Paano Sumulat sa Diary? Da B(e)(i)tter Bersyon

129 3 0
                                    

August 13

Dear Diary,

                  Maulan ang araw na to. Hindi ko nakita crush ko kasi walang pasok. Nagsulat lang ako kasi kailangan may entry ako sa diary na to. Di ko naman trip to eh. Recquirement lang ni Sir. Benedicto.

Sincerely,

Andrei

Ano ba alam ko sa pagsulat sa Diary? Heto namang prof ko, requirement pa yun. Ano naman kaya gagawin ko dito? Kamusta naman di ba? Mema lang… sabi naman ni sir kahit ano daw ang isulat pwede eh. Diary mo naman daw. Eh di sige. Isang buwan lang naman at hindi naman masama eh.

Patuloy lang akong sumulat. Pina check namin kay Sir Benedicto yung first entry namin.

“Andrei, Bakit ganito yung entry mo? Dapat samahan mo nang mga ginawa mo noong araw na yun.” Sabi nya.

“Eh sir wala naman pong buhay tong buhay ko.”

“Hindi ako naniniwala sayo.”

August 14

Dear Diary,

                                May pasok na ngayon kasi maaraw na. Ang mga ginawa ko naligo, kumain, nagligpit ng higaan, pumasok, umuwi, naglaro ng video games, nagfb sandali, gumawa ng assignment at ngayon nagsusulat ng entry, mamaya matutulog na ko. Napagalitan ako kanina ni Sir Benedicto kasi di ko daw nilagay yung mga nangyari sa akin sa araw- araw. Hayan nilagay ko na. Hindi ko talaga trip magsulat nito.

Sincerely,

Andrei

Ano bang ilalagay ko sa Diary na yan??? Hindi ko nga trip eh! Girly masyado… though may mga lalaki na sumusulat sa diary… well hindi ako ganun. Mas trip kong maglaro ng video games at manood ng anime. Hayy, Sino ba kasi yang diary na yan? Bakit kailangan ko syang sulatan?

August 15

Dear Diary,

                                Sino ka ba? Bakit kailangan araw araw sinusulatan kita? Ano ka chicks? Kung hindi lang dahil kay Sir, matagal na kitang tinapon. Ah! Ang ginawa ko pala ngayong araw na to ay naligo, kumain, nagligpit ng higaan, pumasok, umuwi, naglaro ng video games, nagfb sandali, gumawa ng assignment at ngayon nagsusulat ng entry, mamaya matutulog na ko. Sabi pala ni Sir sa akin kanina pwede daw kitang sulatan tungkol sa feelings ko… subukan ko kaya?

                Obviously, may crush ako. Ang ganda nya, Isabel Torres name nya. Anak sya ng dean sa school namin at sobrang talino nya. Simple lang si Isabel at ang galing nya sa pagsulat ng tula at maikling kwento. Wala na akong papangarapin pa kung hindi ang makasama sya. Nahihiya ako na ayain sya sa prom night. Papayag kaya sya pag inaya ko sya? Di kami masyado close pero sana hindi nya ko I turn down.

                Ah! Bahala na… Hayan mahaba yung entry ko ngayon…

Sincerely,

Andrei

P.S. Sabi ni Sir tratuhin ka daw na parang tunay na tao. Paano ba yun?

Kinabukasan nakasalubong ko si Isabel, tsk! Ang ganda talaga nya Hashtag!  #KiligMuch! Kaso di naman nya ko pinapansin… Hayyz! Kaklase ko nga sya sa subject ni Sir Benedicto pero parang anino lang ako. Napa isip tuloy ako… ano kaya sinusulat ni Isabel sa diary nya?

August 16,

Dear Diary,

                                Ngayon lang talaga ako ginanahan na sumulat sayo. Kailangan ko ba uli isa isahin yung ginawa ko sa maghapon? Anyways; Naligo, kumain, nagligpit ng higaan, pumasok, umuwi, naglaro ng video games, nagfb sandali, gumawa ng assignment at ngayon nagsusulat ng entry, mamaya matutulog na ko. Siguro dapat copy paste na lang yang mga  yan.

                Pwede na ba ko magkwento sayo? Kanina nakita ko si Isabel. Gaya ko required din sya na sumulat sa diary. Ano kaya sinusulat nya sa diary nya? Diary, tingin mo ba may pag asa na gusto nya rin ako? Ano kaya gagawin ko pag merong chance? Alam mo ba nahawakan ko yung kamay nya kanina nung nagdasal kami ng “ama namin”… First time yun! Sarap ng feeling! Tapos naamoy ko yung pabango nya. Icy mint! Hay… Sana mapansin nya ko. Aayain ko na ba sya sa prom?

Sincerely,

Andrei

Yung mga sumunod na araw, lagi na kong sumusulat sa diary ko na ginagahan ako. Paano dun ko lang nasasabi yung nararamdaman ko kay Isabel. Saka wala namang makakabasa nun si Sir Benedicto lang, saka sabi nya rin hindi ipinagkakalat ang nakasulat sa diary. Sa sobrang ganado ko sa pagsulat kahit sa Canteen sumusulat ako sa diary na yan at dahil sa pagsulat ko sa canteen nawala yung diary ko.

Paano yung requirement ko? Paano kung may makabasa nun! Patay ako nito! Baka malaman ni Isabel! Tsk! Iiwasan nya kong lalo! Awtsu! Bakit kasi dinala ko pa sa canteen yan!

“Uhmmm…” Lumapit sa akin si Isabel na parang may gustong sabihin.

Napatingin ako sa kanya… Patay mukhang alam ko na kung nasaan yung diary ko.

“Ano… ah eh… Diary mo to di ba?” tanong ni Isabel

“Ah… eh Oo… sa.. Saan mo nakita?” sagot ko.

"Sa desk natin... Ikaw lang naman yung katabi ko di ba kaya alam ko na sa iyo ito... Wag kang mag alala di ko binasa" Inabot nya sa akin ang diary ko.

"Sige alis na ako, may date pa kasi kami ni Simon. Inaya nya ko sa Prom." Ngumiti siya sa akin at umalis.

August 17

Dear Diary

Hindi ko alam kung gaganahan pa kong sumulat sa iyo. Ang ginawa ko pala sa araw na to ay nakalagay sa link na yan https://www.facebook.com/notes/alodia-fay-buenviaje/paano-sumulat-sa-diary/711383382211139. Tinatamad na kasi akong sumulat eh kaya kinopya ko na lang yung link. Sa dami ng taong pwedeng umaya sa prom kay Isabel... Si Simon pa? Si Simon na best friend ko? Damn naman! Akalain mo! LEKAT talaga! Eto namang si Isabel! Magmamahal na lang sa NERD pa! Ano ba naman ang di nya magugustuhan sa akin? Athletic,Math Wizard, Computer literate, Music Enthusiast, Gwapo?  ay nevermind at... Oh yeah! Hindi nga pala ako mayaman di gaya ni Simon. OO... hindi ako mayaman. Well sumaya sana sila... Masaya naman ako.. Hindi ko sila kailangan! Damn! Buti na lang hindi nya nabasa ang pagkabaliw ko sa kanya. Kaya kong mabuhay na wala siya.

Sincerely

Andrei

Wala naman akong sinulat na iba pa pagkatapos noon. Nasama lang ang ilang issue na tungkol sa dean namin na nakita kong nagsisigarilyo at nakikipaghalikan sa isa pang teacher. Well Diary ko naman di ba? Hindi ko nga alam kung paano nalaman ng dean namin na yun. Si Sir Benedicto lang naman ang nakabasa.  Sinulat ko lang yung gusto kong isulat sa diary. Maski na pagkabitter ko sa kay Isabel, kasama. Hindi ko naman akalain na ang pagsulat ko pala ay magdaladala sa akin sa guidance office. AWTSU!

……Hindi sana komplikado ang buhay ko kung yan yung naging ending eh… pero ganito kasi yung tunay na nangyari…

Paano Sumulat sa Diary, Styro at Lagayan ng Mani?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon