Chapter 4

103 0 0
                                    

Chapter 4

Naalala ko nanaman ang lalaking iyon. Ang lalaking sobrang minahal ko at hangang ngayon minamahal parin kahit masakit.

Galit ako dahil iniwan niya ako sa sitwasyon na to, galit ako na sinukuan niya ang relasyon namin at galit ako dahil masakit, masakit na masakit,pakiramdam ko niloko ako dahil iniiwan niya ako..

Baka hindi niya ako minahal. Gago talaga.

Ilang taon din kami at masasabi kong matibay ang relasyon namin. Tsskk.

" Pag lalaki ka baby wag kang gagaya sa ama mo ha. Nangiiwan ng babae at nanakit ng damdamin. Tskkk.. Huwag kang mambubuntis at hindi paninindigan dahil sinasabi ko sayo nakuu! Makakatikim ka sakin bata ka. Dapat 30 ka magasawa."
Parang tangang pagkausap ko sa bata.

Wala na ata ako magawa. Tsk.

"Pag babae ka naman, hayy hindi ko alam basta sigurado ako na maganda ka. Advantage mo yun dahil maganda talaga ang genes namin parehas ng tatay mo kaya dapat magpasalamat ka. Bawal kang magpaligaw kung hindi ka pa 30." Natawa ako ng konti sa pinagsasabi at pinagiisip ko. Medyo kumalma na ako sa out burst ko kani- kanina lang.

" Galit ka ba kay mommy?" Natigilan ako bigla sa tanong. Pano kaya kung galit siya.



" Walang kwenta ang magiging nanay mo. Kung babae ka, wag kang gagaya kay mommy mo dahil mahina ako. Hahayaan kitang gawin kung anong gusto mong gawin sa buhay pero hindi ko masasabi kung maibibigay ko ang isang ina na karapat dapat sayo."

" Sana...

Sana .... Sana hindi mo siya maging kamukha. " wala sa sariling nabanggit ko sa bata. Yun talaga ang gusto kong mangyari. Biglang kumirot nanaman ang dibdib ko ng maalala ang ama niya.

"Magiging mas okay siguro tayo kung wala kang kahit anong angulo na makakapagpaalala sa ama mo. Baka... Baka...

Baka mas maging masaya tayo. Mas kakayanin kong tignan ka ng hindi naaalala ang nakaraan. Kaya sana hindi mo siya maging kamukha." Nasa malalim akong pagiisip mula kanina.

Isang oras pa ay hindi ko na talaga kinakaya ang pagkagutom ko. Natatakam ako sa pagkain. Gusto ko ng balot at mangga na may alamang na maanghang pati narin madaming siopao.

Hay san naman kayo ako kukuha ng ganung pagkain. Ala una na.

" Baby, baka naman magbago pa ang isip. Baka noodles nalang ang gusto mo o sandwich? Nakakayamot naman eh alas una na kaya. Masarap ang noodles." Pangkumbinsi ko na magbago ang pagkain na krinecrave ko. Ang hirap naman kasi ng ganito. Nakakaiyak.

Kadalasan hindi na ko makatulog pag gabi. Palakad lakad nalang ako o pabaling paling sa kama dahil hindi ko makain ang gusto ko.

Minsan nakakatulog nalang ako sa pagiyak, wala naman akong magawa dahil sadyang maarte din tong batang to pagdating sa pagkain nagmana sa ama niya. Hmpp!

Bahala na.

Kinuha ko ang jacket ko at umalis agad ng apartment para bumili ng pwedeng kainin... Baka mabaliw na ko pag hindi ako nakakain ng cravings ko. Ilang weeks ko nadin pinagkait at tiniis na hindi mapagbigyan ang gusto ko dahil hindi ko naman mabili at wala akong kasama.

Habang naglalakad sa kalsada ay kumirot nanaman ang tiyan ko. Medyo napapadalas na, sa sobrang stress ko ata.

Malamig pa man din ngayon dito sa Baguio dahil -ber months na. Bukas pa naman ang night market sa Harrison road baka may mabili akong pagkain. Pagkatapos ng kaguluhan nung nalaman kong buntis ako at nagquit sa mga opportunity at mapalayas ng daddy ko dito sa Baguio ako pinapunta ng mommy ko kung saan binayaran niya na ang apartment fee ko.

Maganda narin yon para iwas chismis at malayo sa mga taong may kilala sa kin sa Manila. Ang kinalabasan nga lang ay mag-isa. Ang mga kaibigan ko baka susunod na linggo ulit makapunta dahil busy nadin sa sa mga carreer nila since mga fresh graduates kami.

Sinasuggest nila na dito nalang sila sa Baguio lalo na si Zara na sasamahan nalang daw ako lalo at buntis ako pero ako na ang umayaw. Ayoko namang maging pabigat at madelay nila ang mga pangarap nila dahil sa akin. Tama na yung ako lang. Tutal kung may time naman sila ay biyahe agad sila dito sa Baguio..

Nang may nakita akong taxi ay agad ko na itong pinara.

Pagdating sa night market ay para akong nabuhayan ng loob ng makita ko agad ang balot na sobrang krinecrave ko. Marami pang tao at buhay na buhay pa ang gabi, bumili na din ako ng siopao at siomai. Wala akong makitang mangga kaya nababanas ako.

" Hi po ate, san po pwedeng makabili ng mangga" tanong ko sa babaeng nagbebenta ng siomai.

" Ay neng, walang bentang mangga ngayon dahil gabi na. Kadalasan kasi diyan sa Burnham nakapwesto ang nagbebenta hindi ko nga lang alam kung meron sa madaling araw." Para naman akong pinagsakluban ng lupa sa narinig.

Nilakad ko parin ang papuntang Burnham kahit medyo imposible na may makita pa kong nagbebenta.

Sa bench kanya kanya ang pwesto ng mga tao. Kahit sa may rose garden ay may nakita pa akong mga mag nobyo't nobya na nakatambay at naglalampungan. May ibang dumaan naman na mukhang magbabarkada na gising na gising para gumala, bigla ko tuloy namiss ang mga kaibigan ko.


Wala na akong makita na nagbebenta kaya napagpasyahan kong umupo nalang din sa bench malapit sa mga bangka. Mahamog ang gabi at tanaw ko ang tubig na parang kumikinang dahil sa reflection ng buwan.

Payapa na ang aking isip at pakiramdam ng may biglang scenario na pumasok sa utak ko na nagdala ng bigat sa aking puso.

Ganitong ganito din kami ng pamilya ko pati narin ang dati kong boyfriend. Madalas kaming magpalipas ng oras sa ilalim ng buwan tanaw ang pool sa likod ng aming bahay.

Namimiss ko na ang family ko but I can't be with them because I'm an ungrateful child. For sure, dad is still upset with me together with my mom, kuya and 2 ate.

I always bring disgrace in our family. I'm a living failure and this child will always remind me of my failures and painful things that happened in my life.

Dad was right. I dont deserve to have their family name. I dont deserve to be their daughter. Even how hard I tried I always failed and end up disappointing them. I cant be like my siblings.



Magaalas-dos na ng maisipan kong umuwi. Masyado ng malamig at kailangan ko pang magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas.

Nagtaxi nalang ako pauwi at ininit ko agad ang biniling pagkain tsaka binusog ang sarili.

Satisfied akong nahiga ulit habang pinapakiramdaman ang bata na nasa sinapupunan ko.

" Ano? Masaya ka na. It's already 3 in the morning at patulog palang ako dahil sa mga cravings ko. Sana naman sa susunod yung asa bahay na ang hanapin mo or icrave ko na ng medyo mas maaga para mabili ko agad, huh."

Ramdam ko na ang buhay na nabubuo sa sinapupunan ko. Ramdam ko ang pagtibok tibok nito sa tiyan ko at bahagyang paggalaw though not the way na may kicking pero nararamdaman ko parin ang paggalaw nito.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Hayy

Gumagalaw siya ngayon at ramdam ko ang tibok tibok nito sa tiyan ko.

Hinimas ko ng bahagya ang tiyan ko at biglang may parang mainit na humaplos sa pakiramdam ko sa di malamang dahilan.

" Mukhang masaya ka ha? Tulog na tayo, huh? Wag mo namang pahirapan ako. Buong araw nanaman ang trabaho bukas aasikasuhin ko pa ang pagkakabit ng internet kaya hindi ko mahaharap ang pacheck up mo. Hayyy" sambit ko at unti unti ng nakatulog. Ramdam ko ang konting kirot kirot sa tiyan ko pero di ko nalang pinansin.

Ayos lang naman siguro siya, di naman ako dinugo eh tsaka normal lang siguro since medyo napapadalas ito.

Try ko next week o sa susunod baka maharap ko ang monthly check up ko..

My Unwanted Child Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon