Mga batas na dapat ipatupad:
· FREE WIFI
Lalabas ka pa ng bahay para lang maki-connect sa kapit bahay, tapos galit ka pa kapag mabagal internet, nakikigamit ka na nga lang demanding ka pa. Dapat itong isa-batas para naman hindi bumagal net namin sa bahay sa sobrang dami ng naka-connect. Nagiging Wifi ng bayan na yung connection namen ehh.
· ANTI-KALANDIAN
Lagyan ng angkop na kaparusahan ang siyang aminado sa salang kalandian. Aral muna, landi later. Okay?!
· ANTI-PAFALL
Ihulog sa bangin ang mga PAFALL na yan para maramdaman din nila kung paano mahulog at hindi na makapanakit ng mga inosenteng tao. Mas maraming nasasaktan, mas maraming libro ang naisusulat.
· ANTI-PABEBE
Yan yung mga makabagong jejemon. Kung mag salita "enebeyen kenekeleg eke" O diba? May sarili silang language. Ipatapon sa iwahig yang mga yan. Para hindi na makapanghawa.
· ANTI-BITTER
Sila yung mga sumisigaw ng "WALANG FOREVER!" nag taka ako kung ano problema nila sa forever, inaano ba sila ni forever. Yan yung mga taong mapapait ang sinapit sa kanilang nakaraan kaya ayun malaki ang galit kay forever. Dapat isabatas habang wala pang nagra-riot na ampalaya.
· ANTI-PLASTIC
Eto yung mga taong akala mo kung sinong mabait pag nakaharap ka, pero pag nakatalikod ka lintik ang mga komento ukol sayo. Ang masaklap pa, pupurihin ka pero pag wala ka na sandamakmak na lait ang abot mo. Dapat sa mga yan nilalagay sa grinding machine baka sakaling ma-recycle yung ugali nila.
· ANTI-PAASA
Bukod sa korapsyon sa ating bansa, ito rin ay dapat pag -tuunan ng pansin ng ating mga mambabatas dahil hindi nababawasan ang mga paasa, bagkus ay dumarami pa sila. Kawawa naman ang mga biktima nito kung ito ay laganap sa ating lipunan.
BINABASA MO ANG
TALES OF HUGOT
Teen FictionAng obrang ito ay ukol sa mga kakaibang kwento ng mga sawi sa pag ibig at mga advice na mapapakanibangan ng mga hugotero/hugotera. Para sa mga nagmahal ngunit nasaktan. Ginawa ko to para ipromote ang Science of hugot and why it exist in this world f...