In a relationship ang status niyo, pero nag fade na ang love mo sa kanya. Wala na yung pag mamahal na katulad ng dati.
Bakit hindi mo pa siya tapatin sa tunay mong nararamdaman?
Bakit pinapatagal mo pa?
Sa love, it's either masaktan ka o ikaw ang manakit, pareho lang ang outcome sa huli, may pusong masusugatan.
There are 10 major reasons kung bakit iniiwan tayo sa ere:
1. Hindi siya seryoso, at past time ka lang nya.
2. May nahanap siyang mas maganda/pogi kesa sayo. Sa panahong ngayon, mukha at pera ang basehan, kaya maraming pusong nawawasak.
3. Ginamit ka lang niya para makalimot sa past nya, uso yan ngayun.
4. Nalaman niya yung tunay mong pag katao, mahirap ka daw kasi. Kaya hindi niya tanggap, gusto niya mayaman.
5. Boring ka kasi kasama/weird ka. Nagde-date kayo pero nag sosolve ka pa rin ng mathematical equation.
6. Hindi ka naliligo, ang dugyot mo tingnan at ang baho pa ng hininga mo.
7. May nahanap na siyang mas better sayo kaya kinalimutan ka na nya.
8. Wala kang positive feedback kaya nawalan ng pag asang ituloy pa ang panliligaw.
9. Nakuha na nya yung gusto niya sayo. mostly lalaki ang gumagawa niyan, kayo na bahalang mag bigay ng halimbawa.
10. Nawala ang feelings dahil kay bes. Lintik na bes yan naunahan pa ka pa kawawa ka naman.
Kung nakakarelate ka, pasok ka sa usapang ito. Tandaan mo nilandi ka lang niya hindi ka niya minahal kaya wag kang mag inarte dyan. :)
Minsan hindi kasi Pag-Ibig ang nararamdaman kundi Lust lang.
Kung nahihirapan ka let go mo na, wag ka mag stick sa taong nag bibigay lang sayo ng sakit, pwedeng maging tanga pero wag gawing bisyo.
BINABASA MO ANG
TALES OF HUGOT
Teen FictionAng obrang ito ay ukol sa mga kakaibang kwento ng mga sawi sa pag ibig at mga advice na mapapakanibangan ng mga hugotero/hugotera. Para sa mga nagmahal ngunit nasaktan. Ginawa ko to para ipromote ang Science of hugot and why it exist in this world f...