Chapter 22: Unforeseen Catastrophe

9 1 0
                                    

[Third Person's Pov]

Warning! Intruder Alert! I repeat! Intruder Alert! Code Red!

Napa ngisi nalamang ang isang binata ng marinig ang isang napaka lakas na pag a-announce ng isang babae sa loob ng buong pasilidad. Pinipilit niyang pag kasyahin ang sarili sa isang maliit na kwarto.

Napaka dilim at napaka dumi ng pasilyo na pinag tataguan ng binata pero hindi parin hadlang ito sakanya upang makapag pahinga siya kahit na panandalian lamang. Ang tanging ilaw niya lamang ay nag mumula sa maliit na espasyong siya din mismo ang gumawa. Sinubukan niyang umupo ng maayos ngunit naging dahilan lamang ito ng mas lalong pag durugo ng kanyang hiwa sa braso ng sumadsad ito sa pader.

Hirap man ay pinipilit niya paring wag umungol ng dahil sa sakit. Naka isip ng paraan ang binata para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Inilabas niya ang isang naka tuping litrato mula sa kanyang bulsa.

Medyo nahirapan pa ito dahil sa sikip ng pasilyong kanyang pinaroroonan. Bagama't isang litrato lamang iyon ay napaka halaga nito sakanya.

Natupi na ito sa gitna at medyo nalukot na ito at may bahid na ng dugo mula sa kanyang kamay pero hindi nito maitatago ang isang napaka gandang alala na nakapaloob sa liitrato.

Naka akbay ang isang dalaga na naka pulang jersey. May headband ito ulo habang naka ponytail ang buhok nito. May hawak siyang ice cream at ang kanyang inaakbayan ay isang binata. Kagaya ng dalaga ay naka jersey din ito at naka headband ngunit ang pinag kaiba nila ay ang malaking simangot sa kanyang mukha habang pilit na tinatanggal ang braso sakanyang balikat. Parehas silang marungis at tagaktak ang pawis, dinaig pa ang mga batang naglaro mahapon.

Biglang naluha ang binata dahil sa hindi ito makapaniwala sa kinahinatnan ng dalaga sa litrato. Matapos makita ang litrato ay parang napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Nang dahil sa litrato ay muling nag si balikan ang mga magaganda at panget na ala-ala.

"Malapit na ako. Kumapit ka lang muna please?"

Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata at nag simula na siyang mag isip ng isang plano. Naputol ang kanyang pag iisip ng makarinig siya ng mga yabag sa hindi kalayuan at tila ba papalapit ito sa pinaroroonan niya. Agad siyang sumilip sa maliliit na espasyo, ngunit hindi ito naging sapat para makita niya ang lahat.

When The Zombies AttackWhere stories live. Discover now