Angelica Masquera, 21 female
(Registered Nurse)
Quezon City
(SPG sekswal at lenggwahe)
Its been 4 months nung mag break kami ng ex-boyfriend ko, 1 month lang nagtagal yung relationship namin. I am not totally moved on pero masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon with my good circle of friends. The reason why I can't moved on kasi binigay ko ang lahat sa kanya, mapasaya lang sya. In the first place, akala ko mag wowork yung relationship namin kasi nag s*x na kami. First time ko siya, that's why napakahirap niyang kalimutan. Sa 4 months na break namin hindi na talaga kami nag uusap. Off na ang communication namin. Nagulat ako na one day nag message siya sa akin , sabi niya gusto niya daw makipagkita sakin, ako naman tong si tanga "Sige" naman ako.
Kumain kami sa labas, kwentuhan, tawanan at nararamdaman ko na may feelings pa siya sakin. After nun dumirecho kami sa bahay nila para manood ng movie. Pag dating namin ng bahay nila hinalikan niya ako, at nag tuloy tuloy na. Ginusto ko yun kasi nga mahal ko pa siya. So in the next day akala ko umpisa na ng pagiging okay namin at babalikan niya na ako. I stalked his social media accounts, nagulat ako sa nakita ko kasi yung alternate name nya "Mae Conde" na-curious ako sa alternate name niya then nag search ako kung sino yun at tinanong ko na rin sa bestfriend niya. Matagal na nya palang ka M.U si girl, hindi manlang nya sinabi sakin. Sobrang nasaktan nanaman ako kasi s*x lang pala yung habol nya sakin kaya sya nakipagkita. Tang ina nya! Sobrang sama ng loob ko kasi akala ko umpisa na ng pagbabago, akala ko totoo na. H*yop, lust lang pala, kaya nakipagkita sakin. Pero kahit na ganun ginawa niya sakin bakit hindi ko magawang i-let go siya. Eto pa rin ako sobrang wasak na wasak sa mga ginawa niya sakin, laro lang para sa kanya ang lahat. Kung sinabi nya una palang na may ka M.U na pala siya, hindi na sana nangyari ang lahat nang ito at hindi ako umasa. Sobrang nasasaktan ako ngayon kesa nung una kasi ginamit niya lang ako, in short mas lumala pa ngayon, tapos iwan na sa ere. Pero kahit ganun ginawa niya sakin wala siyang narinig na kahit na ano. At kahit na kaninong doctor siya magpa-check up wala silang mareresetang gamot sa "MANLOLOKO". Wala na atang luha na tumutulo sa mga mata ko ubos at pagod na. Hindi ko matanggap kasi maling tao yung pinagkatiwalaan ko at minahal ko ng tunay at sobra...
Eto na ako ngayon totally moved on na, busy sa studies and graduating na ako. Kaya sa mga girls diyan wag kayong bumase sa panlabas na kaanyuan, bumase kayo sa panloob na kaanyuan which is attitude.
BINABASA MO ANG
TALES OF HUGOT
Teen FictionAng obrang ito ay ukol sa mga kakaibang kwento ng mga sawi sa pag ibig at mga advice na mapapakanibangan ng mga hugotero/hugotera. Para sa mga nagmahal ngunit nasaktan. Ginawa ko to para ipromote ang Science of hugot and why it exist in this world f...