Ch 12: How to use a gun?

26 3 2
                                    

Para po ito sa kaibigan ko na si @bheatot. Oh ito na Pov mo!

▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓

Ch 12: How to use a gun?

[Bhea's Pov]

Inaantok na ako. Kahit anong antok ko hindi ako makaka tulog sa kalagayan namin ngayon.

Madilim ang silid na kinalalagyan namin ngayon, ang tanging liwanag lamang na nakikita ko ay ang liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana sa taas ng isang pinto sa kabilang parte ng silid.

Mahigit isang oras na kami nag hihintay sa pag babalik ni Max kasama ng iba. Mahigit isang oras na din ako kinakabahan.

Tiningnan ko lahat ng tao dito sa loob ng kwartong ito. May pinipigilang matulog, may nakikipag usap, may nanghihina, may naka titig lang sa kawalan, ako—bininabantayan si Mijee. Hindi pa din kasi siya gaano maayos. Malaki kasi talaga ng sugat niya sa hita.

Hindi ko akalain na ganito ang kahahantungan ng lahat. Kung alam ko lang sana.

"Shhh." Napatingin kaming lahat sa nag salita. Si Kaye. "Naririnig niyo ba yun?" At tumingin siya sa isang direksyon.

Sinundan ko ang tingin niya at napadpad ang mga mata ko sa pinto. May kakaunting gamit pang nakalagay dito. Mga gamit na madaling tanggalin, pero magandang pang depensa.

Tumigil kaming lahat sa mga ginagawa namin. Kahit si Mijee na nakahiga lang kanina ay naka upo na ngayon. Tahimik. Isa sa mga napansin ko ngayong araw na ito ay simula ng mangyari ang lahat ng ito ay mas naging alerto ako.

May mga naririnig akong mahina ngunit matitining na sigaw. Mga bagay na nababasag. Kung hindi pa kami tatahimik hindi pa namin ito mapapansin.

Sumenyas naman si Dennis kay Aaron at Xian na mag ready na sa pinto.

Dahil sa lalaki silang tatlo, hindi maitatangging  malakas sila. Magandang pang depensa 'yon kung sakaling hindi maganda ang sasalubong saamin sa pinto.

"Wag niy---" Pinutol nila ang sasabihin ko ng sabay sabay silang nag. "Shhh." At sabay sabay silang bumalik sa kanilang mga ginagawa.

Pinapunta kami nila Kaye at Erika sa sulok at pinaupo niya kami.

'Habang wala ako kumuha na kayo ng possibleng sandata niyo.'

Yung sinabi ni Max! Dapat may sandata kami. Ayokong maging pabigat. Kailangan ko protektahan ang sarili ko, pati na din si Mijee dapat maprotektahan ko kahit papaano. Lumingon lingon ako para makakuha ng sandata.

"Sandata... Sandata... Sandata..." Paulit-ulit kong sabi. Nag hahanap ako ng posibleng sandata. Sa dami ng gamit dito siguro naman makakahanap ako.

"Psst!" Lumingon ako. Nakita ko si Nica at CJ. Tinatawag nila ako. "Bhea ano bang ginagawa mo? Pumunta kana dito!" Mahinang sigaw ni CJ habang hawak niya ang tarpaulin.

"Sandali lang." Sagot ko at nag hanap ulit ako ng sandata ko.

May nakita akong makinang na bagay. Isa lang ang ibig sabihin 'nun, kapag makinang, ibig sabihin sandata! Pwede ding kutsilyo!

"Aha!" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ko dahil din sa aking pagka bigla.

Ako ba yun? Hala napaka pabaya ko naman. Patay nanaman ako nito.

Unti-unti kong tiningnan sila Xian at ang iba pa. As expected,  naabutan ko silang lahat na masama ang tingin saakin. Iisa lang ang ibig sabihin ng mga tingin nila at mukhang pagagalitan pa ako.

When The Zombies AttackWhere stories live. Discover now