CHAPTER FORTY-SEVEN
Regrets
Kusang pumipikit ang mga mata ko pero pinigilan ko talaga ang antok ko. Paulit-ulit kong kinurot ang pisngi ko para makapag-focus ako sa plate ko.
Grabe! Wala pa ako sa kalahati sa plate ko sa History, alas dos na ng madaling araw.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Ressler kahit alam kong tulog na siya ng ganitong oras.
Pagkatapos ng ilang ring, finally he answered the call!
"Hey, babe . . ." Bakas sa boses niya na nagising lang siya sa tawag ko. Halatang inaantok pa siya.
"Puwede pabili coffee crumble? Solo pack? Please?" pangungulit ko sa kanya. Rinig ko ang biglaan niyang pagbangon sa kama dahil sa bigat ng katawan niya.
"'Di ka pa rin tapos sa plate mo?" tanong niya sa 'kin.
Napasimangot ako. "Hindi pa. Tapos wala pa ko nagagawa para do'n sa plumbing kasi 'di ko naman gets 'yong diniscuss ni Sir sa 'min. Babe! Send help!"
Mahina siyang natawa. "Alright. Bilhin ko lang coffee crumble mo tapos punta na ko d'yan. 'Yon lang ba ipapabili mo?"
Napangiti ako ng malapad. "Yes, 'yon lang. Sorry ha? Alam ko pagod ka sa trabaho. Pero pagbigyan mo na ko. Ngayon lang naman kita ginising ng ganitong oras."
"You're going to pay me with a kiss, babe. Mahal ang oras ko," he demanded kaya napahalakhak ako.
"I love you! Ingat!" I said before ending the call.
Tiningnan ko kung online pa si Marcus dahil may itatanong sana ako pero mukhang mahimbing na ang tulog niya dahil active two hours ago siya sa Messenger. Iyan, tulog pa more. Pagkagising niya bukas galit na galit na naman siya sa mundo dahil nakatulog siya. Tch.
Maya-maya lang ay dumating na si Ressler at agad niya akong niyakap pagkapasok niya pa lang sa sala.
Nakapangtulog pa ang suot niya pero ang guwapo niya pa rin talaga.
"Explain ko sa 'yo 'yong sa plumbing. Tapos 'pag naiintindihan mo na, kahit ako na lang tumapos sa plumbing para bawas na sa gagawin mo. Unhealthy na 'yang ginagawa mo, eh. 'Di naman kami ganyan dati. Napuyat lang kami nung 4th year at 5th year na kami," umiiling na sabi niya habang pinapanood niya akong kumain ng ice cream.
"Oo na. Ikaw na magaling sa time management," nakasimangot na sabi ko kaya natawa siya.
Binilisan ko na ang pagkain ng ice cream ko at saka niya na ako tinuruan sa mga dapat ko pang gawin.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang gumagawa. Pagkagising ko kasi, nakaayos na lahat ng gamit ko tapos malinis na 'yong table ko.
Napangiti ako nang makita ko si Ressler na nakahiga sa sahig habang mahimbing na natutulog.
Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa pisngi saka ako pumwesto sa sahig para humiga rin at yakapin siya.
Bigla siyang nagising at yumakap rin sa 'kin.
"Thank you, Ressler," sincere kong sabi.
Kahit pagod siya, lagi niya pa rin akong tinutulungan kapag nahihirapan ako. Kahit nga minsan ay ayaw ko siyang abalahin, siya na 'yong nag-iinsist kasi baka 'di daw kayanin ng katawan ko.
"I love you," pabulong niyang sabi saka niya hinalikan ang buhok ko.
* * *
Pagkamulat ng mga mata ko ay agad na bumungad sa 'kin sila Zild at Jezra.
Iginala ko sa buong kwarto ang mata ko at napagtanto kong nandito ako sa bahay namin.
Nang maalala ko ang nangyari ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang pilit akong bumabangon sa higaan ko pero agad akong niyakap ni Jezra. "He's fine, Tam. Ressler's fine now. Pero hindi pa siya nagigising. Two days na."
Agad na sumikip ang dibdib ko nang marinig ko 'yon.
Two days na pala ang nakalilipas simula no'ng araw na 'yon.
Pinaliwanag sa 'kin nila Jezra ang nangyari. Nagkaproblema raw kasi sa structural kaya naging gano'n. They didn't specify the problem dahil inaalala nila ang kalagayan ko. But they assured me that they're working on it right now. The one who's at fault behind this will have to face the consequences.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Paano nangyari 'yon? Hindi ba sila naging mahigpit sa mga materyales? Hindi ba nabantayan mabuti on site 'yong construction? How would clients trust us with their lives if a simple project like this wasn't able to be executed well? How would people react to this?
I couldn't even get mad dahil proyekto rin iyon ni Ressler.
Ang gusto ko lang mangyari ay maging okay na ang lahat, lalo na si Ressler.
Napuruhan daw sa ulo si Ressler kaya inoperahan daw agad siya pagkadala sa kanya sa ospital. Success naman daw ang operation pero 'yon nga lang, hindi pa raw masabi ng doctor kung kailan magigising si Ressler.
Kinabukasan, sinamahan ako ni Zild sa ospital para dalawin si Ressler.
Hindi ko mapigilang umiyak habang nakikita ko siyang nakahiga lang sa kama at walang malay.
Pilit akong pinapakalma ni Zild dahil inaalala niya ang sakit ko pero sa ganitong sitwasyon ay wala akong pakialam sa sarili ko.
Ang tanging gusto ko lang ay magising na ang lalaking mahal ko.
Lumipas ang dalawang linggo, wala pa ring nagbabago. Hindi pa rin nagigising si Ressler.
Nilapag ko ang bulaklak sa tabi ng kama niya saka ko hinawakan ang kamay niya at nilagay ito sa pisngi ko.
"Ang dami kong pinagsisisihan, Ressler," basag boses na sabi ko.
"Sana sinabi ko sa 'yo ng maaga ang tungkol sa sakit ko. Sana hinayaan kitang samahan ako. Sana hindi kita tinulak palayo. Para sana hindi nasayang 'yung dalawang taon na magkasama sana tayo," sambit ko saka ko hinalikan ang kamay niya.
"Gising ka na, babe. Please? Hayaan mong bumawi ako sa lahat ng oras na nasayang ko," pakiusap ko sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"I was too busy hiding everything from you. Masyado kong pinaikot ang mundo ko sa sakit ko. Ni hindi ko man lang naisip na kahit anong oras ay pwede ka ring mawala sa 'kin. Hindi ko naisip na tao ka lang rin tulad ko."
Naramdaman kong nasusuka ako kaya agad akong pumunta ng CR. Sa totoo lang ay hindi na ako nakakalakad ng maayos. Mabagal na ang paggalaw ko at talagang nanghihina na ang buong katawan ko, pero kinakaya ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na malakas pa rin ako.
Kailangan kong magpakatatag para sa kay Ressler.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti na lang ako ng mapait dahil sa itsura ko.
Sobrang putla ko at puro pasa ang buong katawan ko, kahit ang mukha ko mismo. Wala na rin akong buhok at ang lalim na rin ng eyebags ko kahit natutulog naman ako sa tamang oras. Puro dugo rin ang lumalabas sa bibig ko gawa ng gilagid ko.
Napapikit na lang ako at inis na tinabig lahat ng gamit na makita ko.
Bakit kailangang ganito ang mangyari sa 'kin?
Bakit kailangan pati si Ressler?
Bakit . . . ang damot sa 'kin ng mundo?
____
Tiana: The end is near! :( Let me know your thoughts in comment section! :)
BINABASA MO ANG
Smile For Me, Ressler
Romance|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. Disclaimer: This story is in Taglish Status: Completed ***Now available at National Book Store, Expr...