Sumusulat ka pala sa StyroFOUR?

69 0 0
                                    

May date kami ni Blaze.

Napilitan akong sagutin siya. Alam ko namang masaya na si Andrei sa girlfriend niyang si Isabel kaya nagpaparaya na ako. Hindi ko naman sinasabing gagamitin ko si Blaze… Binibigyan ko lang siya ng isa pang pagkakataon. Oo, muntik niya akong pagsamantalahan noon pero na bawi nya na ang mga kasalanan nya. Napatawad ko na rin siya’t lalo pa noong ipahiya niya ang sarili sa harap ng maraming tao.

Siguro nga mahal niya ako.

Nagkasundo kami na magkita sa canteen. Nauna na siya doon. Noong makarating ako… nandoon si Andrei… hawak niya ang isang styro at sumusulat siya nang kung ano. Weirdong bata. Gusto ko sana lumapit pero nakita ko si Blaze na naghihintay sa akin kaya pumunta ako sa upuan.

Nahuli kong nakatitig si Andrei sa amin ngunit tahimik lang ako. Tumuloy na rin siya sa pagsusulat.

“Christina… sorry sa mga nagawa ko.” Wika ni Blaze.

Ngumiti ako sa kanya. “Ayos lang.”

Tahimik kami parehas.

“Kunin mo to.” Binigyan niya ako ng isang maliit na ipit.

“Ha bakit?”

“Wala bagay lang sa iyo.”

Ngumiti ako sa kanya.

                Hindi kami masyadong nagusap.

Maya maya nakita ko si Isabel na lumapit kay Andrei.

“Hon!” Tawag sa kanya ni Isabel.

“Oh hon? Bakit?” napatanong siya.

Nag uusap ang dalawa na sobrang maligaya. Gusto kong lumuha pero mas mabuti na rin na magkasama sila saka… masaya na si Andrei. Hindi na siya nagiisa. Hindi gaya noong mga bata pa kami. Masaya na siya ngayon… may kasama na siya.

“Umm… Christina…” napatingin ako kay Blaze.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“May namagitan ba sa inyo ni Andrei dati?”

“Naging close kami… pero hanggang kaibigan lang talaga.”

“Friendzone?” Pang aasar ni Blaze.

“Hindi, Bestfriendzone.” Bawi ko.

“Alam mo ba kung ano talaga nagustuhan ko sa’yo?”

“Ano?”

“Yung pagiging makulit mo… ikaw lang nakakapagpataob sa akin eh.”

Ngumiti ako kay Blaze.

“Ganun? Takot ka lang na mapagalitan ni Mommy eh.”

Tumawa siya. “Oo, takot nga ako kay Teacher Lharize.”

Ang puso ko’y nalilito

Nalilito kung sino sa inyo

Ang isip ko’y gulong-gulo

Gulong-gulo kung sino sa inyo

Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?

Dalawa ang sana ang puso ng di na malito oh

Tahimik saglit. Nakita kong mag isa na lang si Andrei.

“Bibili lang ako ng Shake… Anong flavor gusto mo?” binasag ni Blaze ang katahimikan.

“Cookies n Cream.” Yan yung paborito ko. Tumayo si Blaze at umalis. Nakita ko naman si Andrei na nakatingin sa akin.

Bakit kaya mahal ko kayong dalawa?

Kaya ang puso ko’y nahihirapan na

Ano ang aking gagawin, sino ang pipiliin?

Puso ko’y hatiin ni’yo wala ng iisipin

Bago ko pa malaman ang mga sumunod na pangyayari, Nakatayo na ako sa harap ni Andrei. Wala akong ibang masabing salita kung ‘di…

“Chog!”

“Bakit Dusa?” napatitig siya sa akin. “Ayy nga pala Dusa yung diary mo oh.” Binitiwan niya yung styrong hawak niya at kinuha yung diary ko sa bag niya.

Pagkabitaw niya sa styro para kunin yung diary ko… Nilipad ito.

 Pinulot ko… nabasa ang ilang salita…

 …Nagdesisyon na akong kalimutan yung mga nagpagulo sa isip ko tungkol sa relasyon namin ni Isabel. Tama na styro… masaya na si Libby at Blaze… Hindi ba? Yun lang naman yung nais ko eh... Makitang masaya din yung best friend ko. Styro… Hindi na ako susulat sa iyo tutal kada sulat ko sa iyo eh mawawala rin dahil hindi naman talaga sumusulat sa styro. Nandiyan ang papel na siyang dapat na sinusulatan ko… gaya ng aking diary. Hindi nararapat na sumulat sa iyo dahil sumusulat ang tao sa papel. Ang isang styro ay lagayan lamang ng pagkain na puno ng polymer. Ang papel ang siyang dapat na nilalabasan ng tunay na hinanakit. Mali ang pagsulat ko sa styro… gaya ng maling pag ibig ko sa aking matalik na kaibigan… lalo’t mayroon akong diary na sinusulatan… mayroon akong kasintahan…

“Andrei ano ito?”

“Ah eh wala…” mabilis niyang kinuha ang styro mula sa kamay ko. Ipinasok ito sa bag niya at matapos ay binigay niya agad ang diary ko.

“Alis na ko.” Paalam niya.

Napatanong ako sa sarili kung ano ang nabasa ko. Kaya ba siya sumusulat sa styro ay dahil…

“Christina!” Tawag sa akin ni Blaze.

Binigay niya sa akin ang shake na binili niya.

“Eto oh… bayad.”

“Ano ka ba libre na yan!”

“Ha! Ehh.. wag na… kunin mo na yung bayad ko.”

“Wag ka nga magulo! Hindi ko kukunin yan bigay ko iyan sa iyo.”

Nahihiya ako pero tinangap ko pa rin.

“Blaze…”

“Oh?”

“Salamat.”

Ngumiti siya sa akin habang hawak ko ang aking diary. Sumusulat pala si Andrei sa Styro?

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon