Baka sumulat pa ko sa StyroFOUR nyan.

107 0 0
                                    

Sa pagsasalaysay ko sa pangalawang styro na sinulatan ko at maging dun sa tatlong styrong puno ng history  ko nakilala nyo si Blaze.  Alam nyo na kaibigan namin sya. (Buti nga napatawad sya ni Libby pero kung ako masusunod ipapakulong ko yung walang hiyang yun eh.) kaya … ah eh. Basta!

Anyway. Susulat ako sa styro ngayon. Masaya to! Walang drama (walang negative ions) ! StyroFOUR nga eh. So ano? Let’s go crazy! Crazy ! crazy! Til we see the sun?

October 22

Styro, (medyo tinatamad na ako sa salitang dear)

                Magiging straight to the point na ako... ang ginawa ko sa maghapon ay naligo, kumain, nagligpit ng higaan, pumasok, umuwi, naglaro ng video games, nagfb sandali, gumawa ng assignment at  mamaya matutulog na ko. Pagusapan uli natin yung prom? Ok lang? Sa bagay… wala kang magagawa… Lagayan ka lang ng pagkain eh. We all know na sobrang ganda ni Libby sa prom. Siya nga Prom Queen eh. Tapos si Norman ang Prom Princess este Prom King (siguro na gegets nyo na yung sikretong malupit ni Norman). Takte! Ganda talaga ni Libby no? at yun nga matapos syang koronahan na Prom Queen eh may biglang sumigaw… Sino pa eh di yung basagulero sa lahat ng kakilala kong tao… si Blaze.

“Christina Libby!” tawag ni Blaze sa kanya.

“Mahal na mahal kita! Please… Bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon.”

Tahimik ang lahat.

Lumapit si Blaze sa entabaldong puno ng disensyo.

“Christina…” Lumuhod siya at iniabot ang kulay pulang rosas kay Libby. “..Mahal kita.”

Halatang hindi alam ni Libby ang gagawin. Napatingin siya sa akin. Tapos binalik niya ang tingin kay Blaze. Tumango lang siya at kinuha ang bulaklak na bigay ni Blaze. (Napatalon naman ang Sugar Honey Ice Tea na siga)

Hiyawan naman ang mga kinikilig na loko naming kaklase at yung mga issue makers sa ibang block. Masaya na ako para sa kaniya pero nung isang araw nagulat talaga ako na makita si Libby at Blaze sa canteen dati kasi ayaw na ayaw ni Libby kay Blaze dahil nga sa ugali nitong presko. Palagi siyang pinagtritripan nito at inasar ang kanyang nerdy looks. Takte! Type pala nitong si Blaze yung best friend ko? Ungas! At ito namang si Libby papatol pa? Matapos syang bastusin? Mababatukan ko itong sira na ito eh.Sabi ko sa iyo, Magiging masaya ang pagsulat ko sa strong ito. SWEAR hindi ito magiging BITTER… as in walang bahid ng ka bitteran. Alam mo styro…

“Hon!” Tawag sa akin ni Isabel.

“Oh hon? Bakit?” napatanong ako sa kanya.

“Wala. Hindi ko na ba pwedeng kausapin yung boyfriend ko?” nakangiti niyang sagot.

“Pwede! Ikaw talaga… halika nga dito.” Pinaupo ko siya sa tabi ko at niyakap. “Miss mo ko no?”

“Hindi ah! Feeler ka!” sagot niya sa akin.

“Sauce! Feeler? Eh halata naman na namiss mo ko.”

“Oo na.” sabay kurot nya sa ilong ko.

“Ikaw kasi eh… busy ka parati dyan sa pagsulat mo sa pub nyo.”

“Masaya ako dito eh. Ayaw mo ba?”  tanong niya.

“Hindi… Ok lang. Kaso madalas lang wala kang time.” Sagot ko.

“Eh ikaw… busy ka din naman ah. Busy ka sa banda nyo nila Alex.”

“Sa bagay… so pag aawayan pa ba natin yun?”

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon