05

70.7K 1.4K 56
                                    


CHAPTER FIVE

You're crazy.


I feel dizzy again.

I usually experience dizziness due to low blood pressure. 'Di ko rin talaga alam kung bakit low blood ako. Sa tingin ko, dahil siguro lagi akong puyat at madalas walang tulog buong college life ko. Madalas din akong stressed gawa ng academics.

"You're pale," biglang sabi ni Kuya habang umiinom ako ng tubig.

Shaking his head, he went upstairs to get the sphygmomanometer. It's a device to measure my blood pressure.

Maya-maya lang ay bumaba na ulit siya saka ako marahang hinigit paupo sa sofa.

Letting out a small sigh, he monitored my blood pleasure. "Low blood ka na naman, Tam."

I just shrugged. I'm used to it.

"What have you been eating these past few weeks? You're not getting enough vitamin B12 and folic acid that's why your blood pressure has been getting low. You're not taking care of yourself. Remember when you're in Medtech? During your class hours, you used to faint. Do you want that to happen again?"

Natahimik ako bigla. Ugh. Nakakalimutan ko kasi lagi dahil palagi akong nagmamadali at may ginagawa. Kaya madalas, nawawala sa isip kong sundin ang mga bilin ni Kuya at kung ano-ano na lang ang kinakain ko.

Kanina pa nakalatag sa mesa namin dito sa sala lahat ng materials ko kasi gagawa ako ng plate. My God. I should be in my room right now dahil nandoon ang drafting table ko but look at me, I'm currently sitting on the floor while waiting for someone.

"Bakit wala pa rin sila?" inip na tanong ko kay Kuya. Oh by the way, he's Kylo Ezekiel R. Sanchez, my older brother. He's now on his second year at med school. Kaklase niya si Ressler noong elementary pa lang sila at magkakabarkada na talaga sila noon pa man.

"Sila? O si Ressler?" His brow raised. I glared at him and heard him chuckle. What the hell?

I was about to argue with him pero agad kong narinig ang mga dumating na sasakyan sa labas.

I am really excited to see him kahit kakakita ko lang sa kanya kanina.

Sa taranta ko ay inumpisahan ko tuloy gawin bigla ang plate ko sa HOA. May napili na akong guide para ma-drawing ko ng maayos ang Persepolis. Skills na lang talaga ang kulang sa akin. Ugh.

Narinig ko na ang mga tawanan nila habang naglalakad papasok dito sa bahay. Narinig ko naman si Kuya na mahinang tumatawa sa tabi ko kaya inis kong sinipa ng mahina ang paa niya. Napakalakas talaga mang-asar nito kahit kailan.

Palihim akong tumingin sa mga kaibigan ni Kuya na kakapasok lang at napangiti ako nang makita ko si Ressler na may dalang Jean-Pierre Moueix at inabot 'yon kay Kuya. Wow, he even brought French red wine? Does that mean they'll have a drink? Of course. Stupid you, Tam. Eh may pasok pa bukas ah. Saka Monday pa lang ngayon, ah?

"Hi, Tam!" bati sa akin ni Miguel.

I gave him a sweet smile. "Gumaguwapo ka lalo ah?"

Agad siyang natawa sa sinabi ko. "Two months lang tayong hindi nagkita. 'Wag mo akong bolahin. May kailangan ka na naman siguro sa 'kin?" umiiling-iling na sabi niya kaya nagtawanan sila. Pati si Franco ay gumuwapo rin lalo. Ganoon ba talaga kapag nagtatrabaho na? Lalong gumaguwapo? Bakit naman 'yong iba no'ng nagtrabaho na, mga mukha nang haggard at ayaw mabuhay.

Bakit ba kasi ang guwapo ng mga kaibigan ng Kuya ko? Well, aaminin ko pinakaguwapo sa kanila ang Kuya ko pati si Ressler.

"Kailan uwi nila Tita?" tanong ni Ressler kay Kuya.

"December pa siguro 'yon," sagot naman ni Kuya. Nasa Australia kasi ang parents namin and twice a year lang sila umuuwi dito sa Pilipinas, tuwing Christmas lang and summer. Usually one to two weeks lang sila nagtatagal dito kapag umuuwi sila.

Inaya na sila ni Kuya sa dining area para kumain. My brother is a good cook, by the way. Ayaw niyang mag-hire ng mga kasambahay dahil gusto niya siya ang gagawa ng lahat. Gano'n siya kasipag.

While I'm busy doing my plate, busy rin silang magkuwentuhan doon sa dining area. Napapangiti na lang ako tuwing maririnig ko ang tawa ni Ressler. Pati tawa, ang guwapo.

"Tam, akyat ka muna sa kuwarto mo, doon ka na gumawa ng plate. Lilipat kami dito sa sala eh, 'di ka rin makakagawa ng maayos diyan," sabi sa 'kin ni Kuya. Hindi ako umimik at niligpit ko na lang ang gamit ko saka sumilay ulit kay Ressler bago ako tuluyang umakyat ng kuwarto.

Lumipas ang dalawang oras, nag-unat ako ng katawan dahil nangangalay na ang likod ko. Dalawang oras na akong gumagawa ng plate pero hindi pa nangangalahati ang gawa ko. Tsk. Gano'n ako kabagal gumawa.

Bababa sana ako para magtimpla ng kape pero napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko at natanaw ko si Ressler sa labas. Nakaupo lang siya doon sa garden namin habang umiinom ng wine.

Nagmadali akong lumabas ng kuwarto at pasimpleng bumaba ng hagdan. Hindi ako puwedeng makita ni Kuya dahil panigurado pababalikin niya ako sa kuwarto ko dahil mga lasing na ang kasama niya. Teka, nalasing talaga sila sa wine?

Buti na lang nakatalikod si Kuya sa dadaanan ko kaya hindi na ako nahirapang lumabas ng bahay.

Napatingin sa 'kin si Ressler at kumunot na naman ang noo niya. Tss. Lagi na lang kumukunot ang noo niya tuwing makikita niya ako.

"Why are you here?"

"Kasi bahay namin 'to?" pilosopo kong sagot kaya napailing na lang siya.

"Lasing na ata sila doon sa loob. Bakit ka nandito sa labas?"

"Bumili pa kanina ng tatlong case ng alak si Miguel kaya nalasing sila. Hindi ako puwedeng uminom masyado, maaga pa pasok ko bukas. And Franco was smoking inside kaya lumabas muna ako," sagot niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Bakit ba ang attractive niya masyado?

Nakakatuwa pa kasi sobrang responsible niya and wala talaga siyang bisyo. Umiinom siya pero he's a responsible one. Hindi ko pa siya nakikitang malasing kahit kailan.

"Go back to your room, Ms. Sanchez. Do your plate," may awtoridad na sabi niya. Napairap tuloy ako.

Hanggang dito ba naman, estudyante pa rin turing niya sa 'kin?

"Can you stop calling me Ms. Sanchez? You used to call me Tam," I complained.

"You're my student now. Of course there will be some changes on how I address you."

For the hundredth time, I rolled my eyes. "Call me Ms. Sanchez again and I'll kiss you."

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko.

"You're crazy." Bakas sa tono ng boses niya ang konting pagkairita sa akin kaya tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita.

Pagkabalik niya sa loob ay inis kong sinampal ang sarili ko.

My God! Why the hell did I say that? Nakakahiya!

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon