KABANATA 3

26 4 0
                                    

Denial is a primitive defense mechanism that negates all existing reality to reduce the stress. – Dan Brown.

Palagi nating nasasabi ang katagang "tanggapin ang katotohanan." Ang tanong, "Kasi dali lang ba ito ng pagbibilang?"

Hindi.

Hindi naman ito tulad ng sweldo mo sa trabaho na ang sarap tanggapin. Lalo na kung may mga bagay na humahadlang sayo para tanggapin ang kasulukuyang kabiguan.

Isang linggo ang nakalipas nang sabihin ko sa aking sarili na mag-move on. Pinilit ko siyang inalis sa aking isipan sa tulong ng mga librong tulad ng 1001 Shocking Science Facts, 1227 QI Facts To Blow Your Socks Off, The Book of General Ignorance at Uncle John's Bathroom Reader Extraordinary Book of Facts. At imbes na sumakit ang aking puso sa kakaisip kay EX-G, tumaba ang mga laman ng utak ko.

Ang mga librong iyon ang nang-enganyo sa aking piliin ang Science para maging major subject ko sa susunod na pasukan. Nanabik akong pumasok sa eskwela. Nanabik akong ibahagi ang mga kaalamang aking nalaman sa aking mga kaklase.

Ang buong akala ko, hindi na ako masasaktan kapag makita kong muli si EX-G. Pero hindi pala. Muntik ko nang basagin yung gamit kong computer sa Internet Café nang makita ko ang isang litrato sa Newsfeed ng Facebook account ko. Buti na lang may katabi akong dalagang nakakaakit na ngumiti sa akin nang tumayo ako sa kina-uupuan ko at akmang babasagin ko ang monitor ng computer.

Nahiya ako. Nagpalusot na lang ako at sinabing, "Nag-wo-work-out lang ako. Ginagaya ko yung tutorial sa YouTube."

Pero hindi lumusot yung sinabi ko nang tignan ng dalaga ang monitor ng computer na ginagamit ko.

Lumantad ang litrato ng dalawang tao. Si EX-G at yung bagong lalaki sa buhay niya. Magkadikit ang kanilang pisngi na nagpakuha ng litrato. Konti na lang magdidikit na ang kanilang mga labi. Sa madaling sabi, sweet sila.

(Ahuuuu! Uwaaaa! Ungaaaaa!)

Ngumiti yung katabi kong dalaga matapos niyang makita yung litrato. Saka nagtanong, "Ex mo?"

Tinutukoy nya yung babae sa litrato. Tumango ako para sabihing Oo.

"Ganyan talaga," sabi niya. "Baka hindi talaga sya ang para sayo. Makaka-move-on ka rin. Sa ngayon, talagang mahirap tanggapin."

"Bakit ganoon? Ang dali nyang makahanap ng iba?" tanong ko habang pilit na nagpipigil ng luha.

"May mga tao talaga na ginagawang parang trabaho ang pag-ibig."

"Ano?" tanong ko. Nalilito kung anong pinagsasabi ng dalagang nasa harapan ko. Ilang segundo pa lang kaming nagkakausap pero parang ang tagal-tagal na naming magkakilala kung makapagsalita sya.

O baka naman naranasan na rin nya ang nararanasan ko?

"Kapag nagsawa o naboboring na sila, nag-reresign sila. Saka hahanap ng iba. Hahanap sila ng bago na kung saan magiging masaya sila. Binabalewala nila yung tiwala ng mga kasama nila sa dati nilang trabaho. Basta makahanap lang ng iba, kinakalimutan na nila ang nabuong samahan. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng kompanyang iiwan nila. Yung kompanyang bumuhay sa kanila ng ilang taon. Pero ganyan talaga, tulad sa trabaho, sa pag-ibig may karapatan ang isang tao na umayaw sa relasyon. Makasakit man siya o hindi. Kung hahabulin mo pa sya, magmumukha ka lang tanga." Sabi ng dalaga.

"Nasaktan ka rin ba?" tanong ko sa aking kausap.

"Ilang beses na. Hindi ko na ata mabilang." Ngumiti siya na parang ayos lang sa kanya ang reyalidad na dinanas niya.

"Eh bakit parang hindi ka malungkot?"

"Kung magiging malungkot ba ako babalik yung taong mahal ko? Kung magiging malungkot ba ako makakahanap ako ng taong permanenteng mangangalaga ng puso ko? At bakit kailangan kong maging malungkot kung yung taong nang-iwan sa akin ay masaya? Kahit masakit, ipakita mo na masaya ka. Maging masaya ka dahil habang maaga pa, nalaman mong tanga ka. Para sa susunod, may alam ka na. Yan ang ideya ng pagkatuto. Kung alam mong mainit yung kaldero dahil napaso ka noong una, sigurado sa pangalawa gagamit ka na ng basahan para di ka na mapaso ulit."

BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon