Chapter 2

105 7 1
                                    

"Okay ka lang ba talaga Johana? Nasaan ka ba? Pumunta ka dito sa resto ngayon" sabi ni Razel sa kabilang linya.

Tinawagan niya ito upang ipaalam ang nangyari sa ginawa niyang pagkompronta kay Nico.

"I'm fine Razel. Okay lang ako. I did a great job. Kung nakita mo lang ang mukha ni Nico at nung babae. Para silang binabad sa sukang paombong" pagmamalaki niya.

"Are you sure?"

"Yeah! Razel naman. Ako pa ba? Sige na. Next time na lang ako dadaan diyan sa resto mo. May pupuntahan lang ako"

"Saan ka naman pupunta?"

"Diyan lang sa tabi tabi. Sige na. Bye na" paalam niya at pinatay na ang tawag. In-off na din niya ang cellphone para hindi siya makontak ng kahit sino.

Sinabi niya sa sarili niyang hindi siya iiyak para sa isang lalaki but still, she can feel the pain. Marunong pa din naman siyang masaktan.

She decided to have some fresh air to calm herself and to think straight.

Nico is her boyfriend for three years.

No rephrase that.

Was her boyfriend for three years. Ito ang pinakamatagal na nakarelasyon niya at masasabi niya na ito ang pinakaseryoso niyang karelasyon.

Normal na sa kanya ang magpapalit palit ng nobyo na tila nagpapalit lang ng damit. Masasabi niyang hindi niya 100% na kasalanan kung bakit ganun ang sitwasyon niya.

Karamihan kasi sa mga nagiging boyfriend niya ay gusto siyang maikama. Kapag ganoon na ang sitwasyon ay nakikipaghiwalay na siya agad sa mga ito.

She knows na modern century na ngayon at hindi ka na ipapako sa krus kapag naenggage ka sa pre-marital sex subalit ni minsan ay hindi niya pa nasusubukan na makipag-sex sa mga naging boyfriend niya.

She may be a flirt and play girl but she is still a virgin. Sadyang sanay lang siyang sumakay sa mga green jokes kaya naman walang mag-aakala na virgin pa siya.

Si Nico lamang ang naging boyfriend niya na hindi siya pinipilit na makipagsex. Iyon pala ay kaya hindi siya pinipilit nito ay dahil may ibang nakapagbibigay dito ng pangangailangang pisikal nito.

"I think I need a drink" sabi niya sa sarili as she drive to the nearest bar that she saw.

***

Medyo madaming tao sa bar na napuntahan niya. Okay lang sa kanya iyon. Ang mahalaga ay makainom siya ngayong gabi.

"Waiter, alak nga. Yung nakakalasing ah! Yung matapang. Yung kaya akong ipaglaban!" Sabi niya nang makalapit sa harap ng bar counter.

Marahil ay nagulat ang lalaking nakaupo sa harap ng bar counter sa pagsulpot niya dahil napatingin ito sa kanya.

"What?!" Singhal niya rito. Wala siyang panahong magpacute dito ngayong mainit ang ulo niya.

"Nothing" kibit balikat na sabi nito at iniwas na ang paningin sa kanya. Mabuti naman.

"Your drink Ma'am" sabi ng bartender at inilapag sa harapan niya ang isang baso ng alak.

"Matapang ba ito?" Muling tanong niya. Gusto niyang uminom para mawala ang pait na nararamdaman niya.

"Hard po iyan Ma'am. Best seller namin"

Hindi na siya sumagot sa bartender at inisang lagok niya ang baso ng alak.

"Yuck! Ang pait naman nito. Kasing pait ng love life ko." Hindi mapigilang sabi niya bago umorder ng isa pa ulit na alak.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit umiinom ng alak ang mga taong brokenhearted o may problema. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito ang nagiging karamay ng mga sawi. Marahil ay dahil pansamantala nitong inaalis ang pait na nararamdaman ng tao.

Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon