Chapter 5

82 3 2
                                    

-Hi. Got your number from Demi. Can you be my textmate?


Iyon ang nakalagay sa text message ng unknown number na natanggap niya.


Mukhang seryoso nga si Demi sa pagbibigay ng number niya dito.


-Are you mad? Demi said that she already told you that she gave your digits to me.


Muling text nito.


Pinag-isipan niya kung magrereply ba siya dito. Sabagay ay mukhang kilala naman ito ng kaibigan niya. Besides, as per her friends, gwapo naman daw ito at type niya.


Nagtipa siya ng irereply dito.


*What is your name?


-Tom


*Just Tom?


-Yeah. Just call me Tom


*Then I'm Jerry


-You're name is Johana right? Demi already told me your name


"Oo nga naman. Masakal nga si Demi kapag nagkita ulit kami" sabi niya sa sarili.


Hindi akalain ni Johana na mag-eenjoy siyang katextmate si Tom. Masaya kasi itong katext. Kung ano ano na nga ang napag-usapan nila. Kung hindi pa nga na lowbat ang cellphone niya ay hindi pa sila matitigil sa pagtetext.


Masasabi niyang ngayon lang niya nagawang magtyaga sa pagtetext. Siya kasi ang tipo ng tao na hindi mahilig magtext. Ultimo mga kaibigan nga niya ay hindi niya masyadong tinetext. Tinatamad siya.


Ganun lang kasimple. Kaya nga ang cellphone niya ay umaabot ng dalawang araw sa kanya na hindi niya nalolowbat.


But with this Tom ay ngayon lang siya nagtyagang magtext to the point na nalowbat pa siya!


***


-Rise and shine Johana! Goodmorning!


Paggising pa lang niya ay iyon na ang unang bumungad sa kanya kaya naman maganda ang araw niya ngayon.


Almost a week na din silang magkatextmate ni Tom. Halos araw araw ay nagtetext ito sa kanya. Mula umaga pagkagising niya hanggang bago matulog ay magkatext sila. Para tuloy nakasanayan na niya na laging may matanggap na text message mula dito. Parang hindi kumpleto ang araw niya kapag walang message si Tom sa kanya.


-Sometimes, two people have to fall apart. For them to realize how much they need to fall back together.


Napangiti si Johana sa nabasang text message mula kay Tom.


Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon