Paano Sumulat sa Diary? Da One Message Received After story

1.5K 0 0
                                    

Natapos na rin sa wakas yung isang buwan na diary na yun! Success! Tapos pumayag si Isabel na maging date ko sa Prom! #Kiligmuch! Hahaha! Ano kaya isusuot ko? Sana ang diary marunong sumagot. Na miss ko magsulat sa diary ah… well, Bakit hindi ko ituloy di ba? Sige mamaya!

                Napatingin ako sa cellphone ko. Nakareceive ako ng message.

“Andrei, I miss you.” Ang nakalagay sa sa text at galing sa isang unknown number. Sino naman kaya nagtext nito? Baka si Isabel? Malamang miss na miss nya ko. Hindi kasi ako nakapasok ng dalawang meeting sa klase ni sir Benedicto. Mayroon akong trangkaso nitong nakaraang araw.

                Kahit na nagtext sya hindi ako nagreply dahil wala akong load. Walang baon eh. Badtrip nga  kung kelan poor ako saka nagtext si Isabel. Na miss nya ko? Heaven! Kung sumulat kaya uli ako sa diary ko? Atleast ngayon hindi ko na kailangan ipasa to kay sir Benedicto at mas malaya ang pagsulat ko. (Parang noong una hindi eh?) Well sabi ko rin naman sa inyo kanina susulat uli ako sa diary di ba? Susulat ako nakaka inspired yung text ni Isabel eh.

September 23

Dear Diary,

                Gaya nang pagkamiss ni Isabel sa akin na miss din kita. Alam mo kahit hindi ko trip… na miss ko din sabihin yung mga ginagawa ko sa maghapon; gumising, nag ayos ng higaan, naligo, nagtoothbrush, kumain ng umagahan, pumasok sa eskwela, nakinig sa boring na report ng kaklase ko, nagbreak nung vacant ko, tumambay sa gym, inabangan si Isabel sa library, gumawa ng assignments kasama nya, pumasok sa last class ko, umuwi, nagfb at twitter sandali, nanood ng anime sa gogoanime.com, kumain ng hapunan, as of now sumusulat ako sa iyo, balak kong matulog mamayang 12 o’clock.

                Tuloy na ba ako sa kwento ko? Well since yung last entry ko sa iyo ay parang wala lang… itong kasunod na entry ay kagaya lang din. Ano ba pwedeng ikwento ko sayo? Wala naman, nag enjoy lang ako sumulat sa iyo dahil kung hindi dahil sa pagsulat ng diary. Hindi ako magiging close kay Isabel at hindi ko sya maliligawan gaya ng ginagawa ko ngayon. Thank you pala Diary.

Love (para hindi puro sincerely)

Andrei

                Kinabukasan, nakatangap nanaman ako ng message galing sa parehas na number kahapon. “Good Morning Andrei.” Gusto ko sana mag hashtag kilig much. Hahaha! Wag na lang! Tuwing naaalala ko yung pagkawala ng diary ko. Natatawa ako.. Tanga lang eh! Pero kahit ganun, buti na rin binasa ni Isabel yung diary ko. Nalaman nya agad na parehas kami ng nararamdaman.

September 24

Dear Diary

                Di ko alam kung bakit kahit di na requirement ni sir Benedicto sumusulat pa rin ako sayo. Bakit nga ba? Is it because of my awesome looks? Alam ko medyo awkward yung pagkakasulat ko nyan. Well, heto nanaman uli isusulat ko uli yung paborito kong to – do list. Gumising, nag ayos ng higaan, naligo, nagtoothbrush, kumain ng umagahan, pumasok sa eskwela, nakinig sa boring na report ng kaklase ko, nagbreak nung vacant ko, tumambay sa gym, wala si Isabel sa library, gumawa ng assignments mag isa, pumasok sa last class ko, umuwi, nagfb at twitter sandali,  hindi ako nanood ng anime sa gogoanime.com kasi mabagal ang net, kumain ng hapunan pero diet meal lang, as of now sumusulat ako sa iyo, wala pa akong balak matulog.

                Hindi ko nakita si Isabel kanina kamusta kaya sya? Five days na lang prom night na. Na eexcite ako. Naiimagine ko na sya sobrang ganda habang bumababa sa hagdan. Ayiie! Naalala ko nung hawakan ko yung kamay nya noong nag “Ama Namin” kami. Konti pa lang yung kilig noon. Ngayon bawat kilig may kasama nang love. Iba talaga diary! HAYY miss ko na talaga si Isabel. I love her so much. Ah! Matutulog na nga ako diary… Siguro kailanagan ko lang nang tulog. Good Night!

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon