Kabanata 4

408 7 2
                                    

KABANATA 4

Kinagabihan, ang dalawang magkaibigan na sila Seraphina at Celeste ay nasa labas ng simbahan naka-upo sila sa isang maliit na upuan katabi ng tirikan ng mga kandila. Patingin-tingin si Seraphina sa kanyang paligid, tila'y may hinahagilap ang kanyang mga mata at ang kanyang kaibigan naman na si Celeste ay inaayos ang kanyang sampung sampaguita na nasa kanyang kaliwang kamay habang winiwisikan pa ito ng tubig upang hindi malanta.

"Seraphina, nakaka-inip naman ang tagal ng misa." Paghihimutok ng kanyang kaibigan habang nakabusangot pa ang mukha nito, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin nanatili pa rin siyang nakatingin sa kawalan na tila'y nag-iisip.

"Phina naman, pansinin mo ako." Pangungulit nito habang tinatapik pa ang kanyang balikat nang paulit-ulit.

Humugot siya ng malalim na paghinga saka ito dahan-dahang tumingin sa kanyang kaibigan. "Celes, naniniwala ka ba sa muling pagkabuhay?" Wala sa sarili niyang tanong. Napatitig siya sa mga mata ng kanyang kaibigan bakas dito ang pagkagulat ngunit nginitian na lamang siya nito.

Umiwas ng tingin si Celeste at inayos kuno ang kanyang mga sampaguita.

"Muling pagkabuhay? Siguro, oo, ewan.. Pero nasa sa iyo naman iyan Phina kung maniniwala ka, malay mo pag naniwala ka. Mas lalo mong maiintindihan ang lahat ng nangyayari."

Makahulugan nitong bigkas saka ito tumingin sa kanya, mag tatanong pang muli sana siya nang biglang nag labasan ang mga tao sa loob ng simbahan hudyat ito na tapos na ang misa.

"Phina roon muna ako kailangan ko ng mag tinda." Paalam nito sa kanya saka ito tumayo at nilapitan ang mga taong naglalabasan sa simbahan.

Naiwan siya na gulong-gulo ang kanyang isip, hindi niya mawari kung sino o kung ano ang dapat niyang paniwalaan, ngunit may puwang sa kanyang isip na kailangan na niyang imungkahi ang lahat.

Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad. Pilit niyang tinatanggal sa kanyang isipan ang mga nangyari sa mga nakaraang araw. Ang mga ingay ng sasakyan, mga tawanan ng bawat tao at mga iba't-ibang usapan ang kanyang naririnig sa kanyang paligid. Ilang segundo at minuto ang lumipas nang biglang tumahimik ang buong paligid, ang mga busina ng sasakyan, mga tawanan ng tao at iba't-ibang usapan ay na balutan ng nakakabinging katahimikan tanging kuliglig lamang ang kanyang naririnig. Naramdaman niyang muli ang isang pamilyar na kaba, dahan-dahan niyang tinanggal ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.

Inilibot niya agad ang kanyang tingin sa paligid... Tulad noon, hindi kumikilos ang mga tao, lahat ng bagay sa kanyang paligid ay huminto.

"Seraphina Peri." Isang mainit na hangin ang dumaplis sa kanyang tainga, isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig at isang tinig na nagiging dahilan kung bakit naghuhurumentado ang pag tibok ng kanyang puso.

"Hudas." Usal niya sa pangalan nito, palihim na napangiti si Hudas.

Kung dati'y takot ang namumutawi sa kanyang puso, isang takot na hindi niya malaman kung bakit... Ngunit sa mga sandaling oras na ito, isang pananabik at galak ang nangingibabaw sa kanyang damdamin.. Unti-unti siyang lumingon sa kanyang kanan, hindi niya inaasahan na halos magkadikit na ang kanilang mukha ni Hudas, muntik nang mag dampi ang kanilang mga labi, nararamdaman na niya ang mainit na paghinga nito, bahagyang napangisi si Hudas. Gustuhin 'man niyang mag iwas ng tingin ngunit tila'y may sariling pag-iisip ang buong sistema ng kanyang katawan, muli siyang napatitig sa mga mata nito, ang mga matang tila nag-aalab ng apoy.

"Kumusta ka na Seraphina Peri?" Nakangising tanong ni Hudas, biglang siyang nag iwas ng tingin dito.

Hindi niya pinansin ang itinanong sa kanya. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo?" Walang gana niyang tanong.

Halik Ni Hudas (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon