Ikaw, ang Pangako, at ang tatlong Styro.

165 0 0
                                    

Naiwan akong mag isa sa canteen (yeah Loner) as usual… pag walang magawa humanap nang kasamang gagawa este gagawain.  Ano nga ba ang paborito kong gawin (kunwari hindi mo alam) Yeah, sulat… SULAT.

Sa ayaw at sa gusto mo… makikinig ka sa dilemma ko. So sabi ko nga susulat na lang ako well, kahit na dala ko yung diary ko ngayon… na feel ko na nang sobra ang pagsulat sa styro (Halata naman). Hindi sa… kasi… ayy ewan! So magsusulat na ba ako? Pwede? Haha as if naman makikinig ako kapag pinigil mo ko eh ako nga yung sumusulat. Itigil na natin itong kalokohan na to (Sige wag mo na basahin to. Itigil na daw eh, HINDI ako magdadamdam SWEAR!) Alam nyo na ang pangalan ko ay Andrei Jomar Lanuza Santilan. Hanep eh noh? At alam nyo rin na matagal kong pinangarap mahalin si Isabel Jaiy Enrile Torres. Ngayon, masaya na sana! As in HEAVEN but biglaan kong nalaman na itong best friend ko si Christina Libby Samonte Alvarez eh may gusto pala sa akin (Hindi ko alam kung bakit gusto kong magbuo ng pangalan namin ngayon… Malay mo eto na pala ang huling sulat ko sa Styro.) So... Sisimulan ko na? Tingin ko nga kukulangin sa styro itong isusulat ko eh PERO tatlo naman ang styro na dala ko eh. Kasya na siguro ito.

Babala: Advisable na magtake down notes habang sinasalaysay ko sa styrong ito ang bawat saloobin ko dahil HISTORY ito.

October 23

Dear Styro,

                Sabi nila, past is past at learn to move on. Well agree naman ako pero hindi malilinawan ang mga bumabasa nitong styro kung hindi nila malalaman kung paano at bakit ko nakilala sina Isabel, Libby, Blaze, Alex, Cathy at Norman (Mga Myembro ng Tear Here).Lahat sila talented except sa akin. Si Isabel sya yung magaling na manunulat, si Libby expert sa science at gymnastics magaling din sa sales, Si Blaze magaling na base player, Si Alex naman ultra drummer kaya na inlove itong si Cathy na song verb (sumasayaw kasi habang kumakanta kaya na over sa action word) este song bird ng dabarkads. Tapos itong si Norman naman eh synthesizer. Masasabi ko talaga na complete set na ang barkada ko with matching accessories. May song writer, singer, drummer, base player, synthesizer, may producer din (Si Libby yun! Swear!). Kumpleto na sa rekados… kaya nga hindi ko ma understand kung bakit kasama ako sa Tear Here eh. Anyway lahat kami nagkakilala noong elementary (Except kay Cathy at Isabel na nakilala namin nitong last year lang).

                Ang pinaka una kong nakilala eh si Libby. Loner ako nun sa playground noong makita nya ako. Bata pa lang kami makikita mo ang buhok nya na sobrang kulot (Isang malaking rason kaya tawag ko sa kanya eh Medusa). So, anyways… ganito ang nangyari, mag isa ako sa playground nakaupo sa swing nang bigla akong tinulak ng isang batang babae. Noong una hindi ko napapansin (Hindi nya kasi ako maitulak ng maayos dahil sobrang taba ko nung bata) pero biglang lumakas ang tulak at napatumba nya ako! (Oo! Sobrang lakas ni Libby!) Tinitigan ko siya.

                “Bakit mag isa ka lang?” Ang cute ng boses nya nung bata pa kami. (Mas cute pa sa boses ng chipmunks)

                “… Wapakels!” Bitter ako. IKAW ba naman MAHULOG sa swing.

                “Ah kaya pala! Paano kang hahanap ng kaibigan nyan kung sobrang SUNGIT mo? Hmmm…. From NOW on I DECLARE… (Ginaya nya pa yung pagsasalita ni Pres. Marcos) na ako na ang BESTFRIEND mo at bawal mo nang alisin yan…” sabay tinatakan nya ako ng pantatak na may nakasulat na “very good”.

                “Ninakaw mo yan kay Teacher Lharize. Lagot ka!” sabi ko sa kanya.

“Hindi ako magnanakaw!” Sinigaw nya sa tenga ko. (Ang sakit sa tenga ng boses ni Libby.)

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon