Chapter 1

136 5 7
                                    

Mainit ang ulo ni Johana nang araw na iyon. She just saw her boyfriend entering the hotel with a girl. Ayaw man sana niyang mag-isip ng masama ay may nagtutulak sa kanya na pag-isipan ito ng hindi maganda. Matagal na kasi siyang may hinala na nagtataksil sa kanya ang kasintahan but she did not want to believe it. Maybe because ayaw niyang aminin na nagkamali siya ng pinili. But to satisfy her curiousity ay sinundan niya ang nobyo. Hindi siya pumasok sa trabaho para lang patunayan na mali ang hinala niya. Kitang kita niya nang may katagpuin itong babae sa isang restaurant until they ended up at the hotel. Mukha namang disente ang hotel na pinuntahan ng mga ito. Iniisip niya na baka kliyente lamang ito ng boyfriend niya na nagtatrabaho bilang Sales Manager. Normal na sa trabaho nito ang may katagpuing kliyente subalit sadyang hindi mapanatag ang loob niya.


"Kasalanan ito ni Razel" sabi sa sarili ni Johana habang hindi alam kung susundan niya pa ba sa loob ng hotel ang nobyo.


Naikwento niya kasi sa kaibigan ang tungkol sa hinala niya at ito pa mismo ang nagsabi sa kanya na sundan at alamin kung may babae nga ba ang nobyo.


"Kapag may gut feeling ka na nagloloko ang boyfriend mo, 99% sure na iyo." Sabi pa nito.


"Paano naman yung 1%?" Tanong niya. Still wanting to hold to that 1% possibility.


"Kaya nga aalamin mo. Para malaman natin kung mali ba ang hinala mo o tama"


Napabuntong hininga si Johana bago kuhanin ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng passenger seat niya.


She tried dialing her boyfriend's number. She wanted to give her boyfriend the benefit of the doubt. She wanted that 1% to increase.


Habang naghihintay na sagutin nito ang tawag sa kabilang linya ay pakiramdam ni Johana na naninikip ang dibdib niya. Matagal bago sinagot ng nobyo niya ang tawag.


"Hello" anang boses sa kabilang linya.


"Love! Where are you?" Pilit na pinasigla ni Johana ang tinig. Ayaw niyang makahalata ang nobyo.


"I'm here at the office. May meeting ako." Sagot nito sa kabilang linya. "Why?"


Pakiramdam ni Johana ay may kutsilyong tumusok sa puso niya.


"Ganun ba? Sige. Just want to know where you are." Mapaklang sagot niya.


Obviously, her boyfriend is lying. Paano ito mapupunta sa office nito sa Makati kung nasa isang hotel sa Quezon City ito?!


"Got to go Johana. May meeting will starts in five minutes" paalam nito sa kanya.


"Okay. Bye. I love you" paalam niya only to be followed by a dial tone.


Hindi man lang ito nagresponse sa "I love you" niya. Paano nga ba ito mag-a-I-love-you-too sa kanya kung may kasama itong iba.

Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon