Chapter 3

85 3 8
                                    

"Which do you think is better? Black or Red?" Tanong ni Johana sa kaibigang si Razel.

She is looking for a dress na isusuot sa engagement party ng kapatid niya. Unfortunately, hindi pa rin siya makapagdecide just like hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na ang ate niya.

Ni minsan ay wala siyang nabalitaang nagkaroon ito ng boyfriend. Kunsabagay, matagal na rin naman mula nang huli niya itong makita. Mula nang magpunta sa ibang bansa ang mga magulang nila kasama ang kuya nila at naiwan silang dalawa sa Pilipinas ay bihira na lamang silang magkita. Mas gusto rin naman kasi ng ate niya ang mapag-isa at mas gusto niyang maging independent kaya mas pinili niya ang bumukod at magsarili.

Subalit ngayon ngang ikakasal na ito ay kailangan niyang magpakita dahil darating din ang mga magulang nila.

"Bagay sayo ang red kasi maputi ka, pero mas sexy ka dito sa black" sagot ni Razel.

"Black na lang. Masyadong takaw pansin ang red. Baka matalbugan ko pa ang bride to be" kuntentong sabi niya.

"Infairness ah, sinong mag-aakalang ikakasal na ang ate mong saksakan ng suplada" tila hindi rin makapaniwala si Razel sa balitang natanggap nila.

"Sinabi mo pa. Even me myself was surprise to hear the news. Ni dulo nga ng daliri ng fiancee nun hindi ko pa nakikita. Pero base sa picture na sinend sakin ni Ate sa e-mail, gwapo ang fiancee niya."

"E-mail talaga?"

"Oo. Walang social media account ang kapatid ko. May pagkasalahi yata yun ng kopong kopong. Minsan nga iniisip ko kung kapatid ko ba talaga iyon."

"Well, sabagay, tignan mo nga naman ang pag-ibig, you never know kung kailan ka tatamaan."

"Lakas makapagreklamo eh may boyfriend ka naman. Ako itong single sa atin" natatawang sabi niya.

Isang buwan na halos ang nakalipas mula nang magbreak sila ni Nico at mula nang makita niya din si TOP.

"Are you sure na okay ka na?" Nag-aalalang tanong ni Razel sa kanya.

"Ano ka ba naman. Sino ba ako? Ako si Johana Gomez. Kayang kaya iyan!" Pagmamalaki niya.

"Well, I know naman na kaya mo iyan. Ikaw pa! Kaya lang, alam ko naman na seryoso ka na kay Nico. Akala talaga nga din ng barkada siya na ang The One mo."

"Seems like he's not" pagbabalewala niya. "And I'm fine with it. Huwag ipilit ang hindi pwede"

"Kunsabagay"

"Siyangapala Zel, nagkita pala kami ni TOP"

"TOP?"

"Si TOP"

"TOP as in ex mo na TOP? TOP as in yung gwapong kaibigan ni Chad? TOP as in yung lalaking una mong iniyakan? TOP as in-----"

"Oo. Siya nga" pinutol na niya ang ano pa mang sasabihin nito.

"Really? Oh anyare?" Interesadong sabi tanong nito "Buhay pa pala iyon noh?"

"Oo nga eh. Nagulat nga ako. Unexpected 'teh! Infairness, ang gwapo niya pa rin!"

"Single pa ba?"

"Ewan ko. Hindi ko na naitanong. Hindi naman ako interesado" kunwa'y kibit balikat na sabi niya.

Hinampas naman siya ni Razel sa balikat.

"Asus! Talande ka! Hindi daw interesado! Umamin ka! Kinikilig ka noh?" Pang-aasar ni Razel kay Johana

"Baliw lang 'teh? Baka nakakalimutan mo ang atraso sakin ng bwisit na lalaking iyon. Sana nga hindi ko na siya makita pa ulit. Kumukulo lang ang dugo ko"

Nang-aasar ang tingin na ibinigay ni Razel sa kanya.

"Ay! May hindi makamove on dito? Aba 'teh! Tagal na nun ah! College pa tayo! Kung hindi dahil sa heartbreak mo kay TOP, hindi mo lulunurin ang sarili mo sa pag-aaral. Kung hindi dahil sa kanya hindi ka magiging Cumlaude"

"Matalino at masipag ako kaya ako naging Cumlaude at walang kinalaman si TOP dun. Huwag ka nga diyan"

"Sabi mo eh."

"Kaibigan ba kita?"

"Ichecheck muna kita sa list of friends ko"

"Ewan ko sayo!"

***

"Congratulations" nakangiting bati niya sa kapatid matapos humalik sa pisngi nito.

"You came" tila hindi ito makapaniwala na nakatayo siya ngayon sa harapan nito.

"Of course! Hinding hindi ko palalampasin ang engagement party mo. Who would have thought na mauunahan mo pa akong ikasal samantalang ako itong hindi nawawalan ng boyfriend"

"Mas matanda naman ako sayo kaya dapat lang na mas mauna akong ikasal sayo" nakangiting sabi nito at niyakap siya. "I miss you sis. I really do"

Ginantihan naman niya ang yakap ng kapatid. "I miss you too ate."

True to her words ay talaga namang namiss niya ito. They may not grow close to each other dahil sadyang magkaiba ang personality nilang dalawa but still magkapatid pa din sila.

"You are so pretty" puri niya dito.

Simple lang ang suot ng kapatid niya na mint green dress na hapit sa katawan at simple lang din ang pagkakamakeup dito subalit lutang pa din ang kagandahan nito.

"Mas maganda ka pa din sakin"

Yung black dress na napili nila ni Razel ang suot niya na tinernuhan niya ng 4" high heels kaya mas lalo siyang tumangkad.

"Given na iyon ate"

Sabay pa silang nagtawanang dalawa.

"Anyways, bago pa tayo magbolahan dito, where is your husband to be? I want to meet the guy who captures my sister's elusive heart."

Luminga linga ito sa paligid para hanapin marahil kung nasaan ang fiancee nito.

"Nandito lang iyon kanina eh. Baka may nakitang kakilala"

"He should not leave you alone"

"Hayaan mo na. Ikaw? Wala ka bang kasamang date?" Pang-iintriga nito sa kanya.

"Wala eh. Kakabreak lang namin ng ex ko"

"Sorry to hear that" alanganing sabi ng kapatid niya.

"Oh! No worries. Sanay na ako" balewalang sabi niya.

Isang gwapo at matangkad na lalaki ang lumapit sa kanila ng ate niya sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan nila.

"You're here. Babe, I want you to meet my not so little sister Johana, sis, meet Dylan Jake Zalderiaga, my fiancee" pakilala sa kanila ng ate niya.

"DJ na lang. Finally we meet" nakangiting sabi ng nobyo ng kapatid niya at nakipagkamay sa kanya.

"Nice to meet you and welcome to the weird family of ours" nakangiting sabi niya din.

Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan at pagmamahal sa isa't isa kaya naman masaya na din siya para sa kapatid niya. The cold hearted, introvert and weird Harabella Gomez was gone. Isang babaeng masaya, kuntento at inlove na ang nakikita niya dito.

Nang hindi nakatingin ang ate niya ay pasimple niyang binulungan ang fiancee nito.

"Thank you for loving my sister"

Ngiti naman ang iginanti nito sa kanya. She knows that her sister is in good hands.

Nang may mga dumating na bisita ay nagpaalam siya sandali sa mga ito upang hanapin ang magulang niya.

Saglit lang din sila nagkausap ng mga magulang niya dahil may mga nakita itong kakilala kaya naman iniwan na din siya ng mga ito.

She decided to breath some air outside. Feeling niya kasi ay nasusuffocate siya. Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong klase ng party.

"We meet again"

Pakiramdam ni Johana ay gusto na namang kumulo ng dugo niya pagkakita sa taong nakatayo ngayon sa harapan niya.

***

Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon