Tenth Encounter

11 1 3
                                    


Lhei's POV

Hinding hindi talaga mawawala ang araw na merong taong mawawala sa buhay nyo.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng yun.
At dun din nagsimula ang araw na iniwan nya kami.

"Lhei,tara na." Aya sakin ni Rina.

"Sige"

Pupunta kami ngayon sa Sementeryo para dalawin sya.
Simula kasi ng araw na yun ng mamatay sya, nagpakabusy na kami sa pag tatrabaho at kami na rin ang nagmamanage ng kanya kanyang company.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse papuntang sementeryo.
Hindi pa rin talaga kami makapaniwala na wala na siya.

Yung pinakamalakas samin.


Yung pinakamatapang na tao.



Yung kaya nyang isakripisyo yung buhay nya para samin.

Tuwing naaalala ko yung pangyayaring yun,naiiyak ako.

*Flashback*

*Booooogssh!*

*Blagggshh!*

Halos parang huminto mundo namin ng marinig ang malakas na pagsabog sa building na yun.

"YOUNESSSSS!!" Sigaw ko kahit hindi na nya ako naririnig.

Tatakbo na sana ako papunta sa building na punong puno na ng apoy ng may pumigil sa mga braso ko.

"Bitiwan mo ko!!! Si youness! Kailangan ko sya iligtas!" Pilit kong inaalis yung pagkakahawak nya sakin sa braso pero parang naubos na ata yung lakas ko.
Naiiyak na rin ako.

Hindi sya pedeng mawala sakin,samin.

Sya na ang tinuturing naming ate samin,tapos mawawala pa sya.

Nagpupumiglas pa rin ako pero ayaw nya talaga akong bitiwan kaya napaupo na lang ako at napahagulgol.

Hindi.Hindi sya pedeng mawala samin!

Naramdaman kong may yumakap sakin at bumulong to sakin.

"Everything's gonna be alright." Bulong nya sakin.

"A-Al.." Tawag ko sa kanya habang humikbi ako.

Nasa ganun lang kaming pwesto.
Hanggang sa mahismasmasan ako saka lang sya bumitaw sakin.

Humarap ako sa kanya at nagtama ang paningin naming dalawa.
Nilapat nya yung kamay nya sa mukha ko at gamit ang hinlalaki nyang daliri ay pinunasan nya yung natitirang luha sa mata ko.

"L-Lhei.." Narinig kong tawag sakin ni Rina

Napalingon kami sa kanya at nakita kong naluluha to.
Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na may mga dumating na pulis at bumbero dito.

Lumingon ulet ako kay rina at tinanong to.
"S-si youness?"

Bigla na lang napaiyak ng malakas si Rina pagkatanong ko sa kanya.
Nagkaroon ng takot at kaba sa puso ko.
Ayaw ko man isipin yun,pero hindi ko pa rin maiwasan.

"H-hindi totoo y-yung i-iniisip ko,diba?" Nauutal na tanong ko kay Rina.

Pero,naiyak ulet ako sa sinabi ni Rina.

Black Mask Princess (On-going/STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon