Sa Liwanag ng Buwan
ni Dickey Solimen
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat
dahil ang alam ko'y tapos na tayo—
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa madla
na tayo'y nagpunla nang pag-ibig sa ilalim ng liwanag ng buwan
Habang hawak mo ang aking mga kamay,
kamay na hindi mabitawan—
Ngunit lumuwag ang iyong pagkapit at dahan-dahang dumulas na tila gusto mo nang tapusin ang lahat
Hindi ko alam kung paano ko matatanggap na hindi na tayo,
Isa-isang gumuguhit sa aking puso ang mga litrato't alaala nating niluma na ng panahon,
Alaala na sa bawat oras mong pagyakap,
At alaala na sa bawat minuto mong pagsambit na "mahal kita", sa akin
At ang bawat pagbulong mo'y lumalamig ang aking tainga
Kasabay ng paglamig nitong taong iniwan mo
Pinilit kong tumayo at magkubli sa maskara
Pinilit ko ring magtago sa salitang "Okay na ako,"
kahit na ang totoo'y hanggang sa ngayo'y Ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko
Napakaganda ng buwan, kasing ganda ng mga alaala nating dal'wa—
saba'y nating pinagmamasdan ang mga bituwin habang nakahiga sa damuhan't hawak ang mga kamay mo
Patuloy tayong inaaliw ng mga alitap-tap sa mumunti nilang liwanag,
Liwanag na siyang humahalina sa ating puso,
Nangako ka, nangako rin ako na magiging tapat tayo sa isa't-isa
at hindi tayo maghihiwalay hanggang sa mag bukang liwayway
Ngunit ang pag-iibigan nati'y kasing bilis lamang ng gabi dahil kinabukasa'y hindi ko na mahalikan ang iyong mga labi
Para bang rumupok ang kadena mo't bigla ka na lamang bumigaysa pagkakapit sa akin,
bigla ka na lang sumuko—
Dahil ba sa naging laro nating tagu-taguan?
at nu'ng mataya kita sa madilim na sulok ay iba na ang iyong kalaro
Tila ba gusto kong takpan na lamang ng panyo ang aking mga mataat ako'y iyong paikot-ikutin nang hindi ko makita ang ginagawa n'yo
Pinilit kong magbulagbulagan ngunit sa dilim ng paligid ay nagagawa ko pa rin kayong makita,
hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin ako't humahanap ng kasagutanbakit mo ba nagawa sa akin 'to? O kailan pa 'to?
Kasabay ng pagdilim ng paligid ko—
ayoko na, suko na ako, hindi ko na kayahindi ko na kayang pagmasdan pa ang mga bituin sa kalangitandahil ipinapaalala lang nito ang ating nakaraan
Napaka bilis mo ring makalimot
samantalang ako na stuck na sa traffickung saan patuloy pa rin akong nasasaktan—
at umaasa na muli tayong magkakabalikan,
Umaasa rin ako na muli tayong sasayawan ng mga alitap-tap,
na muli nating pagmamasdan ang mga bituin,
at muli tayong sisikatan ng liwanag ng buwan
pero sa ngayo'y kailangan na kitang pakawalan at kalimutan .
BINABASA MO ANG
TALES OF HUGOT
Novela JuvenilAng obrang ito ay ukol sa mga kakaibang kwento ng mga sawi sa pag ibig at mga advice na mapapakanibangan ng mga hugotero/hugotera. Para sa mga nagmahal ngunit nasaktan. Ginawa ko to para ipromote ang Science of hugot and why it exist in this world f...