Chapter 6

86 3 5
                                    

"Katangahan ang tawag diyan" asar na sabi sa kanya ni Razel.

Pinuntahan niya ito sa restaurant na pag-aari nito upang humingi ng sorry dahil basta na lang niya itong iniwan noong isang gabi dahil sa naging eksena ni Nico.

"Katangahan agad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang?"

"Ikaw nag-iisip? Kung nag-iisip ka hindi ka makikipagbalikan sa Nico na iyon" asar na sabi pa nito.

Hindi pa naman siya tuluyang nakikipagbalikan kay Nico. Pero ayon sa dating nobyo ay gagawin nito ang lahat upang bumalik siya sa piling nito.

"Wala naman talaga akong balak na kausapin nun si Nico. Ang kaso nakita ko si TOP. Naalala ko yung ginawa niya sakin. Then naisip ko what if binigyan ko si TOP ng second chance noon. Ayokong maulit ang naramdaman kong regret kay TOP ngayon kay Nico." Sagot niya at inisang lagok ang inilapag na alak ng waiter sa mesa niya.

"TOP and Nico are different. Gusto ko lang ipaalala sayo Johana na niloko ka na ni Nico. Nahuli mo siyang may kasamang babae sa hotel 'diba?" Paalala pa ni Razel sa kanya.

"Nahuli ko din na may kasamang babae si TOP sa classroom. Sa classroom 'teh! Sa classroom! May kahalikan siyang babae! Kaya anong pagkakaiba nila? Isn't he worse than Nico pa nga?" Muling paalala din niya sa kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Razel. Kapag ganito na ang takbo ng isipan ni Johana ay wala na itong ibang pinakikinggan kundi ang sarili nito.

"Bahala ka. Basta huwag mong sabihin na hindi kita sinabihan"

***

Pagdating niya sa bahay ay pabagsak siyang nahiga sa sofa. Pinag-isipan niya kung tama nga ba na bigyan niya pa ng second chance si Nico.

Bigla niyang naalala si Tom. Matagal na niya itong hindi nakakatext. Gusto niya sanang iopen ang problema niya dito at humingi ng advice. Hindi kilala ni Tom sina Nico at TOP kaya alam niyang makakapagbigay ito sa kanya ng matinong advise hindi katulad ni Razel na bias.

Para namang nabasa ni Tom ang iniisip niya dahil bigla siyang nakatanggap ng text message mula dito.

*Uy! Kumusta ka na? Tagal mong hindi nagparamdam ah.

-I'm fine. Just a little busy. What about you?

*Fine din naman. Although medyo naguguluhan ang isip.

-Why?

*Just want to ask ur opinion. What if your ex wants to get you back in her life and she's sorry for everything she've done. Will you still accept her in ur life?

Matagal bago sumagot si Tom. Marahil ay pinag-iisipan nito ang isasagot sa kanya. Muli siyang nagtipa ng text message.

*Hey! Still there?

-SLR! My friend is here. About your question, if I still love my ex I'm willing to take her back. But if not, maybe no.

*Do you believe in second chances?

-I do. Sometimes, people give second chances bcoz not everyone is ready for the first time.

*I guess ur ryt.

-So will you accept your ex?

*Ha? Who told you it's about me?

-Just a guess. Am I wrong?

*I dunno. Still can't make up my mind. But thanks for the advice. I really apprec8 it.

-No problem. I'm just here whenever you need someone to talk to.

Matapos ang pakikipagtext kay Tom ay gumaan ang loob ni Johana. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kalooban na dinadala niya.

Maybe Tom is right. Baka dapat nga niyang bigyan ng second chance si Nico. Besides, tila tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita silang muli si Mall na iyon.

"Then what about TOP? Are you not willing to give him a second chance?"

As usual ay nakialam na naman ang kontrabidang bahagi ng isip niya.

"TOP is out of the question. Hindi naman siya nakikipagbalikan sa akin kaya there is no need for me to give him a second chance."

"But what if he ask for a second chance?"

Hindi siya agad nakasagot sa kontrabidang bahagi ng utak niya.

What if nga kaya, kaya sila nagtagpong muli ni TOP ay para magkaroon ng second chance? Imagine sa tagal na panahon na hindi niya ito nakita ay muli itong papasok sa buhay niya? Besides kaya lang din naman niya naisip na bigyan ng second chance si Nico ay dahil naalala niya ang nangyari sa kanila ni TOP noon?

What if nga kaya si TOP ang dapat niyang bigyan ng second chance at hindi si Nico?

What if nga kaya?

"Shut up mind!" Naiinis na sabi niya sa sarili at tinampal pa ang noo niya.

Mukhang mababaliw pa siya sa kakaeksena ng kontrabidang bahagi ng utak niya!

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daydreamers Series : A Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon