45

54.3K 1K 152
                                    


CHAPTER FORTY-FIVE

I just might. But I won't.

Tamara

Pagmulat ko ng mga mata ko, napangiti ako nang makita ko si Ram.

"How did you—"

"Connections," putol sa 'kin ni Ressler. Ang alam ko kasi ay bawal bumisita ang mga bata dito.

"Thank you," I mouthed.

Tumabi lang sa 'kin si Ram at tahimik na nakipagkwentuhan sa 'kin about sa nangyayari sa school niya. Ang cute niya kahit medyo bulol pa siya sa ibang words.

I glanced at Ressler. I was stunned when I caught him already staring at me.

"Wala kang pasok?" Ilang araw na kasi siyang nandito sa ospital, inaalagaan ako.

"I resigned. Para full time husband muna 'ko," he chuckled.

I suddenly felt happy after hearing those words. It really means a lot to me.

"If you're thinking about finance, don't worry. Okay naman bank account ko, sobra-sobra pa 'yong laman. And next week, start na rin naman ako agad as freelancer, para may mga project pa rin na papasok. Ang difference lang, hawak ko na ngayon ang oras ko," he said, flashing me a smile.

"Come here," mahina kong sabi. Mas lalo siyang napangiti at saka siya lumapit sa 'kin. Umupo siya sa kabilang side ko at hinalikan ang noo ko.

"'Di mo pa rin sinasabi kung kamusta 'yong usap niyo ni Jezra," he complained. Natawa ako ng mahina.

"Don't worry. I like her," sincere kong sabi at saka ko ipinahinga ang ulo ko sa balikat niya habang hawak ko si Ram sa kabilang side ko na busy na maglaro sa phone ni Ressler.

"You do?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes. She's a lot like me, tama si Diego. To be honest, nakikita ko kay Jezra 'yong sarili ko no'ng college pa ako," nakangiting pagkukwento ko.

I'm happy that Ressler met a friend like Jezra. She's really a nice person. Honestly, I regret hating her.

Natigilan ako nang makita ko sila Marcus, Brooklyn, Miguel, Franco at si . . . Kuya Kylo, kasama ang parents ko pati ang parents ni Ressler.

Hindi pa man ako nakakapagsalita dahil sa gulat, tumakbo agad si Brooklyn papalapit sa 'kin kaya umalis si Ressler sa tabi ko saka ako dinamba ng yakap ni Brook.

"Akala mo hindi ka namin mabubuking? Hello? Walang sikreto ang hindi nabubunyag," iritang sabi niya.

Hindi ko magawang tumawa. Ang tanging nasa isip ko lang: paano nila nalaman?

"Nalaman lang namin kay Ressler," sabi naman ni Marcus.

Napunta kay Kuya ko ang paningin ko. Hindi siya umiimik at tahimik lang siyang nakatingin sa 'kin.

They're lying.

I know it wasn't Ressler.

Hindi sasabihin sa kanila ni Ressler ang bagay na 'yon lalo na't nangako siya sa 'kin.

But that's not important anymore.

"I'm sorry," my voice cracked. I hugged her back; my tears were rolling down my cheek nonstop.

"I'm sorry for not telling you, I'm sor—"

"Sshh. Naiintindihan namin. You don't have to say sorry, Tam. You did what you think was right," pigil sa 'kin ni Brook habang marahan na hinahagod ang likod ko.

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon