Chapter 4

82 3 6
                                    

"We meet again"

Pinaikot ni Johana ang mga mata pagkakita sa lalaking lumapit sa kanya.

"And I wish we didn't" mataray na sambit niya.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ni TOP sa kanya.

"Wow! Lakas ng hangin ah. Bakit naman kita susundan?"

Nagkibit balikat si TOP.

"I dunno. Maybe because you still have a thing for me?"

"Wow ulit! Hindi na hangin ito. Bagyo na. Ewan ko sayo. Stop ruining my day" naiinis na sabi ni Johana at tinangkang talikuran na si TOP subalit maagap siyang napigilan nito.

"Wait. I'm sorry okay. I'm just kidding"

"Wala akong panahong makipagbiruan sayo TOP. Unang una, hindi ko alam kung bakit nandito ka. Pangalawa, wala na akong gusto sayo. Matagal na. Matagal na matagal na." Pagdidiin niya pa.

"Alam ko. Ang bilis mo naman kasing sumuko. You didn't even give me a chance"

"Mag-uungkatan ba tayo ng nakaraan TOP? Can't we be just civil to each other? Besides, hindi ba at sinabi ko na sana ay huwag na tayong magkita pa ulit? So, stop showing your face to me. Nakakairita ka na"

"Sorry"

Halata namang nasaktan si TOP sa mga nasabi niya subalit wala siyang panahong bawiin ang mga ito. Patas lang sila. Nasaktan man niya ito ngayon, nasaktan din naman siya nito noon.

"Nandito ka lang pala TOP. Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin hindi ka pupunta" isang babae ang lumapit sa kanila. Pamilyar kay Johana ang babaeng ito. Sa pagkakatanda niya ay kaibigan ito ng ate niya.

"Kararating ko lang din Gwen. Kasama mo si Axel?" nakangiting sabi ni TOP dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Oo. Nandun at kausap ni Hara. Bakit nandito ka eh nasa loob ang party?" Nagtatakang tanong nito at napatingin sa kanya. "Asus! Kaya naman pala eh. Nambababae ka pala eh. Nakamove on ka na agad kay Hara?" Pang-aasar pa nito.

"Ano ka ba. Mamaya may makarinig sayo diyan. Engagement party pa naman nila Hara at DJ ito" saway ni TOP.

Hindi naman makapaniwala si Johana sa nalaman. Narinig niya kasi na inaasar si TOP ng kaibigan ng Ate Hara niya.

Imagine, may gusto pala si TOP sa ate niya?!

Hindi man niya gustong pakinggan ang sinasabi nito ay hindi naman niya magawang umalis sa kinatatayuan.

"Sus! Mabuti naman at sumuko ka na sa pag-aasam na mapupunta sayo ni Hara dahil sobrang mahal nun si DJ kaya maghanap ka na lang ng ibang babaeng para sayo. Gaya niya" sabay tingin sa kanya.

"Sorry but I'm not interested." Hindi mapigilang sagot niya dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya.

"May attitude. Infairness, tinatanggihan ka niya Panda." Natatawang sabi pa ni Gwen. "I like you already Girl. What's your name?" Tanong nito sa kanya.

"Matagal na tayong magkakilala Ate Gwen"

Natatandaan na niya kung sino ito. Ito ang pinakamaingay na kaibigan ng ate niya na madalas tumambay sa bahay nila.

"Ate Gwen?" Sabay pang sabi nila TOP at Gwen.

"Inaate mo ako eh mukhang magkasing edad lang tayo. Teka, kilala mo ako?" Nagtatakang tanong pa nito.

"Oo naman. Madalas ka sa bahay namin noon. Lagi kayong magkasama ni Ate. Kasama niyo pa yung isa niyong kaibigan. Maica yata ang pangalan nun."

"Teka lang ah. OMG! Johana ikaw na ba iyan?"

Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon