Chapter 21: Gehenna

17 2 0
                                    

Chapter 21: Gehenna

[Max's Pov]

Madilim.

'Bakit madilim?'

Tahimik.

'Bakit tahimik?'

Nasan ba ako? Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at puro puti lang ang nakikita ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang hihina ako. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko. Naka higa ako sa isang upuan na mahaba, yung tipong pang dentist na klase ng upuan. Tiningnan ko pa ang sarili ko at naka puting pajama at t-shirt ako.

'Bakit? Bakit ako nang hihina? Yung ulo ko. Bakit ang sakit?'

"Bakit ba kasi wala akong maalala?" Napa hilamos ako sa mukha ko at pumikit. Kailangan kong maalala, ano bang nangyari?

"Hindi ako hanapan ng malalanding tao."

"Guys! Buhay si Ms.Morales!"

"Hello? Mijee gusto ko sumilip ka sa labas tingnan mo kung gaano sila karami!"

"I'm not sure if I can make it till the end with you guys..... but I'll make sure that you will all be safe.... even if...... it costs my life."

"Sumunod ka saakin ituturo ko sa'yo yung mga magiging damit niyo."

"Kill, Survive, Repeat."

"Mahirap to para kay Danzell, sobrang close kaya sila ni Kaye."

"Salamat. Kung hindi dahil sayo baka hindi pa ako natauhan."

When The Zombies AttackWhere stories live. Discover now