Chapter 3Nakahanap na ko ng trabaho
Isa akong tutor ng mga bata sa mga iba't ibang instrument like piano, violin and etc.Ok na din ang pasweldo pwede ng pambuhay pero para sa akin na nasanay na may malaking pera sa kamay ay hindi parin sanay.
Mahal pa ata ang tuition ko nung nagaaral ako kesa sa trabaho ko. Nakakastress, wala naman akong magawa kundi pagtiisan muna to kesa naman wala akong makain lalo na at may isa pa akong kailangan buhayin..
Naghanap din ako ng online job mukhang may makukuha naman na ako ang kaso wala namang wifi itong apartment mukhang kailangan ko pang ilabas ang konting natirang savings ko para dun.
Baka sa susunod na linggo o buwan papakabit ko na.I'm on my 3rd month of pregnancy, medyo maumbok na din ang tiyan ko. Gusto ko ngang itago baka may makakita saking kakilala ko noon.hindi ako handa.
May mga opportunity na nakaabang sa akin dahil na rin graduate naman talaga ako sa prestihiyosong unibersidad ang kaso lang nga buntis ako at hindi ko naman magrab ang oportunidad agad agad dahil sa sitwasyon lalo pa't masyado akong naging maselan nitong mga nadaang buwan.
Pagkapanganak ko talaga,kukunin ko kung anumang mga opportunity na yan.
Advantage din talaga kapag nakapagtapos ka sa kilalang unibersidad lalo na pag nagaral ka ng mabuti at kilala ka na ng iba dahil ambilis kong makakuha ng racket, yun nga lang disadvantage talaga ang pagiging buntis.
May nagooffer na maging one on one tutor ako ng mga anak nila sa music at malaki ang kita dahil per hour ito at syempre medyo malaki ang talent fee ko, dumadami na din sila kaya magiging abala talaga ako sa mga susunod, balak ko nadin magresign sa trabaho ko ngayon at subukan magapply sa mas malaki at kilalang school.
Hindi man ako maging performer ng mga kakayahan ko pwede ko naman pala itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtuturo o pagshashare ko nito sa iba.
Nakakaasar nga lang yung mga taong kilala ako at pinaguusapan ako dahil sa nangyari na sayang daw ako, kahihiyan mabubulok na ang talent at nakakaasaar makitang nagsisiangatan na sila. Wala silang alam na buntis ako, nagconclude nalang sila na tinanggal ako dahil sa hindi ako magaling, yung iba naman dahil sa bad attitude ko, na hindi ko naman daw talaga deserve yun and dahil ayaw ko lang daw at walang plano sa buhay.
Sa dami ng conclusion pano pa kaya kung malalamam nila ang totoo.
*****
Ales syete palang ng umaga ay nakahanda na ako para sa pupuntahan. Sabado ngayon at may appointment na tuturuan 8-11 ang usapan namin, dalawang magpinsan at sunod 1-3 naman dalawa din sila at ang huli ay 4-6 solo naman ito 12 years old na babaeng tuturuan ko sa violin.
Kinuha ko nalang ng kinuha kahit alam kong nakakapagod dahil deretso, sayang naman lalo pat malalaking tao din ito..Mostly na pinapaturo sa akin ay ibat ibang instruments, more about music at voice lesson narin bukas naman sunday ay ganun din, bale every weekend ko sila tuturuan.
Sa loob ng isang buwan ay magiging ganito ang schedule ko sana naman makisama ang batang to.
Pagod na pagod akong umuwi ng apartment. Pagkarating ko'y humilata na agad ako at hindi na nagabala pang magpalit ng damit hanggang sa nakatulog na pala ako.
Alas dies na ng gabi ng magising ako, kaumakalam na din ang sikmura ko.
" Bahala kang magutom din na bata ka. Pagod ako kaya magtiis ka din gaya ko." Bahagya kong pagkausap sa umbok ng tiyan.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Child
General FictionI got pregnant at an early age and I can't accept the fact that my dreams and future will change because of this 'thing'. I've been the worst mother to her, I've never wanted her, I hate to see her and because of that she never experienced being lov...