Nag-aalangan niyang tanong, marahil bigla na lamang niya hindi maalala ang nangyari sa mga nakalipas na araw sa kanyang buhay.

Bigla na lamang nagtaka ang kanyang Ina. Idinampi nito ang kanyang palad sa noo at leeg ng kanyang anak. "Wala ka naman sakit. Pero okay ka lang ba anak?" Tanong ng kanyang Ina at bahagya itong natawa sa kanyang ginawa.

Napakamot naman sa batok ang binata. "Seryoso kasi Ma." Aniya.

Bahagyang humugot ng paghinga ang kanyang Ina. "Epekto ba iyan ng iniinom mong gamot?" Tanong nito.

Nag kibit-balikat na lamang si Grover sa kanyang Ina. "Kaninang umaga, sumakit na naman ang ulo mo. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? Ayaw mong mamalagi muna ng ilang araw sa ospital  dahil na tatakot ka. Pero kanina anak.." Huminto sa pagkukwento ang kanyang Ina, marahang pinunasan ni Grover ang mga tumutulong luha galing sa mga mata nito. Hindi 'man niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang Ina ngunit mas pinili na lamang niyang makinig sa mga sasabihin nito.

"Pero kanina anak.. Nagkaroon ng himala dahil wala na raw ang sakit mo sabi ng doktor.  Mamumuhay kang normal at hindi mo kami agad iiwan. Dahil iyon sa Kanya. Sabi mo kanina aalis lang kayo ng kapatid mo, hindi sana kita papayagan pero nag pumilit kayo, akala ko kung na paano ka na kasi nakita  kong umuwi na pala si Louisse, ngunit laking tuwa ko nang sabihin niyang kasama mo raw ang kasintahan mo." Patuloy na salaysay ng kanyang Ina habang ito'y nakangiti at halatang-halata sa kanyang mukha na ito'y masaya.

'Celeste...'

Biglang bumilis ang pag tibok ng kanyang puso. "A-akyat na po ako." Akmang tatalikod na siya ngunit bigla na lamang nito hinawakan ang kanyang kamay.

"Nasaan na siya anak?" Naguguluhang tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya sa kanyang Ina, hindi maitatanggi sa kanyang ngiti na siya ay malungkot habang bahagya siyang umiiling. "Wala na siya Ma.. Pero nasa puso ko lang siya." Huling salita na binanggit niya saka pumasok na ito ng tuluyan loob ng kanilang bahay. Naiwan naman na tulala at tila naguguluhan ang kanyang Ina, ipinagpatuloy na lamang nito ang na udlot niyang pag-wawalis.

Nang pumasok si Grover sa kanyang kwarto agad siyang nahiga sa kanyang kama habang nakatingala lamang sa kanyang puting kisame. Maya-maya pa'y dinukot niya sa kanyang bulsa ang na pulot niyang balahibo na pakpak sa plaza. Tinitigan na lamang niya iyon ng ilang minuto at hindi niya namamalayang napapangiti na siya sa kanyang sarili.

"Celeste.. Nakalimutan ko 'man ang ilang araw nating pag-sasama ngunit hinding-hindi kita nakalimutan.. Hinding-hindi kita kakalimutan.. Lagi ka lang nasa puso ko Celeste.. Ganoon kita kamahal." Bulaslas niya habang nakatingin lamang siya sa balahibo niyang hawak.

Sandali niya iyon hinalikan. "Mahal kita.. Mahal na mahal.. Mag-kikita tayong muli.."

***

"Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pag-ibig." Saad ni Theresa habang pinanonood nila ang ginagawa ni Grover sa isang malaking ulap.

Bahagyang lumapit sa kanya si Lourdes. "Kahit diktahan ng isip ang iyong puso.. Masusunod pa rin ang isinisigaw nito." Sambit niya habang nakangiting nakatingin din sa isang malaking ulap.

Halik Ni Hudas (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon