Sixth Encounter

31 3 0
                                    


Shareena's POV:

Lumipas ang ilang araw,Sabado ngayon kaya nandito kami sa ospital para bantayan si mama na hanggang ngayon ay comatose pa rin.

Tahimik lang akong nakaupo at nakaheadset pero walang tunog.

Si Lhei naglalaro sa cellphone nya.
Si Nina nagbabasa ng libro.
Si Rine nanunuod.

Maya maya may narinig kaming kumatok sa pinto.
Tumayo si Nina para buksan yung pinto at nakita namin nurse.

"Ichecheck ko lang po yung pasyente."

Tsk,Fake..

Tumango na lang si Nina at pinapasok ito.

Nakatingin lang ako sa kanya at binabantayan.

Kung ano ano tinitignan nya lang dun.
Napansin ko na luminga linga pa sya,akala nya siguro walang nakakapansin sa kanya.
Busy kasi masyado sila Lhei kaya hindi nila napapansin ito.

Nakita kong may kinuha syang injection sa bulsa nya,at mukhang itutusok na nya ito sa dextrose ni mama ay tumayo agad ako at mabilis na pinigilan yung kamay nya.

Binigyan ko sya ng malamig na tingin,mukhang hindi naman ito natatakot.

"Anong gagawin mo?"in a cold voice.

Ngumisi lang ito at mabilis na sinipa ako.
Pero nakailag din naman ako agad at pinilipit ko yung kamay nya na hawak ko at binalibag.

Napadaing naman ito.Nakita ko sila Lhei na nakatayo na.

"Anong nangyayari Youness?"tanong sakin ni Rine.
Hindi ko sinagot tanong ni Rine at nilapitan ko yung buwisit na  Fake na nurse na to at hinawakan kwelyo nito.

"Sino ka?At sino nag utos sayo?"
"Hindi ko sasabihin sayo,at dapat na kayong mamatay.Iisahin isahin na kayo."matigas na sabi nito.

Sa galit ko ay kinuha ko yung baril ko sa hita ko at tinutukan ito.

"Magsasalita ka o papuputukin ko sa ulo mo to?"madiing sabi ko.
"Wala akong pakielam,kahit patayin m--"hindi na natuloy sasabihin nya ng pinutok ko agad sa ulo nya.
May silencer naman ito kaya walang makakarinig.

"Ano bang nangyayari Youness?!!Sagutin mo tanong ko!"galit na sabi sakin ni Nina.
Tinignan ko sya ng malamig at natakot naman ito.

Wala akong panahon na magpaliwanag sa kanila.

Tinignan ko ulet yung lalaki at nilapitan ito.
May napansin ako sa leeg nya kaya tinignan ko to.

RDG

Sila nanaman?!!

Ano ba talagang kailangan nila sakin?!!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at nagsisigaw dun.

"Y-youness..tama na yan"

Bakit ba nila ginagawa to sakin?!!

Ang sakit sakit..

Naramdaman ko na may yumakap sakin.

"Youness,kung ayaw mo sabihin yung problema mo,ok lang samin.Basta laging mong tatandaan,nandito kaming mga kaibigan mo." Rinig kong sabi ni Lhei sakin.

Napaiyak naman ako at humarap sa kanya at niyakap ko sya.
Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Lhei.

Maya maya natapos na akong umiyak,binigyan ako ng tubig ni Rine at tumabi sakin.

"Kilala mo ba yung lalaking yun?"

Tinignan ko sya pati sina Lhei saka ako nagsalita.

"Member sya ng Red Dragon Gang ." nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.

Black Mask Princess (On-going/STILL EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon