CHAPTER ONE
I should have been . . .
Tamara
"You're too expensive, Architect Morris," my client complained after hearing my proposal.
"I'm an architect. Of course, I'm expensive, Mrs. Cruz," I said while giving her a sweet smile. "But I can recommend you someone who can fit your budget," dagdag ko pa at saka ako tumayo.
'Yong gusto niya kasing mangyari sa plan and design ng bahay niya, malaki talaga 'yong aabutin na gastusin. Hindi lang naman materyales at labor ang babayaran niya, syempre pati ako mismo na Architect niya. Ako naman na mag-aasikaso ng lahat, nag-offer and nag-suggest na nga rin ako ng alternative materials na puwedeng gamitin sa bahay niya para mag-fit sa budget niya. Nag-offer na rin ako ng ibang paraan at idea para ma-achieve namin 'yong gusto niyang maging bahay, pero ayaw niya talagang pakinggan ang mga sinasabi ko.
Kung ayaw niya ay wala naman akong magagawa. Isa pa, ang pangit ng tono ng pakikipag-usap niya sa 'kin. Kanina pa niya ako tinataasan ng boses at lahat ng offer at suggestion ko, panay ang tanggi niya. Gusto niya 'yong bagay na hindi niya naman kaya. Architect ako, hindi magician. Kaya kong gawan ng paraan 'yong gusto niyang maging bahay para mag-fit sa budget niya, pero kung sarado ang isip niya at ayaw niya akong pakinggan, hindi ko naman kakayanin gawan ng paraan ang gusto niyang mangyari. Kaya mabuti na lang na ako na mismo ang tumanggi.
Puwede rin naman siyang kumuha ng draftsman para kahit papaano ay makatipid siya ng konti. May difference din kasi talaga sa average cost per project ang architect at draftsman. Mahusay din naman ang draftsman, halos kapareho din namin ng profession, may mga pagkakaiba man, pareho namang mahusay sa field na 'yan. Pero ayaw niya rin naman tanggapin ang alok ko. Balak ko pa naman sanang ipakilala sa kanya 'yong kaibigan kong draftsman.
Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyang umalis ng opisina niya.
Malalaman mo talaga kung sino 'yong tunay na mayaman saka 'yong nagpapanggap lang. When hiring an architect, of course it would cost you a lot. Pero makatarungan ang presyo na binibigay namin. We studied architecture for so many years and it wasn't for free. Sobrang magastos ang kursong iyon. Materials pa lang para sa bawat plate at scale model na pinapagawa sa 'min, sobrang gastos na lalo na kung hindi ka resourceful.
While I was driving on my way back to the company, nakatanggap ako ng tawag. I answered it immediately at halos manlambot ako pagkatapos kong sagutin iyon.
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko.
"N-No, baby, no. No. This can't be happening," umiiyak na sabi ko.
I drove as fast as I could, makarating lang agad sa ospital.
Kusa akong napaupo sa sahig nang makita ko ang anak ko na nasa emergency room at nag-aagaw buhay. There's blood all over his body.
"Please, baby, hang in there. Y-You'll be fine," umiiyak na sabi ko.
I felt Zild's hands wrap around mine, saka niya ako inalalayang tumayo. "He'll be fine, Tam. He's a strong kid. You know that," pagpapakalma niya sa akin habang nakakulong ako sa bisig niya.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak sa dibdib niya. Thankful ako dahil nandito si Zild para sa akin. He never left my side.
Maya-maya lang ay dumating na si Ressler. Hinihingal pa siya at gulo-gulo ang kuwelyo. Halatang nagmadali siyang pumunta dito. He didn't even bother to look at me. Diretso siyang nakatitig kay Ram na pilit isinasalba ng mga doctor.
Galit siyang tumingin sa akin. "If something happens to my son, I will never forgive you," he said. I could feel the anger in his eyes. I stayed silent. I couldn't even say a word dahil alam kong ako ang sisisihin niya. Pero tama siya. This is all my fault.
I should've been a great mom and a good wife, pero hindi ko ginawa.
BINABASA MO ANG
Smile For Me, Ressler
Romance|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. Disclaimer: This story is in Taglish Status: Completed ***Now available at National Book Store, Expr...