CHAPTER FORTY-EIGHT
She'll meet someone new . . .
Ressler
14 years ago . . .
Paulit-ulit akong napamura sa isip ko dahil natapunan ng tubig 'yong plate ko. Bakit ngayon pa? I need to finish this early dahil may dinner kami mamaya kasama ang family nila Kylo.
Clenching my jaw, I glanced at the wall clock.
F*ck. 6pm na.
"Malapit na raw sila Papa. Magbihis na kayo," paalala sa 'min ni Kylo.
"Teka, kasama si Tam 'no?" excited na sabi ni Miguel habang naglilinis ng mga kalat dito sa dorm namin.
My brow raised the moment I heard Miguel. Is he interested in Tam? I always hear him ask Kylo about her.
Kylo nodded, shifting his eyes on me. "Are you coming with us, Ress?"
Kahit nakasalalay dito sa plate na 'to 'yong kinabukasan ko, inis kong niligpit ang mga gamit ko sa drafting table saka ako tumayo. "Yeah, I'm coming."
"Seryoso ka? 'Di ka pa nga tapos sa plate mo! Are you willing to fail your major subject?" Franco teased, but I just glared at him.
Like really? Coming from him, huh?
Second year college pa lang kami pero lagi na kaming busy. Kanya-kanyang aral kami everytime na uuwi kami dito sa dorm. Magkakaiba kami ng program na kinuha pero same university lang rin naman kami dito sa De Grande kaya okay lang.
Dadalaw kasi ngayon dito sa De Grande 'yong family ni Kylo dahil nandito sa Pilipinas ngayon 'yong parents nila. Next academic year, hihiwalay na rin naman ng dorm si Kylo dahil si Tam na ang makakasama niya sa apartment. First year college na kasi si Tam next academic year and kailangan talaga magkasama silang magkapatid sa apartment.
Pagkadating namin sa Gino's Restaurant, nakita na namin sila Tita na nakaupo doon sa mesa. Hindi pa man kami nakakalapit do'n sa mesa, agad na tumayo si Tam at kumaway sa 'kin.
Here we go again.
"Ressler! Lalo kang gumuguwapo!" sigaw niya kaya lahat sila ay napahalakhak.
"Wala ka bang guwapong kaklase? Bakit ba ako lagi nakikita mo?" inis kong sabi kaya napasimangot siya bigla.
"Madami akong kaklaseng guwapo 'no. Pero ano'ng magagawa ko kung ikaw future boyfriend ko? Bakit pa ko mag-aaksaya ng oras tumingin sa iba, 'di ba?" nakangiti niyang sabi kaya napataas ang kilay ko.
"Says who?" tinatamad kong sabi saka ako humalik kila Tito at Tita.
"Sige lang, play hard to get, Ressler! Mahuhulog ka rin naman sa 'kin. Sure ako do'n."
Napailing na lang ako dahil sa kakulitan niya. She's too loud whenever I see her. Lagi niyang bukambibig kung gaano siya kapatay na patay sa 'kin.
Umupo na ako sa tabi ni Franco at nagsimulang makipagkwentuhan kila Tita habang kumakain. Masaya 'yong usap no'ng una, pero nag-iba 'yong timpla no'ng si Tam na 'yong kinausap nila Tita.
"Have you decided on what program you will take in college?"
She stopped eating for a while and cleared her throat. "Kung architecture na lang rin kunin ko? Para kasama ko si Ressler? I mean, 'di na ko mahihirapan masyado kasi puwede niya akong tulungan anytime? Tutal ahead naman siya sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Smile For Me, Ressler
Romance|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. Disclaimer: This story is in Taglish Status: Completed ***Now available at National Book Store, Expr...