Chapter 5
Buong buwan stress dahil sa dami ng kailangang gawin. Minsan gusto ko nalang umiyak at magpahinga.
Sa weekend ay busy ako sa pagtututor at sa weekdays naman ay nasa school ako ng pinagtratrabahuan ko. Balak ko ng umalis dahil nakakastress at nakakapagod na ang takbo ng mga araw ko at makakasama sa akin yun kaso wala pa akong kapalit. Maybe next week or sa susunod pa ako mapapalitan. Maglilimang buwan na din akong buntis kaya maumbok na ang tiyan ko nakakapagod ng gumalaw.
Habang mas nalalapit ang panganganak ko ay mas lalo akong natatakot sa mangyayari dahil kahit may trabaho na ko ngayon ay hindi ko sigurado kung sasapat ito para sa aming dalawa lalo pa't maraming gastusin.
Isipin palang ang bayad sa hospital, gatas, vitamins, damit, gamit ng bata at isama mo pa ang ilang buwan sigurong wala akong trabaho dahil bagong panganak.
tubig, kuryente, pagkain at internet na bayarin ay sadyang nagpapasakit sa ulo at nagpapakaba sakin araw araw. Kakailanganin ko pa ng magbabantay sa bata kung sakaling nasa trabaho ako.
Kung sanay may katulong ako sa mga problema ay mas madali sana ang buhay. Ang kaso hindi ako makahingi ng tulong sa pamilya dahil sa nangyari at hinding hindi talaga ako hihingi ng financial support pambuhay samin dalawa. Ipapakita kong kaya ko at may kwenta pa ako sa mundo.
Sa mga kaibigan ko naman na syempre ayoko ding umasa sa kanila. Okay na ako sa moral support na binibigay nila, sa magiging inaanak nalang siguro sila mas bumawi.
Habang papunta sa huling tuturuan ko ngayong sabado nakaramdam ako ng sobrang sakit sa tiyan ko. Dapat ay bukas pa ako pupunta sa doctor para magpatingin dahil wala akong trabaho pero ngayong sobrang sakit niya ay bahagya na akong natakot. Tinawagan ko ang kliyente ko at sinabing hindi ako makakapunta dahil sa emergency. Dumiretso akong emergency
BINABASA MO ANG
My Unwanted Child
General FictionI got pregnant at an early age and I can't accept the fact that my dreams and future will change because of this 'thing'. I've been the worst mother to her, I've never wanted her, I hate to see her and because of that she never experienced being lov...