KABANATA 5

10 0 0
                                    

"Ako lang ang KJ! Huwag mong agawin ang aking titulo!" banggit ng dalagang namimilit sa isang binatang ayaw sumama sa kanyang balak na umakyat ng bundok.

"May hika ako. Bawal akong mapagod." Palusot ko.

"Hika?"

"Oo."

"Siguro kaya ka iniwan ng Ex mo dahil sinungaling ka."

"Hindi. Totoo ang sinabi ko."

"Kung totoo yan, bakit ka naglaro ng soccer noong isang linggo? Yun ba ang nilalaro ng mga may hika?"

Sa ebidensyang binanggit ni Gabby, nataranta ang aking isipan kung ano ang sunod kong idadahilan. Ayoko talagang umakyat ng bundok. Minsan lang ako umakyat at sa minsang iyon, ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko na uulitin ang ganoong karanasan.

Ang dahilan? Hindi ako makababa dahil sa pangangatog ng aking tuhod sa tuwing nakikita ko ang mga tanawin sa ibaba. Nakakalulala.

Kung ang tanong nyo ay kung paano ako nakarating sa paanan ng bundok na aming inakyat, yun ay dahil nagkunwari akong hinimatay habang naglalakad pababa. Ang buong akala ng aking mga kasama, pagod lang ako. Kaya nagpatulong sila sa mga tour guide na aming kasama para ako ay buhatin.

"Takot ka lang ata e." sabi ng nakakabighaning si Gabby. Saka gumuhit ng matamis na ngiti na umabot sa kanyang pisngi.

"Hindi a. Basta ayoko. Kayo na lang." sagot ko.

"Paano ka makakalimot nyan? Paano mo sya maaalis sa iyong isipan kung magmumokmok ka lang?"

"Nakalimot na ako. Hintayin ko na lang kayong makabalik. Maglaro na lang tayo ng soccer kapag nakabalik na kayo."

"Sigurado ka? Nakalimot ka na?"

"Oo." Sabi ko kay Gabby para matahimik sya.

Dumukot sya sa kanyang bulsa para kunin ang kanyang cellphone. Kinalikot niya ito ng ilang minuto saka iniharap ang screen sa mukha ko.

Muntik ko nang hablutin at itapon ang cellphone niya dahil sa litratong kanyang pinakita. Imahe ni EX na magkayakap sila ng bago niyang lalaki na sing-gwapo ni Jose Manalo. Pero naalala ko hindi pala sa akin yun. Kaya pinigilan ko ang aking sarili sa aking balak na sirain ang gamit ng iba.

Nagpipigil ng tawa ang mapang-asar na dalaga. "Akala ko ba nakalimot ka na?"

"Sino ba naman ang hindi makakalimot kung patuloy mong pinapakita yang mga litratong tulad niyan?" sagot ko.

"Ang paglimot ay hindi yung hindi mo na sya naaalala. Kundi yung makita mo sya na kahit meron ng iba, hindi ka na nasasaktan." Paliwanag ni Gabby.

Tama sya. Hindi pa talaga ako nakakalimot. Sya pa rin ang laman ng puso ko't isipan kaya patuloy pa rin akong nasasaktan.

"Punta na lang tayo sa aming bahay." Paanyaya ng dalaga.

"Ha?" nabigla ako sa imbitasyon niya.

Ayos lang ba na pumunta ako sa bahay nila? Lalaki ako, babae sya. Baka may masabi ang magulang niya. O masyado lang akong malisyoso?

"Sabi ko, punta na lang tayo sa bahay namin. Doon na lang tayo mag-jamming." Sabi ni Gabby.

"Sino kasama natin?" tanong ko.

"Tayo lang dalawa."

"Uh-uhhmm. As in tayo lang dalawa?"

"Oo. Huwag kang mag-alala, wala tayong gagawing masama."

"Sino ba ang nagsabi na may gagawin tayong masama?"

"Sabi ng utak mo." Sabi niya.

Bago pa man ako makapag-reak sa sinabi niya, nakalayo na sya. Inutusan ko na lang ang aking paa na sumunod sa kanya.

BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon