Raymond Fuentes, 20 Male
(Student)
Pasig
Madalas na talaga akong nafi-friendzoned, pero ewan ko ba kung bakit napakamalas ko pagdating sa pag ibig na yan. Halos lahat na yata ng form of rejection naranasan ko na...
Napaka hopleess romatic kong tao. Pero sa pag kakataon na ito, lalakasan ko na ulit yung loob ko na umanin sa taong mahal ko para walang pagsisisi sa huli...
Si Ellaine, nagkakilala lang talaga kami sa isang social media site, nagmessage ako sa kanya at laking pasasalamat ko, hindi siya snob, madali lang siyang i-approach at madali kaming nagkapalagayan ng loob.
Lumipas ang maraming panahon naging mag best friend kami. Hanggang sa nagkikita na kami sa personal nang halos araw araw. Everytime na may problema ako, siya lang yung laging karamay ko at ganun din siya, andyan ako palagi para sa kanya. Siya yung food buddy at travel buddy ko. Minsan kahit wala na kaming mapag-usapan, okay lang basta magkausap kami. Lagi ko siyang sinasamahan sa mga lakad niya kasi hindi siya marunong mag commute. Tinatago ko lang yung nararamdaman ko para sa kanya kasi ayaw ko masira friendship namin. Pero this time, gusto kong maging matapang at ipagtapat sa kanya yung nararamdaman ko. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa babaeng mabait, matalino, masipag, at makaDiyos.
Pinag isipan ko tong gagawin ko kung aamin ba ako o magtatago na lang ako sa salitang kaibigan, at idadaan na lang lahat sa biro yung tunay kong nararamdaman...
Nang pinagtapat ko na sa kanya na "MAHAL" ko siya, then sabi niya "Ano ka ba bes! Matagal na kitang mahal" sabay tawa, "diba nga BFF tayo". Sabi ko sa kanya "Iba tong nararamdaman ko sayo Ellaine, hindi ako kunteto na Bes mo lang ako, gusto kita maging girlfriend".
Hindi siya naniniwala sakin, akala niya nag bibiro lang ako katulad ng nakasanayan niya.
Niligawan ko siya, nag baka sakali ako na mag work naman itong panliligaw ko. Tapos ayun, nararamdaman ko naman na na-aprreciate niya yung ginagawa ko para sa kanya, hindi naman kami nagkaka-ilangan kahit inamin ko na gusto ko siya.
Ganun parin naman kami, katulad ng dati na sobrang clingy niya sa akin, walang pinag bago.
Pero isang gabi nag message siya sa akin sabi niya "Mond, sorry kung napaka bad ko sayo minsan, sorry kung minsan andiyan lang ako pag may kailangan, sorry kung nasasaktan na kita, hindi ko matumbasan yung efforts na ginagawa mo para sakin :( Mond salamat sa lahat lahat. Thankful ako kasi meron akong Raymond na laging nakikinig sa mga drama ko at nag titiis sa mga kakulitan ko. Sinubukan ko naman, pero kaibigan lang talaga yung kaya kong i-offer, kasi mas komportable ako sa ganung status natin. Sorry kung nasaktan nanaman kita, sorry kung napakaTANGA ko na andiyan na yung taong mag mamahal sakin at tanggap yung mga imperfection ko binabalewala ko pa. gusto ko maging mag kaibigan parin tayo pag katapos neto, gusto ko back to normal tayo, walang mag babago at walang ilangan." Yan yung long message niya sakin na halos sumabog ako habang binabasa ko na tila nasa ibang dimension ako na sobrang tahimik at ako lang mag isa.
Sobrang nasaktan ako, nirerespeto ko yung desisyon niya kasi mahal ko siya, wala siyang narinig sakin pag katapos niyang sabihin sakin yung nararamdaman niya. Hindi na ako nagpakita, nag pakalayo layo ako. Hindi ko na siya tinitext or minemessage kasi yun yung paraan ko para makalimot at humilom yung sugat na dulot ng pagkabigo ko.
After 5 years, eto Engineer na ako sa isang firm sa Taguig. Nag kasalubong kami sa isang mall. Nang makita ko siya tumigil ang mundo ko, napalunok ako. Napakaganda niya parin talaga at napaka amo ng mukha, walang pinag bago. May bata siyang kasama at nilapitan niya ako, kinamusta niya ako at pinakilala niya sakin yung batang kasama niya, unang anak niya 2years old. Kasama nila yung husband niya, hinihintay lang nila. Inimbita pa niya ako sa kasal nila.
Pag uwi ko tumulo agad luha ko na parang batang inagawan ng kendi. Mahal ko parin pala talaga siya hanggang ngayon pero kailangan ko nang tanggapin yung katotohanan na ikakasal na siya sa iba at sa harap ko pa mismo...
Moved on na ako at thankful parin ako kay God kasi kung hindi dahil sa pag subok na nangyari sakin noon hindi ako ganito katatag ngayon. God has a purpose for everyone of us. Just pray, good things happen in God's perfect timing.
BINABASA MO ANG
TALES OF HUGOT
Teen FictionAng obrang ito ay ukol sa mga kakaibang kwento ng mga sawi sa pag ibig at mga advice na mapapakanibangan ng mga hugotero/hugotera. Para sa mga nagmahal ngunit nasaktan. Ginawa ko to para ipromote ang Science of hugot and why it exist in this world f...