Anong Kaugnayan mo sa Pagsulat niya sa StyroFOUR?

80 0 0
                                    

May date kami ni Christina.

                Mas kilala siya bilang Libby pero mas gusto kong tinatawag siyang Christina. Bata pa lang kami ay humahanga na ako sa kanya. Siya lang kasi ang kayang magpabago sa mga desisyon ko. Hindi ko alam kung bakit pagtumutol siya eh tameme ako. Oo, minsan na din akong magkamali nang tangkain kong pagsamantalahan siya. Ganun eh? Siga ako sa eskwela.

                Hindi ko rin akalain na magagawa ko yung nagawa ko nung prom. Kinain ko yata lahat ng lakas ng loob at pride ko (Anong lasa? Chocolate Velvet!). Mabuti na rin at napatawad ako ni Christina.

                Nahuli siya. Halos 30 minutes na akong naghihintay ngunit hindi pa rin siya dumarating. Nakakaburyo, nakaupo lang ako sa canteen walang kausap. Tumitingin tingin ako sa paligid. Nakita ko si Andrei Santillan, yung best friend ni Christina, nagsusulat siya sa isang styro. Weirdo lang hindi ba? Sanay na ako. Maraming tao talaga ang weird.

                “Takte! Ang tagal naman nitong si Christina!” bumulong ako ng pasigaw. Takte! Parati na lang huli itong babaeng ito gaya nung first year high school kami dumating na lahat ng kagrupo ko yung leader pa yung wala. Buti na lang after 1 hour dumating na rin si Christina. Nakita kong napatitig  siya kay Andrei at sa pagsulat nito sa styro  kaya lumapit agad ako sa kanya.

                Pinaupo ko agad siya at nagsimula akong magsalita…

“Christina… sorry sa mga nagawa ko.” Wika ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at sumagot. “Ayos lang.”

Tahimik kami parehas.

“Kunin mo to.” Binigay ko sa kanya ang isang ipit na nabili ko sa isang tindahan.

“Ha bakit?”

“Wala bagay lang sa iyo.”

Ngumiti siya sa akin.

                Hindi kami masyadong nagusap.

Maya maya nakita ko si Isabel na lumapit kay Andrei.

“Hon!” Tawag sa kanya ni Isabel.

“Oh hon? Bakit?” napatanong siya.

                Nakita kong nakatitig si Christina sa kay Isabel at Andrei. Malungkot ang kaniyang mga mata na tila ba maluluha… Napa isip tuloy ako kung may namagitan sa kanila ni Andrei. Naalala ko kasi ang sinabi ni Andrei noon na.. Brad! Ayokong masuntok pa kitang muli! WAG NA WAG KANG lalapit kay Libby! MAGKAKAMATAYAN tayo!”…

“Umm… Christina…” napatingin siya sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

“May namagitan ba sa inyo ni Andrei dati?” lumabas din sa bibig ko ang pagtataka.

“Naging close kami… pero hanggang kaibigan lang talaga.”

“Friendzone?” Pang aasar ko.

“Hindi, Bestfriendzone.” Bawi nya.

“Alam mo ba kung ano talaga nagustuhan ko sa’yo?”

“Ano?”

“Yung pagiging makulit mo… ikaw lang nakakapagpataob sa akin eh.”

Ngumiti siya sa akin.

“Ganun? Takot ka lang na mapagalitan ni Mommy eh.”

Tumawa ako. “Oo, takot nga ako kay Teacher Lharize.” Totoo naman.

Ang puso ko’y nalilito

Nalilito kung sino sa inyo

Ang isip ko’y gulong-gulo

Gulong-gulo kung sino sa inyo

Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?

Dalawa ang sana ang puso ng di na malito oh

Tahimik saglit. Nakita kong nakatitig nanaman si Christina kay Andrei.

“Bibili lang ako ng Shake… Anong flavor gusto mo?” binasag ko saglit ang katahimikan.

“Cookies n Cream.” Sagot ni Christina.

Tumayo ako at pumunta sa nagtitinda ng shake.

 “Miss isang cookies and cream, isang hazelnut flavor.”  Sabi ko sa tindera na ikinagulat ko.

“Uy! Blaze ikaw pala.” Sabi ng ex ko na si Abbie.

“Uy! Usta?” sabi ko.

“Ayos lang.”

“Heto na pala yung bayad ko. Sige bye.” Binigay ko yung saktong bayad at kinuha yung dalawang shake na binili ko. Takte! Iniiwasan ko na nga yung babaeng iyon eh.

Bakit kaya mahal ko kayong dalawa?

Kaya ang puso ko’y nahihirapan na

Ano ang aking gagawin, sino ang pipiliin?

Puso ko’y hatiin ni’yo wala ng iisipin

Pagdating ko sa may upuan nakita kong magkausap si Christina at Andrei…

“Andrei ano ito?” nakita kong hawak ni Christina ang styro na sinusulatan ni Andrei kanina.

“Ah eh wala…” mabilis niyang kinuha ang styro mula sa kamay ni Christina. Ipinasok ito sa bag niya at matapos ay may inabot siya kay Christina.

“Alis na ko.” Paalam ni Andrei.

Napatanong ako sa sarili kung ano ang nakita ko. Kaya ba sumusulat si Andrei sa styro ay dahil…

“Christina!” Tawag ko sa kanya.

Binigay ko sa kanya ang shake na binili ko.

“Eto oh… bayad.”

“Ano ka ba libre na yan!”

“Ha! Ehh.. wag na… kunin mo na yung bayad ko.”

“Wag ka nga magulo! Hindi ko kukunin yan bigay ko iyan sa iyo.”

Napasuko ko rin siya.

“Blaze…”

“Oh?”

“Salamat.”

Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ako mapalagay… para bang may kaugnayan si Christina sa pagsulat ni Andrei sa styro… parang may iba akong nahihinuha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon