Almost Happy Ending

111 4 0
                                    


Ryll Jasper Gonzales, 23 Male

(dancer)  

Caloocan City


Ayoko na sanang balikan ang masasakit na nag daan, yung mga araw na halos hindi ako makatulog sa kaiisip kung saan ba ako nagkulang at nagkamali. Tara, samahan niyo akong mag balik tanaw sa aking nakaraan...

Nag simula ang lahat sa kinahihiligan kong gawin, ang pag sasayaw. Magkaibang grupo kami at nagkakilala kami sa isang contest sa Bulacan kung saan pinakilala siya sa akin ng kagrupo ko na kaibigan niya. Nagka-ngitian kami at nakatitig ako sa kanya ng matagal. Shit! Ang ganda niya at simula nun, nag katext na kami at naging friend kami sa facebook "Getting to know each other stage" kumbaga.

Hindi ko na pahahabain. Umamin siya sa akin na gusto niya ako, syempre umamin din ako, sobrang saya ko nung mga araw na iyon. Niligawan ko sya, it takes time/effort para makumbinsi ko sya na maging girlfriend ko. Nag pray ako na "Lord sana siya na talaga. Kung hindi man... Pero sana siya na lang kasi Lord please". At ayun dininig ni God ang dalangin ko. Our first date happened in church, nag simaba kami kasi gusto ko maging center ng relationship namen si God para mag work at mapagtibay kaming dalawa sa hamon at pag subok na dumating. Super sweet nya, palagi kaming nag seselfie. Halos hindi ko na nga alam kung ano pa mga pwedeng pose ehh, mahilig kasi siyang mag selfie. Mcdo ang palagi naming tambayan, puro kami tawanan at kwentuhan na walang katapusan. Naalala ko ayaw pa niya akong sagutin kasi nga baka katulad lang daw ako ng ibang lalake. 5 months lang kaming nag tagal at  may isang break pa yun. After ng 2 months nag kita ulit kami sa isang contest, may iba na siya then ako kaka-break lang sa iba. Nung nag kita kami ulit nailang ako. Kasi sobra ko pa siyang mahal. Gusto ko siyang yakapin, halikan, at ipagmalaki sa lahat kaso hindi pala pwede, dahil may iba na siya. Pero nalaman ko sa kagrupo ko na parehas lang pala kami ng feelings nung mga araw na nagkita kaming muli..

After ng contest nakatanggap ako ng mensahe galling sa kanya na "Namimiss na kita ng sobra". Hanggang sa naging kami ulit, pinuntahan ko sIya sa Bulacan. Sinundo ko sya sa isang mall sa doon, then nag usap kami. Nag sorry siya sa lahat lahat ng mga nagawa niyang pagkakamali sa relationship namin. Humingi rin ako ng tawad sa kanya sa lahat ng mga pag kukulang ko. Nangako kami sa isa't-isa na simula ngayon magmamahalan pa kami ng sobra. Dumating sa point na parang mag asawa na kami, nag decide kami na gusto na naming magka-anak, kaso hindi lang kami nabiyayaan. Habang nag uusap kami, umiiyak siya at napaiyak din ako. Pinangako ko sakanya na hindi ko siya iiwan, hindi ko na siya bibitawan at yung pangakong sinabi ko sa kanya bago niya ako sagutin tutuparin ko.

 Pero kalaunan siya na yung bumitaw. Isang araw nalaman ko na lang sa bunso niyang kapatid na may bago na siya at halos hindi ako makahinga nang malaman ko yun. Sa sobrang desperado ko kahit pangalawa lang ako payag na ako, lumuhod ako sa kaniyang harapan, hinawakan ko ang mga kamay niya, pero siya na mismo ang bumitaw sa mga pangako namin sa isa't isa. Sobrang sakit at nag durugo ako dahil hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang aming mga pangako.

TALES OF HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon